SIX

89 15 0
                                    

Getting to know

Habang papalapit na ang araw ng prom namin, lalo kaming nagiging close sa isa't isa.

Araw araw sa school pati tuwing gabi, magkausap kami. Walang tigil ang pagkukwentuhan namin tungkol sa mga sarili namin.

Lalo ko siya nakilala, hindi ko alam na madami siyang allergy sa pagkain. Nakakalungkot naman kasi mahilig ako kumain pero siya limited lang anv mga kinakain niya. Mahilig siya sa music like me, he even make his own songs. He loves sushi and dogs.

Maslalo ko siyang nagustohan hindi dahil madami na akong nalaman tungkol sa kaniya pero dahil masnakikilala ko na ang personality niya.

Kokonti lang anh taong gentlemen sa mundo. Si Jim ay yung taong gustong tumulong sa lahat like activities sa school. Isa siya sa mga nagorganized ng foundation week event ng school, hindi ko alam yon. He even help his mom sa office works. Nakakain love kasi ganon ang personality niya, ang gusto niyang tumulong sa ibang tao.

Awasan na at napagisipan ko na pumunta sa office ni mama. Malapit na ako sa company kung saan nagtatrabaho si mama nang mapansin ko na may biglang nagpayong sakin.

Paglingon ko sa tabi ko, si Jim pala ang nagpayong sakin.

"Sobrang init ng sikat ng araw, wala ka bang payong?" tanong niya sakin. Para akong nabighani sa kaniya nung nakita ko ang bagong hairstyle niya. Jusko, tumutulo na ata laway ko.

"Uhmm, wala eh." pabebeng sabi ko sa kaniya. Syempre kailangan maging pabebe para cute sa harapan ni crush.

"Saan ka ba pupunta?" tanong niya sakin.

"Sa office ng mama ko. Actually,  nandito na ako." sabi ko sa kaniya habang tumigil ako sa paglalakad.

"Ah dito ka rin?" sabi niya bigla. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Dito rin ang punta ko eh, tutulong ako sa trabaho ni mama." sabi naman niya habang nakaturo sa pintuan ng building.

So, dito rin pala nagtatrabaho ang mama ni Jim. Hindi ko alam yon ah! Kaloka! Lumaki na ako nandito pero never ko nalaman na nandito ang mama ni Jim.

Simula bata pa kasi ako, dinadala na ako ni mama sa office niya. Since single mom si mama, tuwing nagtatrabaho siya nandito din ako. I've met all of her officemates pero hindi ko alam na nandito din ang mama ni Jim.

"Tara!" sabi niya with a big smile on his face. Nakakaloka! What a small world! Akalain mo yon, pwede kaming magkasabay kapag pupunta kami sa office ng mama namin. Ayie! Kinikilig na ako bes!

Derederetyo lang ako sa paglalakad ko. Pumunta ng elevator para makapunta sa 3rd floor kung saan ang office ni mama pero kasunod ko parin si Jim. Hanggang sa nakarating na ako sa office ni mama, pero kasunod ko parin siya. Di kaya...

"Anak nandito ka pala." bati sakin ni mama nung nakita niya akong lumabas ng elevator.

"Hi Jim! Ang mama mo nasa table niya." bati ni mama kay Jim.

Wait, what?!?!? Kilala ni mama si Jim? OMG! Bakit hindi ko alam?

Nung umalis na si Jim para puntahan ang mama niya, hinigit ko si mama papunta sa isang sulok ng office nila.

"Kilala mo si Jim?" pabulong na tanong ko kay mama.

"Oo bakit mo natanong?" pabulong niya ring tanong sakin.

"Ma siya yung promdate ko." bulong ko na may kasabay na pagsipa dahil sa kilig.

"Oh my gosh. Siya pala yung nangharana sayo." bulong din ni mama.

Ang Crush Kong Bakla? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon