EIGHT

180 20 5
                                    

Prom night

OMG! This is it pancit! Prom night na namin mamayang gabi! At heto ako ngayon, nagrerelax at nilalagyan ng yelo ang buo kong mukha para fresh ako mamaya sa party. Habang nagrerelax ako hindi paalis ang excitement ko. Iniisip ko palang kung ano ang mga possibleng mangyari mamayang gabi sa party, kinikilig na agad ako.

"Anak, tapos ka na ba dyan? Dadaanan pa natin yung gown mo." sabi sakin ni mama. Agad ko nang tinapos ang pagaayos ko para makuha ko na ang gown na gagamitin ko mamaya sa party. Pati ang mama ko napakasupportive nung nalaman niya na si Jim ang prom date ko.

Kilala ni mama ang mother ni Jim, they were friends noong highschool sila. Kaya ganon nalang ang support ni mama sa prom na ito. 

Makalipas ang ilang minuto, nakuha ko na ang gown ko. Nain-love ako nung nakita ko yung gown na ito. Kahit habang finifit ko nung nakita ko itong gown na ito, I felt like I was a princess dahil sa sparkles ng gown. The color was baby blue and it was decorated with blue butterflies on the chest and sholder area of the gown. In short, parang gown ni cinderella pero maslighter ang color ng gown ko.

Then pumunta na kami sa ninang ko which is ang magmamake up sakin. It took my preparation 2 hours, hair and make up na yon. I was amazed nung nakita ko ang sarili ko, wearing my gown. Parang princess talaga ako, ano kayang sasabihin sakin ni Jim kapag nakita niya ako?

Habang naghihintay, nagtext sakin si Jim na papunta na sila. OMG! Habang tumatakbo ang oras lalo akong kinakabahan. I don't know why, siguro kinakabahan ako sa kung anong sasabihin sakin ni Jim kapag nakita niya ako.

15 minutes has passed and may pumaradang kotse sa tapat ng bahay nila ninang. Ito na ata ang hinihintay namin, kahit tita ko excited makita si Jim even though hindi kilala ni tita si Jim. Si mama ang pinakaexcited samin.  Agad siyang lumabas nung nakita niyang may pumaradang kotse sa labas.

"Anak, nandito na sila." narinig kong sigaw ni mama. Pati si ninang lumabas na rin para salubungin sila pero heto ako, nakaupo sa sofa, hindi mapakali at hindi makatayo. Kinakabahan ako sa reaction ni Jim kapag nakita niya ako. Lyan chill ka lang, paniguradong matutuwa si Jim kapag nakita ka niyang nakabihis ng ganito. 

Unang pumasok si tita, ang mama ni Jim, matagal kaming hindi nagkita ni tita. Tumayo ako at nakipagbeso-beso kay tita.

"Wow, dalaga ka na dear. Ang tagal kitang hindi nakita, at ang ganda mo dear." sabi sakin ni tita.

"Salamat po tita." sabi ko, naagaw ang pansin ko nung nakita kong pumasok si Jim. OMG! Ang gwapo bes! Bakit ganon lalong gumagwapo ang lalaki kapag nagsusuot sila ng suit? 

Lumapit sakin si Jim, I saw his reaction at yung reaction na nakanganga siya na parang manghang-mangha nung nakita niya ako. Jusko! Sana naman hindi ako namumula ngayon, ayokong mapahiya sa harap ni tita at mama.

"My Gash! Besh! Ganda ng gown mo kaloka!" hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Heto nanaman tayo sa nickname, besh. Akala ko sasabihin niya, ang ganda ko pero hindi. Lumabas ang kaniyang girly side. Pero sa totoo lang masmabuti pa yung ganito, hindi awkward.

"Teka bago tayo umalis, picture muna." suggest ni tita. She took a lot of picture at ganon din si mama. Kinatang kita sa mukha nila ang tuwa nung nakita nila kaming magkasama.

"Tama na ma." sabi ni Jim nung nakakarami na sila ng pagkuha ng pictures samin. Kahit ako, gusto ko na tumigil sa pagngiti dahil ang sakit na sa pisngi. Kanina pa nila kami kinukunan ng picture.

"Konti pa, ang cute niyo kaya. Para kayong ikakasal." nagulat ako bigla don sa sinabi ni tita. Wow kasal agad eh hindi pa nga nanliligaw itong si Jim. Tss, asa naman na manliligaw ito sakin. Wala kaya itong gusto sakin. Himala nalang kung magkagusto ito sakin.

Ang Crush Kong Bakla? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon