Chapter 11

19 3 2
                                    


Ilang araw din ang lumipas. Puro pambubully ginagawa ng mga punyeta sakin merong tinapunan nila ng kape yung damit ko, merong hinila yung buhok ko mula sa itaas ng hagdan, merong bigla nalang hiniklat yung hikaw ko at kung ano ano pa. Mga puta. Pero buti nalang talaga may mga kaibigan ako para ipagtanggol ako.

Ngayong araw ay sabado at mamaya narin kami gagawa ng project.

"Sa school moko papasok next school year." Pangiti ngiting sambit ng kapatid ko.

"Magaral ka ng mabuti para maging scholar ka."

"Kahit di ako maging scholar makakapasok ako."

"Pano naman aber?"

"May kapit ako sa school nyo eh."

"Balakanga. Alis nako ma babye." Sambit ko atsaka lumabas ng bahay. Pagpasok ko palang ng coffeeshop ay nakita ko agad yung sasakyan ni Cole. Aga naman nito. Ah baka magaalmusal.

Ilang minuto lang ang lumipas ay umalis din ito. Ano kaya yun? Di ko nalang pinansin at nagsimula ng magtrabaho.

"Kamusta sa school mo, Riley? Binubully ka parin ba?" Tanong ni Marcus.

"Oo eh pero okay lang. May mga kakampi na naman ako ngayon." Nakangiti kong wika.

Alas singko ng makareceive ako ng text. Palabas na ko ng coffeeshop.

From: Cheska

Hey. Where are you? I can pick you up.

To: Cheska

Hindi na Cheska. Thank you. Andyan nako mga 20 mins.

From: Cheska

Okay. Take care.

Bumyahe nako papunta sa village nila. Pagbaba ko palang grabe super laki naman dito tapos hindi uso tricycle. Hala pano na?? Pano ko makakapasok? Maglalalakad ba ko?

"Hija san ka pupunta?"

"Hmm kala Gonzales po kuya."

"Ano pangalan mo?"

"Riley Estrada po."

"Asan sasakyan mo?"

"Ay wala po kuya eh."

"Pano ka makakapasok sa loob walang tricycle dito." Ani nito.

"Maglalakad po ako kuya."

"Ay di kita papapasukin. Mamaya modus mo pa yan eh."

"Kuya di poko masamang tao."

"Hija hindi nga pwede. Bakit hindi mo nalang tawagan yung may ari ng bahay para sunduin ka dito? O baka naman wala ka lang talagang kakilala sa loob. Mayayaman mga nakatira dito." Sambit pa nito.

"Nahihiya po kasi ako magpasundo kuya eh."

"Nako hija luma na yan. Mabuti pa umalis kana lang."

"Kuya gagawa po kami ng project. Kaylangan ko po--" napahinto kami ng may bumusina. Kotse ni Cole.

"Sir, Cole."

"May problema ba?"

"Ito po kasi gusto pumasok eh. Mamaya po criminal po to." Sambit nito.

"Hop in." Sambit nito habang nakatingin sakin.

"Sir?"

"I know her. " sambit nito. Nakayuko naman akong sumampa sa kotse nito.

"Hmm cole thank you ha." Sambit ko.

"Shut up." Mahinahon na ani nito habang nakatuon ang buong atensyon sa manubela.

Help Me, I'm LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon