Chapter Two

15 1 0
                                    

Einna's POV.

Umuwi ako na kasabay sina Rea at ang the most famous balat sibuyas in my elementary days. Anyway, her name is Quella Salvador. Kaklase ko siya since pre-elem to grade 6 kaya i really know her. Isa siyang dakilang sensitive at pa importante pero kahit 'ganun mabait naman siya. It just that i don't feel her. 'Yung feeling na wala siyang ginagawa sayo pero naiinis ka sa kanya? Ewan ko ba. Gusto ko siya na hindi ko siya gusto.

Wala kaming imikan habang naglalakad hanggang sa magpaalam na si Rea dahil mas malapit ang bahay nila compare sa amin.

"Babye. Kita nalang tayo bukas. Salamat einna!" Nakangiting sabi niya at tumalikod na. Naiwan kameng dalawa ni Quella kaya medyo awkward, walang nagsasalita. Mas malapit ang bahay nila sa amin so mauuna siyang makakauwi.

"U-ummm. E-einna una na ako ah. See you." Paalam niya na hindi man lang nakatingin sa akin. Siguro feel niya na inis ako minsan sa kanya. Tango lang ang naging sagot ko.

******

"Kamusta school anak?" Tanong ni Mama na nadatnan ko sa living room habang nanunood. Nagmano ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"Ayos lang naman po. Aakyat po muna ako." Tinatamad kong sagot. Umakyat ako sa taas at pumunta na sa kwarto para matulog. Ahhh! What a lazy day!

******

RING! RING! RING! RING!

Nagising ako sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Kusot-mata ko itong dinampot at walang tingin tingin na sinagot ito.

"H-hello. Si R-rea 'to." Napamulat ako ng marinig ko kung sino ang caller. Tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko, 8pm na pala. Mahaba din ang tulog ko for sure  hindi nanaman ako makakatulog niyan.

"U-uy" 'dun ko lang naalala na may kausap pala ako sa phone.

"Ah. Hi." Paos kong sagot.

"Ay nagising ba kita? Oh sige next time-"

"It's okay. Bakit ka pala napatawag? At saan mo nakuha mo number ko?" I don't want to sound rude pero hindi ko mapigilan lalo na bagong gising ako.

"A-ano sa b-bestfriend mo. S-sorry talaga." Malungkot niyang sabi kaya nakonsyensya ako sa pagiging rude ko. Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay. Ayos lang. So bakit ka 'nga napatawag?" Malumanay kong tanong.

"Pwede ka ba ngayon? Picnic sana tayo ng mga kaklase natin." Masaya niyang tanong. Napakunot naman ang noo, alas otso ng gabi magpipicnic kame? What the hell.

"U-uy. A-ano sama ka? Kasama naman si Jaya." Basag niya sa katahimikan dahil matagal bago ako nakasagot.

"Jaya? As in Jayana?"

"Oo. Ano sama ka? Dito lang naman tayo sa bahay nina Redric. Malapit lang dito saamin."

"Okay. Just give me a minutes."

"Okay! Salamat!" Masigla niyang sabi at binaba na ang tawag.

Tumayo na ako at naligo. Okay lang naman kila mama at papa na lalabas ako ng gabi, hindi naman tulad ng ibang lugar 'yung lugar namin dito. Safe naman. Pwede basta ' wag lang aabot ng hatinggabi. Nagpapasalamat 'nga ako kay Lord kase sobrang bait ng parents ko.

****

Alam ko naman ang bahay nina Redrick kaya hindi na ako nagpasundo. After 15 minutes nandito na ako sa harap ng bahay ni Redrick and yeah mukhang nagpaparty sila sa loob dahil ang ingay. Nakabukas naman ang gate kaya tuloy-tuloy nalang akong pumasok sa loob. Nag iinuman pala sila. Hindi ako umiinom kaya balak ko sanang lumabas at umuwi nalang...

"Oy einna! San ka pupunta?!" Sigaw 'nung bestfriend ko na kahit kailan ay pahamak talaga. Humarap ako sa kanila at para silang naestatwa lahat. Tumigil sila sa kanilang mga ginagawa at tinitigan nila ako na parang may nagawang malagim na krimen. Nilibot ko ang tingin ko puro bote ng redhorse ang nakakalat, meaning kanina pa sila umiinom? Siyam silang lalaki at ang walo sa kanila ay pamilyar ang mga mukha pero lang sa lalaking nakaupo sa pang isang taong couch. Anim naman ang babae na sama-samang nakaupo sa mahabang couch at kasama doon ang dakila kong bestfriend na si Jayana. Ugh, life.

"Halika na dito. Masaya 'to." Sabi ni Redrick na mapungay na ang mata dahil na rin siguro sa alak. Ngumiti ako at lumapit sa kanila, nag aalinlangan man pero lumapit pa rin. Tanga mo talaga, einna. Yari ka sa papa mo kapag nalaman niya ' to.

"Oy jayana pakilala mo naman 'yang kasama mo." Sigaw  'nung lalaki na katabi ni Redrick. Kilala ko sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan.

"Oy ka din Leiron! Hindi pumapatol sa panget ang bestfriend ko!" Sigaw pabalik ni Jayana. This crazy bitch.

"Wow. Ang ganda mo ah? Nahiya ako sayo." Sarcastic na sagot pabalik 'nung Leiron 'daw.

"Pasensya kana sa kanila Einna." Nahihiyang sabi ni Redrick. Nginitian ko siya, a real smile.

"Ayos lang. Sanay nako kay Jayana." Sagot na at nagsmile ulit sa kanya.

"Oo 'ngapala ipapakilala ko sila sayo." Sabi ulit ni Redrick 'tsaka tinignan isa-isa ang mga nakapaikot na tao sa loob ng bahay na 'to.

"Kayo nalang pala ang magpakilala." Sabi niya 'tsaka tumawa.

"Hi einna! I'm Pamela Rodriguez. Nice to meet you." Masiglang sabi 'nung unang nagpakilala. Mali pala ako kanina, hindi ko pa talaga namemorize ang mga pangalan nila kahit sa lahat ng subjects is puro introduce yourself.

Matangkad siya at may mahabang buhok. Singkit ang kanyang mata at bibilugin na maliit ang mukha. Well, maganda siya.

"Ako naman si Jamiah De Guzman." Nakangiti namang pagpapakilala nitong pangalawa na may matabang pangangatawan. Maputi siya at maliit. Ang cute ng size niya. Hahaha

"I'm Jeveriah Alfonso. Nice to meet you einna." Warm na pagpapakilala niya. Singit siya at medyo chubby pero nakakainggit kase ang laki ng hinaharap niya. Huhu pero ayoko pa rin naman 'ganun. Black beauty siya.

"Dahil kilala mo naman na si Quella and Rea hindi na sila magpapakilala." Singit ng panget kong bestfriend.

"Hi einna! I'm Leiron Gonzales. Ang pinakagwapo sa lahat." Psh. Sobrang high na pagpapakilala nitong katabi ni Redrick. Kasing tangkad ko lang siya at ewan basta 'yun na 'yun.

"Ezekiel Diaz."

"Raniel Scott."

"Harvey Zablan."

"George Gomez."

"Lance Prittz."

"Oliver Victoria."

"Zander Caelvin Skyler."

So kasama pala siya sa picnic kuno nila. Siya ang transferee kanina. Ang ganda ng build ng katawan niya, medyo may kaputian, makapal ang mga kilay niya, matangkad siya sa lahat ng mga lalaking nandito. Yes, he caught my eyes. Iba ang dating niya kapag tinitigan mo talaga.

"Oy bestfriend! Ano na nainlove kana?" Malakas na tanong ni Jayana kaya nagtawanan ang lahat. Panira talaga kahit kailan.

Snob siya dahil sa lahat ng nagpakilala hindi man lang siya nagsmile. Psh.

What einna's want is what einna's get.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon