ONE

346 26 1
                                    

Ang crush kong Gwapo

Matagal na kaming magkakilala, pero never ko siyang nakausap.

Gwapo, matalino, mabait , maputi, matangkad, matangos ang ilong, magagandang mata, talented. Lahat ng gusto ng isang babae sa isang lalaki ay nasa kaniya na lahat.

Hindi tayo naguusapan, hindi kita kilala. Pangalan lang ang alam ko sayo pero bakit sayo pa ako nagkagusto?

Nagsimula ang lahat sa isang maliit na school play at inasign ako ni Ma'am Agnes bilang make up artist ng mga characters.

"Okay guys, this is Lyan from grade 11 HUMSS. Kasama niya rin si Mica from grade 12 STEM. They will be your make up artists." tumingin si ma'am Agnes sakin. Sinenyasan niya ako na simulan ko na raw ang pagmamake up sa kanila.

Madali lang naman ito at kokonti lang sila. Kaya kung magsisimula na kami ngayon, hindi kami mahihirapan mamaya kapag malapit na magsimula ang first show.

"Lapit samin kung sino gustong mauna." sabi ko sa kanila. Nauna naming make upan ang mga babae.

Pinaupo namin sila sa upuan para simulan ang pagmamake up.

"Jim! Halika mamake upan ka rin namin." napatingin ako sa pitong babaeng nakapalibot kay Jim.

Si Jim, lagi ko naririnig ang pangalan niya kahit saang sulok ako magpunta sa school. Sabihin nating sikat siya dahil gwapo siya, crush ng lahat at isa ako doon...

"Ha? Bakit eh may make up artist naman tayo?" pagtataka niya. Napatingin ako saglit sa kanila, hindi ko masyadong nakikita ang reaction ni Jim pero base sa pananalita niya naiirita siya.

Binalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko. Baka kasi magkamali pa ako sa pagmamake up.

"Dali na!" narinig kong pangungulit ng isang babae.

"Baka kasi maiba make up ko, kaya masmabuting sa kanila nalang ako magpapamake up." palusot ni Jim. Dapat nga na samin ka magpamake up para hindi ka naiiba.

Or sakin ka nalang magpamake up para ikaw ang pinakagwapo mamaya sa show.

"Huy Lyan, anong iniisip mo? Ngumingiti ka nalang bigla eh" sabi ni Mica. Nakita niya pala ako, hindi ko namalayan na napapangiti nalang ako bigla.

"Ha? Wala." pagtatanggi ko.

Masyado akong nadidistract sa mga naririnig ko tungkol kay Jim. Tsaka walang may alam sa mga kaklase ko o kahit sa mga kaibigan ko na crush ko si Jim. Tyaka crush lang naman eh, wala namang mali don, hindi naman kailangan malanan ng lahat na crush ko siya. 

"Jim! Pwede ba kitang maging prom date?" malakas na sabi nung isang babae kaya napalingon nalang ako bigla sa kanila.

Teka! Ano to? Babae na ang nagtatanong na maging promdate? Hindi pwede to! I mean, wala pa kasi akong prom date kaya, hindi pwedeng magkapromdate na si Jim!

"Huy Lyann yung kilay niya lampas na!" sabi ni Mica. Napatingin ako sa babaeng minamake upan ko at nagising sa katotohanan na nagkamali na ako sa ginagawa ko.

"Aish! Bakit naman lumampas!? Gumising ka nga Lyan" bulong ko sa sarili ko habang kinukuha ko ang tissue at pinunasan ang lumampas na make up.

Umayos ako ng upo, pinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim bago simulan ulit ang pagmamake up. Kailangan kong magfocus sa ginagawa ko, dedma ko muna mga naririnig ko tungkol kay Jim.

"Lyan okay ka lang? Bakit ka nagkakaganiyan kung kailan play na?" sabi sakin ni Mica. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagfocus nalang sa ginagawa ko. She's my senior kaya kailangan ko na talagang magfocus baka pagsabihan pa ako ni Mica.

Bakit pa kasi pumayag ako sa pagmamake up ng mga characters? Kung hindi lang ako pumayag edi sana hindi ko narinig at nakita ang mga nakita ko ngayon.

Makalipas ang ilang oras, tapos na namin silang make upan. Pero napansin ko na wala si Jim.

Namake upan na ba siya? Hindi ko napansin na minake upan na ba siya ni Mica.

Inaayos na namin ang mga make up namin ng biglang may lumapit saking apat na lalaki.

"Ate si Jim hindi pa namamake upan." sabi ng isang lalaki. Napalingon ako sa likod nila at nakita ko na hawak si Jim ng dalawa pang barkada niyang lalaki.

Bigla nilang tinulak papalapit sakin si Jim. Naramdaman ko nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Yung hindi ka na makahinga ng ayos dahil sa pagtulak nila kay Jim papalapit sa akin, ganon ang nararamdaman ko ngayon.

"Sige, uhm... upo ka dito." Sabi ko habang hinihila ko ang upuan para makaupo na siya. Ano ba Lyan! Wag kang magpahalat, relax ka lang at kaya mo ito. Hindi ko naman ineexpect na ako magmamake up sa kaniya, pero grabe naman to. Hindi kinakaya ng puso ko!

"Anong kulay ng eye shadow ilalagay mo sakin?" nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Diba cat ang role mo sa play? Walang eye shadow ang mga pusa." sabi ko sa kaniya at napangiti.

"Ah kala ko may eye shadow. Edi lalagyan mo ko ng eye liner? Yung cat eyes?" papaano niya nalalaman ang mga ganito? Pati lalaki ngayon may alam na rin tungkol sa make up?

"Uhm, oo?" hindi ko alam kung bakit ako um-oo sa kaniya. Hindi na ata ako nagiisip.

Gawa niya kasi! Nasa harapan ko ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Kaya hindi na ako nakapagisip pa.

Sinimulan ko na ang pagmake up sa kaniya. Sisiguraduhin kong siya ang pinakagwapo mamaya sa play.

Makalipas ang ilang minuto, tapos ko na siyang make upan. Tumayo siya at nagthank you sakin bago umalis.

Tumayo ako sa inuupuan ko at tumingin sa paligid. Sinigurado kong walang tao dito bago ako nagpapadyak sa kilig at sumigaw ng walang tunog. Hindi ako makapaniwalang minemake upan ko ang gwapong lalaki ng school namin. Grabe pigil na pigil ako kanina, pakiramdam ko sasabog ako sa kilig habang nakatingin ako sa napakagandang mukha niya habang minemake upan ko siya.

Humarap ako sa salamin na nasalikod ko, pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. "Relax, tapos na, nangyari na." bulong ko sa sarili ko at sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. 

Pero habang nagaayos ako, naiisip ko parin yung minemake upan ko siya, ung napakaganda niyang mukha, ay grabe hindi ako makamove on agad!

"Jim! Hindi ka pa sumasagot sa tanong ko." narinig kong sabi nung babae.

Napalingon ako sa likod ko, siya yung babaeng nagtanong kay Jim about sa prom date. Nakita ko silang naguusap sa tapat ng pintuan kaya nakita ko agad sila.

"Uhm..." napakamot sa ulo si Jim. Pinagmamasdan ko lang sila at sa sasabihin ni Jim.

Papayag kaya siya na maging prom date? Paano ako? Wala pa akong prom date. Magisa nanaman ba ako ngayong prom? O baka hindi nalang ako pupunta ng prom kapag wala akong date?

"Ano kasi... tawag ako ng tropa!" sabi niya at tumakbo papalapit sa kaniyang tropa.

Mukhang dissapointed si ate girl. Kinuha ko ang bag ko at dumaan sa kaniya. Napatingin siya sakin at nginitian ko lang siya.

Magsaya ka na Lyan habang wala pa siyang prom date. Malay mo ikaw na prom date niya. Hayy nako umaasa ka nanaman Lyan, basta kung wala akong prom date baka hindi nalang ako pumunta. Malulungkot lang din siguro ako kapag nakita kong masaya si Jim kasama ang prom date niya

The show has started, nasa front row ako at kitang kita ko ang galing niya sa pagarte, pagkanta at pagsayaw sa stage.

Buong play siya lang ang tinitignan ko, he was like the brightest star among the stars, siya lang ang nakikita ng mga mata ko.

Ang gwapo talaga ng crush ko...

Please don't forget to vote and share this story to your friends.
Thank you

Ang Crush Kong Bakla? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon