Chapter 5

15 6 0
                                    


After nun ay dumiretso ako sa cafeteria. Pagdating ko doon ay inayos ko agad ang nagulo kong ponytail. Nakakainis!! Ano ba problema ng babaeng yun?! Tsss. Wala naman akong ginawa ah? Papasok lang naman ako ng cr. Ts.

Ilang oras ang lumipas. Puro pakilala lang kami dahil iba iba ang mga profs so no choice. 7pm na at uwian na namin. Pumunta muna ako sa cr para umihi. Pagkalabas ko ng cubicle ay may narinig akong tawanan ng mga babae sa labas ng pintong nakasara. May naramdaman akong kakaiba kaya agad akong tumakbo sa pinto atsaka pinihit iyun kaya lang hindi mabuksan.

Tangina naman oh!!! Ano na naman ba to?! May duty pa ko eh. Bwiset naman.

Ilang oras na ako don at wala man lang nagbubukas kahit naka ilang tawag na ako. Nagtext narin ako sa coffee shop na hindi ako makakapasok ngayon at pagkasend palang ay nalowbat na ako. Nakakainis!!!

Jusko ano ba tong napasukan ko? Wala naman akong ginagawa ah. Hays.

"Tulong!!" Halos maiyak na ako dahil gasgas na ang boses na lumabas mula sa bibig ko. "Buksan nyo to!"

Tumingin ako sa wrist watch ko at alas 10 na pala. Rinig na rinig ko narin ang kumukulo kong sikmura. Sayang yung araw na to, nagsayang ako ng pera. Jusko ka!! Kung sino ka man! Malaman ko lang! Yare ka talaga sakin!!! Nakakagigil grrrrr.

Paulit ulit kong kinakalampag ang pinto.

"Who the fuck are you?!" Nagulat ako ng may lalaking nagsalita. "Are you a ghost?!" Sambit pa nito.

"Tulungan moko!! Nilock nila ako dito." Pagmamakaawa ko.

"Oh God!! Are you okay?! Wait. I just need to remove this thing first."

Jusko Lord. Thank you po.

Ng mabuksan nya ang pinto ay dali dali akong lumabas ng makita kong estudyante ang lalaking nagpalabas saakin. Classmate ko sya.

"Miss Estrada what are you doin there at this late?"

"Nilock nila ako. Ikaw ano ginagawa mo dito?"

"Oh I go here just to get my back and to get a shower then I hear you knocking." Oo nga pala itong cr ay malapit sa mga locker. Mabuti nalang pala.

"Nakalimutan mo bag mo at ngayon mo lang naalala?"

"Seriously?" Sambit nito. Gwapo rin ito. Matangkad at maputi. Itim na itim ang buhok nya at medyo mapungay ang mga mata. "Its already late na nung natapos practice game namin. "

Tumango tango ako.

"I'm Chris." Sabi nya sabay abot ng kamay sakin, kinuha ko naman ito tsaka nakipagshake hands. Bigla namang tumunog yung tyan ko. Hala nakakahiya.

Tumawa sya at agad na binawi ang kamay nya.

"Hatid na kita? If its okay lets go eat some dinner." Hiyang hiya akong tumango. Jusko ka hija!!! Natawa naman sya sa inasta ko at bumaba na kami sa engineering building.

Isinakay nya ako sa kotse nya atsaka lumabas ng university. Buti nalang may bumagsak na anghel kundi baka bukas na ko nakalabas sa cr na yun. Lakas ko talaga sayo G ha ang pogi pa ng angel ko. Jusko ang kire!!!

Pumunta kami sa isang magarang restaurant. Pinilit ko sya na sa fast food nalang kasi hapunan lang naman wala namang may birthday. Tinawanan nya lang ako. Sabi nya di daw sya pwedeng kumaen ng fast food kasi tataba sya bawal daw sa varsity. Jusko naman! Pati ba pagkain didiktahan ng coach?

Kaya no choice ako kaya dito kami pumunta.

"Order kana."

"Hmm." Tumingin ako sa menu at nakita kong libo ang mga pagkain. Nanlaki ang mata ko at agad na binitawan ang menu atsaka umasta na parang di makahinga at lumagok sa baso na may laman na tubig.

Help Me, I'm LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon