FIVE

119 14 3
                                    

Torete ako sayo

"Lyan, masaya ka ba?" tanong sakin ni Beth.

Pagkatapos mangyari yung pagharana at pagtanong niya sakin, sino pa bang hindi matutuwa doon? Of course I'm happy, crush ko prom date ko at yung crush ko pa ang nangharana sakin. OMG parang nasa dreamland ako nung araw na yon eh. Ayoko na nga magising sa magandang panaginip na iyon.

Kahit ilang araw na ang nakalipas, naaalala ko parin yung pagharana niya sakin. Do be honest parang nababaliw na nga ako tuwing naaalala ko yon eh. Bigla nalang tatawa, ngingiti at kikiligin bawat minuto.

"Oo naman, tuwang tuwa ako. Nababaliw na nga ata ako eh." sabi ko kay Beth. 

Ano kaya nasa isip niya ngayon? Naaalala niya rin kaya yung pagtanong niya sakin? Nababaliw rin kaya siya gaya ko? Hindi siguro, wala siyang gusto sakin kaya bakit siya mababaliw katulad ko?

Lunch time na at papunta na kaming magbabarkada sa canteen para kumain. Pero nabigla nalang ako nung nakita ko na nasa tabi ko si Jim, kasabay kong maglakad.

"Hi!" bati niya sakin. Yung ngiti niya, yung pagkaway niya pati yung tingin niya sakin, hindi ko kinakaya! Tumigil na ata yung puso ko, makakaya ko pa kayang umabot hanggang prom night? Jusko tingin palang niya hindi ko na kaya eh, natutunaw na agad ako.

"Hi" bati ko naman sa kaniya. Ngumiti siya sakin at masnauna na siyang naglakad sakin.

"Ang pabebe bes, hindi bagay." pagbibiro naman ni Kim.

"Pagbigyan mo na, bumati si crush eh." pangaasar naman ni Rina, sabay silang tumawa. Tinignan ko sila ng masama at pinaghahampas ko ang ulo nila dahil sa bwisit ko sa kanila.

"Buset!" sigaw ko sa inis.

Habang nasa classroom, sinubukan kong magonline. Lagi ko itong ginagawa kapag wala pa kaming klase at kapag walang ginagawa.

Para naman hindi ako mabored kakahintay sa teacher naming paVIP.

Pagbukas palang ng facebook, may nagnotif sakin ng friend request. Pinindot ko ito para tignan kung sino ang nagfriend request sakin.

"AAAHHH!!! JUSKO PO!" napasigaw nalang ako sa nakita ko. Napansin kong napatalon sa gulat sila Kim na nakaupo lang sa tabi ko

"Ano nangyari sayo?!" pasigaw na tanong sakin ni Kim na natataranta na dahil sa pagsigaw ko.

"Oh my gosh bes! Nagfriend request na siya sakin!" sabi ko habang pinaghahampas ko ang braso ni Kim.

"Aray! Ano ba?! Sino ba yan?!" tanong ni Kim kaya tinigil ko ang paghampas ko sa kaniya at pinakita kung sino ang nagfriend request sakin.

"Jim Montemayor" sabi ko sa kaniya habang pinapakita ko ang phone ko sa kaniya.

"Oh edi ikaw na ang pinansin ng crush mo. Anong gagawin ko? Damayan kita sa kilig mo?" sarcastic na sabi sakin ni Kim.

"Anong meron bakit ka nababaliw nanaman? Si Jim nanaman yan no?" sabi sakin ni Rina nung lumapit siya samin ni Kim.

"Oo bes damayan mo ako sa kilig ko ngayon. Biruin mo, hanggang tingin lang ako sa kaniya dati pero ngayon pinapansin na niya ako. OMG!?" sabi ko sabay gulo ng buhok dahil sa sobrang kilig. Napayuko nalang ako sa lamesa at natahimik kami ng ilang minuto.

"SO?! Anong gagawin ko? Iaaccept ko ba siya ngayon na?" bigla kong tanong sa kanila.

"Jusko Lyan, ako'y hihimatayin sayo eh. Bigla bigla nalang magsasalita na parang baliw. Baliw ka na talaga, baliw na baliw kay Jim." sabi ni Kim sakin pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako sa phone ko.

Ang Crush Kong Bakla? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon