Chapter One

14 1 0
                                    

  Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hay, lunes na naman. First day of school pala ngayon. Tumayo na ako para makaligo. After 20 minutes tapos na ko at ready to go na, hindi na ako magbbreakfast sa school nalang. Pagbaba ko sa hagdan kumakain na si Mama at Papa kasama si Kuya.

"Morning po." Bati ko sa kanila at hinalikan si Mama at Papa sa pisngi.

"Aalis na po ako ma, pa." Paalam ko kay Mama at Papa.

"Hindi ka na ba kakain anak?" Tanong ni Mama. Umiling ako 'tsaka naglakad na palabas.

Walking distance lang naman 'yung school na pinapasukan ko. Nag aaral pala ako sa Sto. Tomas National High school, isang pampublikong paaralan. Nasa 2nd year highschool na ko ngayon.

Lumipas ang ilang minuto nasa school nako. Ang bilis ng panahon parang kailan lang 'nung unang pasok ko palang sa paaralan na 'to. Masaya akong pumasok sa magiging room ko. Hindi naman gaano kalakihan ang school na 'to. Every year level mayroon lamang 6 sections hindi katulad sa ibang school na ang daming sections.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom bago ako pumasok sinuyod ko muna ang buong room. Tinignan ko kung mayroon bang bagong lipat at mayroon nga tatlo sila.

"Hi bessywap! Dito tayo!" May biglang sumigaw, pagtingin ko ang bestfriend ko lang pala. Walang iba kundi si Jayana, ang kasa-kasama ko since 1st year ako dito. Kinakawayan niya ako at sinesenyasan na lumapit ako kung nasaan siya. Nginitian ko siya at lumapit nga sa pwesto niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Marami din transferee this year lalo na ibang section." Sabi ko sa kanya na nililibot ang tingin sa buong room.

"Oo nga." Sagot naman ni jayana.

Tumahimik na ang lahat ng kaklase ko sa section na 'to dahil nasa harapan na namin ang teacher namin sa first subject.

"Okay class. Since may mga transferee tayo ngayon at ang karamihan sa inyo ay hindi ko pa kilala. Isa-isa kayong magpapakilala sa harap. Ako nga pala si Sir. Ramon Magpayo, ang guro niyo sa Filipino." Mahabang sabi ni Sir na nasa harapan.

Tulad 'nga ng sinabi ni Sir kanina, isa-isa kaming tumayo sa harapan para magpakilala.

"I'm Zander Caelvin Skyler. 16 years old."

Napatingin ako sa harap dahil nacurios ako 16 years old na ang nagsasalita. Age doesn't matter naman kapag sa pag aaral diba? Hindi ko lang maiwasan mapatingin dahil kadalasan sa mga kaklase ko ang age is 13-14. Ang tanda niya compare sa amin. Linibot ko ulit ang paningin sa buong classroom, lahat naman halos kilala ko sa mukha pero hindi ko sila kaclose dahil 'yung mga iba nasa ibang section 'nung first year.

"Helloooooo classmates!" Malakas na sabi ng nagpapakilala ngayon at dahil napiyok siya sa huli niyang sinabi nagsitawanan ang lahat pero lang sa'kin at 'dun sa last guy na nagpakilala. Sus sanay na'ko sa bestfriend kong iyan. Parang nagpefade lagi ang boses niya. Hahaha

"I'm Jayana Viviana Rylee. Sana maging kaibigan ko kayong lahat. Hehe" sabi ni Jayana na nasa harap. So meaning, it's my turn to introduce myself. Ako ang last na magpapakilala. Tumayo na ako at naglakad papunta sa harapan.

"Hi." Nagpause muna ako at nagsmile. "I'm Einna Cruzita. Hope to be friends to all of you."

'Tsaka na ako umupo. "Aray!" Sabi ko. Eh paano ba naman hinampas lang naman ako ng walanghiya kong bestfriend. "Ginaya mo lang sinabi ko eh. Ininglish mo lang." Sabi niya Rylee. Kung makahampas naman siya akala mo napano na.

******

Natapos na lahat ng subject namin this day. As usual, first day of class  puro introuduce yourself. Nakuha ko ng mamemorize lahat ng pangalan ng mga classmates ko. Papunta na ako sa gate ng school dahil uwian na ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Einna!" Sigaw 'nung tumawag kaya napatingin ako. Patakbo siyang lumapit sa akin pero hindi ko siya kilala. Akala ko siya lang pero may kasama pala siya, kilala ko naman 'yung kasama niya.

"A-ano. P-pwede ba makipagkilala?" Nahihiyang tanong ng babaeng tumawag sa akin kanina. Nagulat man ako pero ngumiti pa rin ako.
"Sure. Einna Cruzita." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap naman niya.

"I'm Rea Zapphira Kinley. A-ano g-gusto ko sanang makipagfriends s-sayo." Nauutal niyang sabi although nawiweirduhan ako sa kanya nagsmile pa rin ako sa kanya.

"Siya naman si.."

"I know her." Putol ko sa sasabihin niya.

Sino bang hindi makakakilala sa kasama niya ngayon? Huh. The most famous balat sibuyas in my elementary days.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon