Chapter 3

12 6 0
                                    


Linggo, araw na bago magsimula ang pasukan ay dumuty muna ako sa coffee shop para makapagipon nako ulit. Naubos kasi yung ipon ko. Alas otso ng gabi ng may grupo ng lalaki ang dumating sa stall namin.

"Malas ko naman ngayong araw." Bulong ko sa sarili ko ng matanaw si Steve at si Walang balls. Tss!! Nakita kong nagsiupuan na sila at si Steve lang ang lumapit sa counter. Mabuti naman kung ganon walang dahilan para magsalubong ang landas namin nung mayabang na yun.

"Hi Riley." Bati saakin ni Steve at inilabas ang kumpleto at mapuputi nitong mga ngipin. Bwiset!! Parang nangaakit! "Hey. Hey Riley." Bumalik ako sa katinuan ng marealized na nakanganga ako sa harapan ng gwapong nilalang na nasa harapan ko.

"What's your order sir?" Mataray kong sambit. Nakakahiya! Ano ba Riley!!! Bahagya itong natawa atsaka muling nagsalita.

"Hmm. 7 cappuccino plea---" natigil sya sa pagsasalita ng lumapit din sa counter si Pantog!!

"I want caramel macchiato for today. Venti size." Malamig na ani nito kay Steve atsaka bumalik na sa pwesto. Beri nays decision! May mabuti ka rin palang nagagawa sa buhay. Mabuti yan para di tayo magaway.

"Okay. 6 cappuccino and 1 caramel macchiato venti size." Habang nagsasalita sya parang pumuputi yung paligid namin tila kaming dalawa lang ako tao sa mundo. Jusko ka!!!! Ang gwapo. Ngayon nalang ulit ako nagkacrush.

"Hey, Riley. Are you listening?" Lupa lamunin mo nako!!!!! Lah nakakahiya kana rileyyy!!!!

"Hmm." Nagclear muna ako ng throat. Nakakahiya grabe!!! "Can you repeat sir?"

"Focus Miss Riley." Pangaasar nito na tila nagbigay sakin ng hiya at agad akong pinamulahan ng pisnge. "Okay. Again, 6 cappuccino and 1 caramel macchiato venti size." Nakangiting ani nito.

"6 cappuccino and 1 caramel macchiato venti size." Paguulit ko habang ineenter sa screen. Nakakahiya parin talaga. Whoaa. "Name of 6 cappuccino sir?"

"Tom, Patrick, Brace, Vincent, Daile and Steve." After nyang sabihin yun ay agad ko namang sinulatan ang mga baso nila. Nung kay Steve nako, nakaramdam ako ng kilig. Nilagyan ko ng smiley face yung pangalan ni Steve after kong lagyan yung cup nya, bahagya akong napatingin sa pwesto kung saan nakapwesto yung mga kaibigan nya. Kitang kita ng dalawang mata ko ang pagngisi nung mayabang sakin. Dahil sa kuryosidad ng dahilan ng pagngisi nya ay tinitigan ko sya.

Nung nakita nya akong nakatingin sa kanya bahagya syang ngumanga at ikinumpas ang hintuturo nya mula sa bibig patungo sa baba nya. Dahilan para manlaki ang mata ko!!!! Wtffff. No waaaaaay. Nakita nya yun?! Aissshhhhhhhhhhh.

Sinamaan ko sya ng tingin na dahilan ng pagtawa nya. Bwiset talaga yung lalaking yun ang layo layo na nya nakikita nya pa kaganapan dito sa counter!!! Bwiset!!!

"And the last one is cole." Sambit ni Steve. Tumingin muna ako kay steve atsaka ko ibinalik sa mayabang yung tingin ko. Unti unti ay nagform ng ngisi yung labi ko dahilan para mapatigil sya sa pagtawa at macurious sa dahilan ng pagngisi ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa baso na hawak ko atsaka muling ngumisi.

"1,145 sir." Sabi ko kay Steve atsaka sya kumuha ng wallet. Tumingin ako sa pwesto ng mayabang at nakita ko syang nakatingin sakin dahilan para mapangisi ako. Kumunot ang noo nya atsaka humalikipkip. Napabalik ang atensyon ko kay Steve ng iabot nya yung pera saakin. Pinasadahan ko sya ng ngiti na sa konting tao ko lang ibinibigay. "I received 1,500. 355 your change sir. Have a good day." Habang sinasabi ko ang mga katagang have a good day ay nakatingin ako kay mayabang na grabe kung tumingin sakin. Kinindatan ko sya ng tumalikod saakin si steve.

Umupo ako sa gilid atsaka pinagmamasdan si Marcus habang inaasikaso ang order nila steve. Madaming tao sa stall namin kapag alas otso pero ngayong araw ay madaming tao pero sapat lang para pwedeng magpahinga.

Nang inililinya nya ang mga baso sa order table ay unti unti na akong ngumisi. Mas lalong lumaki ang ngisi ko ng magsisimula ng magtawag si Marcus. Malakas ang boses ni Marcus kapag naggaganyan sya para maabot ng boses nya ang mga customer na nasa pinakasulok.

"Vince, Steve, Tom, Daile, Brace & Patrick!!! Cappuccino!!" Sigaw nito.

Agad na lumapit ang isa sa kasamahan nila para kunin yung order. Nakita ko naman na inayos na ni Marcus ang order na para kay mayabang. Nung nakita palang ni mayabang na ipinatong ni Marcus yung order nya ay nagumpisa na syang maglakad papalapit dito.

"WALANG BALLS!!!" Sigaw ni Marcus na saktong pagtapat ni Mayabang sa table. Nagulat ang lahat. At nakita ko pa ang mukha ni Marcus na nagulat sa isinigaw nya at nagtakang tinitigan ulit ang baso. Nagsimulang maghagalpakan ang mga tao. Tumatawa narin ako ng malakas. Pucha!!! Walang paglagyan yung saya ko!!! Whoaaaa. Nakabawi din.

Mas lalong lumakas ang hagalpakan ng mga tao ng makita nila si mayabang na kinuha yung baso. Kitang kita ko ang itim na awra na nakapaligid sa mayabang na to. Nagulat ang lahat ng inihagis nya yung cup nya sa sahig ng malayong parte ng coffee shop atsaka ito lumabas ng stall.

Natahimik ang paligid. Nang tumayo sila steve para  sundan si mayabang sa labas ay nagtinginan ang mga tao sa kanila. Bumalik sa dati ang mga tao na tila walang nangyare. Agad namang lumabas si Ericka atsaka nilinis yung kalat na ginawa ng mayabang na yun.

Dahil sa ginawa ko ay pinagalitan ako ng manager at kinaltasan ang sweldo ko sa araw na yun. I know na napasobra yung ginawa ko, nakonsensya ako biglaaaa.

Kinaumagahan ay first day of school. Finally college nako Thank you Lord. Maaga akong kumilos dahil 9:00am ang unang klase ko. Sana kahit papano may maging friend ako doon kahit na di ako mayaman. Block section pa naman ako kaya sana talaga. Wish me luck.

8:45 ng dumating ako sa room. Umupo na ako sa may gitnang part ng room. Magna9 na ng makita kong pumasok ang grupo nila Steve kasama si m-mayabang?! Oh nooooooo!!!! No waaaaay!!! Classmate ko sya?! Imposible!!!!! Di pwede!!!! Oh Lord, what to do?!"

Naglalakad sila patungo sa dulong part ng room ng madaanan nila ako.

"Oh Riley. Classmate ka pala namin." Nanlamig ako sa sinabi ni Steve. Ngayon lang ata nagsink in sakin yung reality na classmate ko yung lalaking ipinahiya ko kahapon. JUSKO!!!!

Dahan dahan akong tumango. Bwiset namumutla ata ako.

"Sige upo nako." Pagpapaalam ni Steve. Nang dumaan sa gilid ko si Mayabang ay nagtama ang mga mata namin. Malamig ang mga titig nito na tila mas lalong nagpalamig sa nararamdaman ko. Nababalot din sya ng itim na itim na awra na dahilan para tumayo ang mga balahibo ko.

Taena!!! Impyerno ata tong napasukan ko!!! HALA!!!! Anong gagawin ko?!!!! Nakakainis!!! Help meeeeeeee!!!

--

Paul Steve Harrison☝️

Help Me, I'm LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon