Tatlong segundo
Ang mga mata'y nagtagpo
Unang segundo,
Akala ko kung sino
Pangalawang segundo
Inaalala ko kung sino
Pangatlong segundo
Ikaw pala, sinta koSa tatlong pitik ng orasan
Hindi ko mapigilan
Nakikita ko sa'yong mata
Nais mong magsalita
Ngunit natulala
Hindi na nakapagsalita
Ni hindi na kita nabati
Hindi na nakangitiNgunit hindi na bale
Kitang kita ko, kahit sandali
Ang tatlong segundo sana
ay nadagdagan pa
Tumalikod ako
Sa ibang dako lumiko
Sa susunod mahal,
Tiyak nang magtatagal3:00