24

98 50 6
                                    

"Nandiyan 'yong mga pinsan mo, hihintayin ka raw. May lakad pala kayo?" Tanong sa'kin ni Papa na nakasalubong ko pagkalabas ng kwarto.

Mabagal akong umiling sa kaniya at sumagot, "Hindi ko rin po alam."

Nakita ko rin si Mama na papalapit sa'min at pinangliitan ako ng mata. Muli akong umiling at nagsalita, "Hindi ko po talaga–"

"Oo na, alam mo namang papayagan ka namin. Basta mga pinsan mo ang kasama," pagputol niya sa'kin. I just smiled and went back to my room to change clothes.

"Sinong nagplano?" tanong ko nang makita ang mga pinsan ko.

"Good afternoon din!" sagot nila. Yeah, the greetings. Why do I always forget that?

"Itong si Ryeu may nakitang bagong bukas na kainan, isang sakay lang mula rito. Biglang tumawag na manlilibre daw siya. Kaya bilisan na natin at baka magbago pa ang isip," saad ni Xanne at inakbayan ako.

"'Yong kuya mo pala? Hindi yata namin nakitang lumabas?" tanong ni Ryeu.

"May sariling lakad, eh," sagot ko at nagsitanguan naman sila.

"Sayang naman. Sige, tara na."

Makalipas ang ilang minuto nang makarating kami sa sinasabi nila. It's a 2D comic-themed café. Makulay at ang ganda ng pagkakadisenyo, para ka talagang nasa loob ng comics.

"Ngayon ko lang nalaman may ganito pala."

"Ngayon mo lang talaga malalaman kasi hindi ka masiyadong lumalabas ng bahay," saad ni Clio sa sinabi ko.

"True." I just realized it, and we both laugh.

"Upo na tayo, tapos lahat ng orders natin i-note na lang sa phone para isang tao na lang magsasabi," saad ni Zee at nauna nang umupo. She's always like that, she wants every single thing to be organized.

"Kapag 'yan 'Ikaw bahala' o 'Kahit ano na lang', ewan ko sa inyo," giit ni Ryeu habang nakatingin sa menu.

"Ay 'di kami ganiyan!"

"Oo nga. Minsan lang din 'to, eh."

"Itong Barkada meals na lang kaya? Para 'yong flavors na lang ng milktea 'yong pagpipilian natin?" Xanne suggested and we all agreed.

"Pili na kayo," ani Ryeu at nilabas ang kaniyang phone.

"Strawberry sa'kin."

"Milky Matcha."

"Cookies and Cream 'yong akin."

"Double Dutch na lang."

Nang mailista na ang lahat ng kakainin ay tumayo na si Ryeu para mag-order, at ilang minuto lang ang nakalilipas ay dumating na ito.

"Iba talaga 'yong sarap 'pag libre 'no?" biro ni Clio.

"Don't talk when your mouth is full!" The rest of us exclaimed.

Saka ko lang naalala na ngumunguya rin pala 'ko, pero nakisigaw ako. The irony, though. I heard Zee giggled. I guess she noticed my reaction a while ago, so I just smiled to her.

"Ikaw ang kambal ni Ryeu dito, ah? Pero kung makaasta ka parang ngayon ka lang nilibre," pang-aasar ni Xanne kay Clio.

Clio immediately frowned. "Lagi akong may libre diyan... Libreng away!" We all burst in laughter and continued eating.

When we were almost finished, I took out my phone. Nang makitang wala pa siyang reply ay pinatong ko muna ito sa mesa. Hanggang sa naging maya't maya na ang pagsilip ko rito.

"Dia?" Zee called.

"Bakit?"

"Okay ka lang? Kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo, eh."

"Ah--"

"You're waiting for someone's reply?" Ryeu asked with a teasing smile.

Nahihiya man ay tumango ako.

"'Di naman sa pangingialam 'no, pero si Ethan ba 'yan?" tanong ni Xanne.

"Sino pa ba?" segunda naman ni Clio.

Kaniya-kaniya silang saloobin maliban kay Zee na kinuha ang phone ko. Agad namang sumilip si Xanne at nagsalita, "Talagang 'di yan magrereply sa'yo! 'Di ka naman nagreply sa kaniya last message niya, eh."

"Ay, hindi ba?" tanong ko at nakisilip na rin. "Hindi nga," bulong ko na lang at nahihiyang ngumiti sa kanila.

Starts at the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon