30

91 44 2
                                    

"'Wag kang mag-cellphone 'pag kumakain." Agad ko naman itong binaba nang marinig si Kuya Niell.

"Good morning, Kuya. May klase ka ba ng ganitong oras?"

"Oo, sabay tayong papasok ngayon. Nagpaalam na 'ko kay Papa na gamitin 'yong motor," aniya at naglabas ng pinggan.

"Buti naman! Sobrang init pa naman 'pag ganitong oras magco-commute."

"Sino nga pala 'yong Ethan?" tanong niya habang nagsasandok ng kanin.

"Ethan?"

"'Yong ka-chat mo raw. 'Yong pinag-uusapan niyo sa gc."

Of course, he is also in our group chat. Dakilang seener nga lang talaga.

"Si Ethan, 'yong ka-street natin dati. 'Tapos 'yong ka-team mo rin sa basketball noon." He's now in college. He wants to focus on his studies, that's why he left the team.

"Ah, naalala ko na... Nanliligaw ba sa'yo 'yon?"

"'Di ah!" agad ko namang sagot.

"Mabait namang kausap?"

"Siyempre...hindi!" giit ko at parehas kaming tumawa. "Pero mabait naman din."

"Alamin niyo lang 'yong limitasiyon niyo," paalala niya.

Agad akong tumango at tumayo na para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko. "Ikaw na maghugas, Kuya. Mag-aayos na ako," sabi ko. Hindi na siya umangal pa dahil tumakbo na ako papuntang banyo.

Starts at the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon