"Go na girl, chat mo na 'yan."
I was startled when I heard Xanne's voice. Nandito na pala sila, 'di ko man lang namalayan. Muli akong napatingin sa phone ko. Nakabukas pala ro'n 'yong convo namin ni Ethan.
"'Di mo malalaman kung okay na siya kung nakatitig ka lang diyan," sabi na naman ni Xanne.
"Ayoko. 'Di ako sanay mag-first move," sagot ko sa kanya.
Natawa naman ito at mahinang tinapik ang ulo ko. "So uunahin mo pa pride mo kaysa tanungin if okay na ba siya?"
Dumating si Zee na may dala-dalang donuts. "Xanne, don't make her uncomfortable."
"Alright. Sabi ko nga titigil na," saad niya at kumuha ng isang donut.
We spend the whole afternoon watching a movie and playing games. Sinulit na namin ang araw na free kami dahil regular classes na ulit this week.