Chapter Four

27 2 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at ilang araw nalang ay birthday ko na. Hindi ako mahilig sa party, okay lang sa 'kin kung matulog nalang ako sa birthday ko.

~

From: Lance

Hey. Lapit na birthday mo. Anong gusto mong gift?

~

'Yan ang laman ng text ni Lance kanina pa pero hanggang ngayon hindi ko pa nirereplayan dahil hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin ang gusto kong regalo. Ilang beses akong nagpaikot ikot sa kama ko hanggang sa magsawa ako. Hay, bahala na.

~
To: Lance

I want Zander Caelvin Skyler to be my bestfriend. Can you help me?
~

Waaaaah! Bahala na. Alam ko namang hindi gan'on kadali 'yung hiling ko. Bestfriend agad? Eh hindi nga kami close.

~
From: Lance

Why? Bakit siya?
~

Nagreply si Lance pero hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Nagdecide nalang ako na hindi siya replayan. Sa mga araw na lumipas naging close kami ni Lance. Gan'on din naman sa mga iba pero mas close ako kay Lance. Kay snob guy naman gan'on pa rin pero hindi tulad dati na hindi talaga siya umiimik. Nakikipagtawanan na siya at kumikibo na kapag inuman session kaso sa mga boys lang sa barkada. Sa mga girls naman masaya rin silang kasama lalo na si Jeve, siya 'yung naging close ko. Si Jayana naman bestfriend ko pa rin 'yun syempre.

****

Sunday ngayon at wala pa namang mga assignments at projects kaya petiks petiks lang. Sana lunes na, ang boring naman kase sa buhay. Wala si Papa at Mama nagsimba, mamaya pa uwi no'n. Si kuya naman nasa bahay ng classmate niya dahil may project silang dapat tapusin. Sanay naman na ako na mag isa sa bahay, mas gusto ko pa nga kapag ako lang.

May usapan kame ng barkada na pupunta kame mamayang 1pm sa bahay nina Redrick. Hindi naman siguro ako mamatay dahil sa halos araw araw na pag inom ng alak no? Hahaha 'tsaka hindi naman gan'on karami ang iniinom ko.
Nanalangin ako na sana bumilis ang oras at mag 1pm na.

*****
11am, tumayo na'ko galing sa kama para maligo na. Yes, wala akong ginawa kundi humilata sa kama. Natapos na akong maligo nang makatanggap ako ng text galing kay Jeve. Nagtatanong kung anong oras daw ba ako pupunta. Nireplayan ko siya na after kong maglunch. Ginawa ko na lahat na dapat kong gawin at kumain na din. Wala pa si Mama at Papa, baka nagdate pa kaya nag iwan nalang ako ng sulat na idinikit ko sa pinto ng ref.

12:30 na nang maglakad na ako. Ang init pa naman pero okay lang hindi naman ako maputi. Hahaha

Nadatnan ko sila na nasa loob na ng bahay nina Redrick, iilan nalang ang kulang. Si Pamela, Ezekiel, Quella at Rea nalang ang hinihintay.

Bale nakapaikot kame sa isang bilog na mesa. Tumabi ako kay Lance na lagi ko namang ginagawa kapag may 'picnic' kame. Tawanan do'n, tawanan dito ang lagay. Kwentuhan do'n, kwentuhan dito. Mabilis lumipas ang oras, lagi namang ganito kapag nag iinuman kame... hindi mo mamamalayan ang bilis ng oras. 'Yung iba kumakanta na at tumutugtog ng gitara si Zander Caelvin. Ang cool diba? Lalo tuloy akong naamaze sa kanya.

Nagising nalang ako sa pag iimagine ko ng kung ano ano nang may biglang nagsnap ng daliri sa harap ko.

"Ano tinamaan kana?" Tanong ni Lance sakin pero pabulong lang. Inirapan ko lang siya at tinignan ulit si Caelvin na nagpeplay ng guitar at ang malas malas ko dahil pagtingin ko sa kanya nakatingin na din siya sa'kin.

Dug. Dug. Dug. Dug

Kinakabahan na naman ako kaya nag iwas ako ng tingin. Namumuro kana skyler ah? Bakit mo'ko pinapakaba ng ganito?

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon