Chapter 1

33 5 0
                                    

"KALIMUTAN MO NA YAN, SIGE SIGE MAGLIBANG, WAG KANG MAGPAKAHIBANG, DAPAT AY ITAWA LANG! ANG PROBLEMA SA BABA--"gulat na kanta ko.

Peste! Nasabi ko na naman yung babae dapat lalaki yon! Ang tanga ko talaga noh? Pero... pwede naman babae. Kunwari lalaki lang ako. Oh okay! Hahahaha... itutuloy...

"--E DAPAT ININDA, HAYAAN MO SILA MAGHABOL SAYO DIBA, SABI KO NAMAN SAYO LAHAT YAN NAGLOLOKO PAGKATAPO--"
Aray naman!

" Nayyy!!! Ano kaba kumakanta ako dito oh tapos umeepal kapa! Nagiimagine nga ako dito bilang isang lalaki tapos kumakanta nang Hayaan Mo Sila! Tapos umeepal ka pa! Bullshit naman oh!"

" Eh ano ba yang kinakanta mo at wag mo kong ma bullshit bullshit babae ka! Nanay mo ako! Kurutin kita sa singit jan eh! Makikita mo talaga! Mamaya ka sakin!" galit na sabi sa akin ni nanay.

"Eh pasensya na nga nay! Nagcoconcert ako dito oh! May pa imagine imagine pa akong kunwari lalaki ako eh hindi naman talaga! Basta wag ka nga! Kunwari lang naman! Hihihi"

" At anong heyeng mo silang?" kuryusong tanong ni nanay.

Hahanudaw? Heyeng mo silang? Hahaha.

"HAHAHAHAHAHA BWAHAHAHAHA AHAHAHAHAHA"

"Eh bastos kapalang bata ka eh! Kinakausap tas tatawa! Bastos pa, baliwbaliwan pa. Eh ano na tawag jan? Tae? Wow magic."

"Nay! No sabi nyo? Wow magic? Eh wow magic ka pala nay eh! Pano mo nalaman ganyan na mga terms? Nagfafacebook kaba? Nagyoyoutube kaba?"

"Eh wala lang. Trip lang" sabi ni inay sabay lakad punta sa kusina.

Ay grabe na pala matatanda ngayon noh? Hala nasabihan kong matanda si nanay magagalit talaga yun kung nababasa nya pa yung isip ko patay talaga ako dun! Kurot talaga matitikman ko dun! Grabe si nanay! May alam na rin sa ganyan... sumasabay sa trending o uso! Sabagay, updated siguro yun si nanay ngayon.
Ay baka! Tinulungan yun ni kuya Kian madala sa Play Store!
Kasi gusto kasi ni nanay kahapon yung ano... ano nga ba tawag dun? Basta nangungulit siya na gusto raw niya magpaupdate. Eh ganon, baka nga nagpadala sya ni kuya.
"Oh, Akira anong iniisip mo dyan?" patanong na sabi ni kuya

"Ay butiki!"

"Anong butiki? Hoy! Si Daniel Padilla to noh! Paano ako naging butiki ah! Sa gwapong mukha kong toh kaya nga pinangalan akong KIAN DELA ROSA. Oh diba ang inosenteng pakinggan." aroganteng sabi ni kuya sa akin.

Oo, Si Kian Dela Rosa, kuya ko sya 29 years old, graduate ng Civil Engineering and he also got a girlfriend so... mahiya kayo! Taken na kuya ko! Ang ganda nga ng pangalan ni kuya noh? Pero ang nickname jan... "KIANG"
Oh bahala na kayo tumawa jan. Wala lang talaga akong pakiealam.

And I also have a sister, si Alaira Thiea Dela Rosa, 25 years old graduate of Culinary Arts.

Oh diba ang ganda ng pangalan! Gorang gora! Pero... ang kaibahan ang nickname ni ate ay...

ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA!

HAHAHAHA ... Charot lang!
(Author's note: Hoy! Akiff! Anong abangan sa susunod na kabanta? Ako yung author uy hindi ikaw! Ako yung gumagawa ng storya mo!)

Ay OA! OA mu Miss author! Okay charot lang talaga yun ah! Actually ang nickname ni ate ay... Alit! Hahaha...

Diba kakatuwa mga nicknames namin! KIANG, ALIT AT AKIF Hahahaha...

So yun nga yung mga kapatid ko, tatlo lang kasi kami... at ako si Akira Faith Dela Rosa pwede ring tawagin sa pangalan na "Akif" eh ewan ko nga sa nanay at tatay namin mga nicknames namin mga bantot! Ang bantot talaga!

Parents ko: Nanay, Si Maria Elora Dela Rosa si nanay ay nagtratrabaho bilang isang cooker sa isang karinderya malapit sa aming bahay lang.
Characteristics of nanay: Boba, Tanga, Updated na sa Play Store (Char! Gumugora na si tanda!) Charot lang! Eto na talaga! Nay pasensya nay ah! Sshh, manahimik kayu ah! Si nanay talaga ay isang mapagmahal, maawain, maalagain na ina! Siya  talaga ang best nanay na nakilala ko! ( Oh nay! Ah umiyak kana jan! Pinaghirapan ko to!)
Tapos, si tatay: Fernando Dela Rosa, nagtratrabaho sa isang malaking kompanyang tinatawag na YuKu Jacket Company. Actually, janitor si tatay doon.
Lam nyo kasi kahit simple lang ang buhay naming ito masaya parin kami dahil nakaya parin namin tong pamilya. Sabi nga nila basta magkakaisa malalampasan ang mga pagsubok na haharapin. Gaya namin.

(Author's note: Char! Umeemote kana dzaee! Tama nah! Nauubos na ang kabanatang ito sa mga introduce2x mo dyan!)

Ay oo nga! Sorry po, miss author.

"Ang OA mu talaga miss author! Epal ka sa buhay ko!" pabulong kong sabi.

(AN/: Anong sabi mo AKIRA FAITH DELA ROSA?)

"AY WALA PO MISS AUTHOR! PROMISE! HIHIHI..."

"Akif!"patawag na sabi ni ate sa akin

"Ate! Ha?"

"Hindi ka ba sasama saakin, bibili lang ako ng mga gamit ko para sa work ko. Wala ka bang bibilhin?At Kailan ka ba mag aapply ng trabaho? Saang kumpanya ka magtratrabaho?"

"Ay oo nga! Sa ngayon ate wala pa akong naapplyan na kumpanya pero sabi nung kaibigan ko sabay nalang daw kami baka makapasok kami sa YuKu Jacket. Teka lang ate! Sasama ako!"

"Sige bilisan mong magbihis ah!"

"Opo."

I just grab this rip jeans na black at tshirt na flesh na plain. Ito nalang. At magtsistsinelas lang ako? Kakahiya naman kung tsinelas... doll shoes nalang!

"Ate tara na tapos na akong magbihis."

"Sige tara nah!"

Pumara na si ate ng trysikle pupunta kasi kami ngayon sa mall bibili ng mga gamit pero hindi yung mamahalin ah! Wala kasi akong budget para jan tsaka titingin lang ako sandali sa bookstore kung may tira pa naman ako pambili ng libro. Kasi diba nabanggit ko na hilig kong magbasa ng mga libro at manood ng mga movies.

"Dito lang manong, salamat. Bayad po oh."

"San punta mo Akif?"

"Ah, ate Alit siguro una nalang ako sa bookstore sandali. Ikaw san ba punta moh?"

"Titingin lang ako sandali sa department store ha! Kita nalang tayo don."

"Okay sige ate."

"Ingat ka ah!"

"Opo."

Pumasok ako sa bookstore at dumeretso ako sa american na books... gusto ko kasi yung mga ganyang books eh. Titingnan ko  lang yung Kill Order: Maze Runner Book 4.

Habang nagtitingin ako sa libro, unexpectedly... someone bumped at me and sabi ko sa inyo talaga ang sakit ng noo ko.

Iminulat ko yun mga mata ko. At nakita ko na nakapatong ako sa isang lalaking nakacap na black at ilang dangkal lang ang agwat namin magkikiss na talaga kami!

Omyghad virgin pa lips ko...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN: Thank you guys for voting and reading my story! Hope you guys like it! I will try my best to improve my grammars and some errors with this story. Xx!

Smitten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon