Einna's POVHindi ko alam anong mayroon sa kanya na hindi ko makita sa iba. Itong oras na 'to isa lang ang gusto ko. Ang maging parte siya ng buhay ko. Let's say na gusto ko siyang maging bestfriend. Kapag kase nakita mo siya malalaman mo agad na kaya ka niyang protektahan sa lahat ng oras but that's not my reason kung bakit gusto ko siyang maging parte ng buhay ko. Basta hindi ko maexplaine bakit.
Nandito pa rin kame sa bahay nina Redrick at tuluyan pa din ang inuman session... nila. 'Yung iba nakatulog na. 'Yung iba naman nagdadrama na and there he is napakaseryosong nakatingin sa cellphone niya habang umiinom sa baso niya.
Alas dyes na rin at sa loob ng dalawang oras na nakasama ko sila naging magaan ang loob ko sila. 'Yung picnic kuno setup nila na unexpected ay nauwi sa pagbuo ng isang barkada. Masaya silang kasama sa totoo lang, ni hindi mo 'nga maiisip ang oras. Sa loob ng dalawang oras na 'yun nagbigayan din kame ng mga phone numbers dahil mayroon pa 'daw session two ang inuman na 'to. Although hindi naman ako uminom nag enjoy parin akong... ubusin ang pulutan nila. Hahaha
Nagsitayuan na ang lahat. Si Raniel at Oliver naman ay knockout na kaya hinayaan nalang. Nagkayayaan na ihatid ng mga boys kaming mga girls na kasama nila at since ako ang pinakamalayong bahay pero pwede namang lakarin ay ako ang huli nilang ihahatid.
Naihatid na namin lahat ng babaeng kasama namin kanina pati na din si Jayana. Nakakahiya siya, ang ingay ingay niya. Crazy bitch!
Ako na ang ihahatid nila kaya nauna akong maglakad sa kanila bukod sa nahihiya ako hindi ko feel makipagbiruan sa kanila. Naglolokohan kase sila kung sinong popormahan nila sa mga kasama naming mga girls kanina.
Nabigla nalang ako nang sabayan ako sa paglalakad ni Lance. Nginitian ko lang siya at sinuklian rin naman niya ako ng isang matamis na ngiti. Nagtaasan ang mga balahibo ko. What the heck? Para saan 'yung ngiting yon? Waaaah. Nagfocus nalang ako sa paglalakad ko baka madapa pa ako.
"Ano orash ka papashok bukash?" Tanong ni Lance na tipsy na. Huh! Panget ng amoy ng alak. Amoy na amoy ko sa tuwing ibubuka niya ang bibig niya.
"Hindi ko alam." Matipid kong sagot na hindi tumingin sa kanya.
"Oy lance pumoporma kana ata! Ang bilis ko ah?!" Sigaw ni George. 'Yung pinakamatabang lalaki sa grupo pero matangkad din naman kahit papano.
Nag asaran sila ng walang humpay. Kung alam ko lang ganito hindi na sana ako nagpahatid. Ang iingay nila. Isipin mo, alas dyes na ng gabi. Wala ng katao tao sa daan, may mga sasakyan man na dumadaan iilan nalang. As in sobrang tahimik at sila lang talaga ang maingay pero lang d'on sa snob guy. Yes, it's him. Zander Caelvin.
Salamat naman at nakarating na kame sa tapat ng bahay namin.
"Oh pa'no ba yan Einna. Sa uulitin. Salamat sa oras mo." Sabi ni Redrick na nakangiti pero nakapikit na ang isang mata. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa itsura niya.
"Sige salamat sa inyo." Nakangiti kong sabi at isa isa ko silang tinignan.
Biglang humangin ng malakas. Malamig ng hangin sa ilalim ng malalim ng gabi.
Hindi ko alam pero pagtingin ko kay Zander ay nakatingin din siya sakin. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ano dahil ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. 'Yung tingin niya na tagusan hanggang sa kaluluwa ko. Napakurap ako at umiwas ng tingin."S-sige salamat ulit. Pasok na'ko. Ingat kayong lahat." Sabi ko sakanila at hindi na ulit ako tumingin sa kanya. Sinarado ko na ang gate sabay sandal dito at napahawak nalang sa tapat ng dibdib kong para may mga kabayong nakikipag unahan sa finish line. Gosh, ano 'to.