Ethan Ives
Active Now8:05 AM
Dia:
it's saturday!!!
Sendingngayon lang ulit sorry
Sendinglol ba't ba 'ko nagso-sorry eh alam mo naman
Sendingba't ang tagal mag-send?
Sendingbldt ano na???
Sendingdamn u
SeenEthan:
Inaano kita?
"What the hell?!" I immediately screamed as I covered my face in shame.
Sobrang nakakahiya! Baka sabihin niyang may lihim na galit ako sa kaniya.
"Ano ba naman 'yan! Ngayon lang ako pinahamak nitong mabagal na signal na 'to!" Mariin akong pumikit at huminga ng malalim.
Ethan:
Okay ka lang?
May problema ba?
"Kalma Dia, kalma–Ahhh! Paano ba kumalma?!" Hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos. Buti na lang din at ako lang ang tao rito sa bahay kaya ayos lang na sumigaw ako.
I quickly logged out my account and turned off the computer. Muli pa akong sumigaw at pabagsak na humiga sa kama.