Chapter 4

3 0 0
                                    

I can't stop thinking about the mistake that I've committed. I know I'm not supposed to say sorry to him. Like no way!
It's not like I was the one who totally bumped. It was him. Period. HIM!

Pero hindi din ako mapakali sa kakaisip kung ano na ang dapat kung gagawin na apo pala sya sa boss ni tatay. I mean he's still one of my tatay's bosses because as I've heard sa ate ko na sya daw yung papalit na CEO sa kanilang kumpanya. At sa pagkakaalam ko yung mga grandparents lang ata nya nagpapalaki sa kanya. Hmm... ewan ko nga malay ko ba sa kanya.

"Akif! Lumabas ka na nga dyan sa kwarto, maghugas ka dun ng mga pinggan ang dami na nun. Ikaw talagang bata ka hindi ka na natuto." tawag sa akin ni nanay.

Hayyysss kasalukuyan na naman po sya sa kanyang pagrarap niyan. Tingnan lang natin yan.

"Palagi ka lang nakatulala jan sa kwarto mo wala ka din namang ginagawa. Bumaba kana dito!"

Oh diba sabi ko nga! Hindi talaga yan matatapos.

"OO NA NGA PO NAY! Ito na bababa napo ako dyan!" sagot ko kay nanay

"Hoy bata ka! Kailan ka ba mag-aapply ng trabaho? Yang mga kapatid mo settled na tapos ikaw hindi mo padin alam ano gagawin mo sa buhay mo?" pagmamaktol sa akin ni nanay.

"Nay, sabi ko nga sa inyo po diba may pagaapplyan ako ng trabaho pero naghihintay pa po ako dun sa kaibigan ko kasi irerecruit niya raw po ako sa kumpanya na pinagtrabahuan nung kuya niya. Tsaka sabay napo kami."

"Ikaw ah, siguraduin mo talaga yang mga sinasabi mo. Naghirap tatay mo makapagtapos lang kayo kaya magsikap kayo."

"Opo nay. Pasensya na po."

Dumiretso na ako sa kusina namin. At laking gulat ko na totoo pala yung sinabi ni nanay na ang daming mga hugasin. Jusko po lord!

"NAY?! ITO BA LAHAT ANG MGA HUGASIN?!" tanong ko kay nanay.

"OO AT BAKIT? MAY REKLAMO KA?"

"Ah... eh... wala po nay." sagot ko.

Hindi nalang ako nag reklamo pa kasi alam ko magrarap na naman yun. Ayoko nang madadagdagan pa yung mga problema nila nanay dahil alam ko talagang hindi madali ang hirap na dinaras nina nanay at tatay sa pagpapatapos sa amin nina Kuya at ate kaya nagpapasalamat din ako kahit ganyan si nanay dahil kung wala siya hindi naman din ako mabubuhay dito.

Pinagiisipan ko din naman din yung isa ko pang problema! Kung paano ako manghihingi ng tawad dun kay Kaiden! Ay este SIR KAIDEN.
Alam ko namang napakaimportante kay tatay ang trabaho nya dun kaya ayoko namang dumagdag pa sa kanila.

"Oh oh oh..."
Kumakanta lang naman ako habang naghuhugas para naman maganahan din ako sa paghuhugas dito grabe pa naman tong mga pinggan na hinugasan ko ang dami pa naman. Hays.

"Akif! ASAN KA BA?!" sigaw na tawag sa akin ni ate.

"Bakit ba sigaw ng sigaw ka dyan ate?"

"Lumabas ka dun at ayusin mo yang sasabihin mo dahil andun sa labas si Sir Kaiden!"

"Ha? Si—si-sino? Ka-ka-Kaiden?"

Smitten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon