Chapter Five

20 1 0
                                    


Nagising ako na may ngiti sa labi. Hindi ako makaget over sa nangyari kagabi kahit simpleng pagtawag lang na bestfriend, hayyyyy. Pumupuso tuloy mga mata ko. Naligo na ako at nagbihis para na rin makakain ako bago umalis.

"Ganda ng gising natin ah?" Nakangiting sabi ni kuya sa'kin. Ngumiti lang ako at umupo para makakain na at para na rin makaalis na.

******

Halos kasabay ko lang ang teacher namin sa first subject sa pagpasok. At 'yung moment na pagpasok ko sa classroom unang hinanap ng mga mata ko si Zander pero hindi ako nagpahalata. Umupo ako sa pinakaunahan ng first row at katabi ko si Leiron. Ang pinakabaliw sa barkada.

"Ganda natin ngayon ah?" Nakangiti niyang sabi sabay taas-baba ang dalawang kilay. Hindi ko nalang pinansin dahil nagsimula ng magsalita ang teacher namin.

"Mayroon kaming urgent meeting today. Pero may iiwan akong activity sa inyo at ang President niyo ang bahala sa inyo. Who's the president?" Paliwanag at tanong ni Ma'am. Nagtaas naman ng kamay si Pamela, yes siya ang class president namin. Hinabil ni ma'am kay Pamela ang dapat naming gawin at dali dali ng umalis.

Tulad ng mga ibang high school students, syempre fiesta ng mga bibig kapag walang teacher. Kaya nagkanya kanya ng mga upo ang bawat grupo.

"Tara bessy." Yaya ni Jayana sa pwesto ng barkada. Pinuntahan namin ang puwesto nila medyo naiilang lang ako ng konti dahil alam kong nandoon si Zander.

Sus ginusto mo 'yan tapos arte arte ka.

Nakatitig siya sa'kin at nakangiti. Gosh, mamamatay na ata ako. Pilit man pero ngumiti pa rin ako at umupo sa tabi niya dahil 'yun nalang ang space.

Kapag siniswerte 'nga naman.

Puro kagaguhan ang kinikwento ni George tungkol sa pagggym nila.

"Sus. 'Wag kanang maggym wala naman magbabago eh." Asar ni Redrick kay George.

"Anong wala pare? Gago 'yung taba mababawasan." Gatong naman ni Raniel. Sinuntok naman ng pabiro ni George si Raniel. Mga gago talaga. Hahaha

"Ganda ata ng gising natin ngayon ah?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Zander. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

Umayos ka, please.

Masyado bang halata na maganda gising ko ngayon? Gan'on ba kalakas effect niya sakin? Gosh.

"Mahiyain ka pala." Sabi ulit niya kaya napatingin ulit sa kanya.

"Hindi naman." Sagot ko pero hindi na nakatingin sa kanya.

"So sa'kin lang ganern?" What? Ano daw? Ganern? Hindi ko tuloy maiwasan tumawa ng malakas kaya napatingin silang lahat sa'min. Grabe, ang cute niyang gumanern. Hahahaha at dahil d'on nagsigawan ng 'ayiiiie' ang mga kaklase ko. Kinilig naman ang lola niya, sigurado ako na namumula na'ko ngayon. Ang oa lang ng mga kaklase ko tumawa lang na nakatingin kag Zander may ayiiie na agad. Hays.

Sus, kunwari kapa pero gusto mo din.

"Wag kang tatawa einna, baka mainlove si Caelvin sayo." Sabat ni Leiron na nasa tabi ni Jeve. Tinaasan ko lang siya ng gilid ng labi ko at inirapan siya.

"Ayos lang." Calm na sagot ni Zander. Putcha. Narinig niyo 'yun? Hindi ko tuloy maiwasan ngumiti ng papigil. Hahaha

Landutay talaga.

"Bes, sama ka sa picnic mamaya ah? Libre kita." Nakangiting sabi ni Zander. Pleaseeee 'wag mo kong ngitian ng ganyan. Baka 'di ko mapigilan ang sarili ko.

"Oo sige basta libre mo." Nakangiti ko din sagot sa kanya.

******

Natapos ang klase naman pero hindi sa bahay ang destinasyon namin kundi sa bahay nina Redrick. Nagset ang mga boys ng lamesa, alak at pulutan. Tha usual na nangyayari sa tuwing nag iinuman kame. Hindi ako uminom ng marami dahil may allergy ako sa alak, ang killjoy ng balat ko. Nagkakaro'n kase ako ng marami at makakating pula sa kung katawan ko kapag umiinom ako. Depende sa dami ng alak ang dami ng allergy ko kapag umiinom ako. Ewan ko kung ako lang ba ang ganito o ano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon