Chapter 5

4 0 0
                                    

Dali-dali akong lumabas ng bahay. Pawis na pawis din ang aking mga kamay at ramdam ko ang kabog ng puso ko hindi ko alam kung bakit pero sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko din alam ano ang sasabihin ko sa kanya. Is it right to seek forgiveness to him? I know I should be patient and keep my head up kasi kaunting mali mo lang baka ano pang magawa nya. Ang tangi ko lang namang iniingatan dito ay ang mga sasabihin ko kasi worried ako kay tatay. Baka masisante sya sa kanyang trabaho.

Nakita ko siya na nakasandal sa kanyang Corvette Stingray car. Nakasuot siya ng black jeans with polo shirt at Gucci shoes.

Hindi ko pagilang mapatitig sa kanya. He has hazel brown eyes, pointed nose, rosy lips. Mapagalaman talagang anak mayaman siya dahil sa kanyang fair skin at porma at sa kanyang gwapong mukha.

Gwapo? Ha? Anong gwapo? Bakit ko ba nasabi yun? Yang lalaking yan na gwapo? Ang kapal nga ng mukha nyan eh ang angas pa kala mo kung sino porket siya na yung papalit sa kumpanya nila.

Tumikhim siya. "Are you already deceived by my gorgeous looks?" He asked.

"Ha? Ang kapal mo naman. Ako? Yang mukha mong yan? Hindi no."

He hissed and chuckled. "Woah, woah, woah... easy Miss. I was just sayin'... and you were saying I was "kapal"? I thought you're gonna apologize to me right now for the MISTAKE you've caused. So, I want it now. Right now, right here." Tinuro niya kung nasaan siya.

"Oo nga! Sabi ko nga!" sagot ko. "Feeling gwapo naman porke ang yaman kala mo naman sinong matino. Blah blah blah..." I whispered.

"What were you muttering?" He asked.

"Huh? Wala ah."

"No... you were saying something. You are whispering something. WHAT WAS IT? Are you backstabbing me right now?"

"Anong backstab? Eh pano kita mababackstab eh nakaharap ako sayo ngayon. Panong backstab yan. Kung gusto mo lang naman mabackstab tumalikod ka muna para mabackstab kita."

"WHAT DID YOU SAY?! YOU BTCH! You were the one that caused this whole mess and then you have the guts to told those? Are you kidding me right now?" He growled.

Muntik na akong mapaluha sa lakas ng kanyang boses. Wala pang nakakatawag sa akin nun na "btch". Ni sino kahit mga magulang ko hindi ako namumura nila. Ang sakit lang pakinggan na ginaganon niya ako alam naman nating hindi ako ang bumunggo sa kanya. Pero kahit dignidad ko pa ang nakatatag dito kaya ko yung igive up para lang sa pamilya namin dahil ayokong mawalan ng trabaho si tatay, okay langnaman sa akin yun kasi kaya kong buhayin sina nanay kapag magkakatrabaho na ako. Andami pa kasi naming babayaran ng mga utang kaya hanggang ngayon si tatay nagtratrabaho padin doon. Tumutulongdin naman sina kuya at ate pero hindi kasya at si kuya naghahanda na din para sa kanilang kasal ni ate Kina. Kaya ginagawa ko to dahil ayokong dumadagdag pa sa problema dahil sobra sobra na pero hindi ko naman din akalain na ganito kasama ang ugali niya. Ang sama sama niya. Wala ba syang puso? Isa syang heartless!

"Oh ano? Iiyak ka na dyan? Sige gusto kitang makitang nasasaktan." He laughed. "Susuko naman pala. I find this amusing right now to watch." angas niyang sabi sa akin.

Pinigilan ko ang mga luha kong aagos na. Ayokong makita niya ako na ang weak at sensitive kong tao. Gusto kong ipakita sa kanya na palaban ako na hindi ako naapektuhan sa kanyang mga sinabi. Kaya ko to. Para kay tatay at nanay.

"Ah... hindi Sir Kaiden. Pa-pass-pasensya na po kayo sa lahat ng nasabi ko. Alam ko naman pong kasalanan ko ang lahat ang nangyari sa bookstore dahil hindi ko inalam kong may tao ba sa likod. Sir wag niyo lang naman pong sisantehen ang tatay ko po. Nagkasala po ako pero walang kinalaman po dito ang pamilya ko. Wa-wa-wag niyo po silang idamay po. Pakiusap po. Kung anong gusto niyong ipagawa sir, kahit ano gagawin ko po." paghihingi ko ng tawad sa kanya.

"Oh really? Anything? You will do anything what I wanted to? Anything I wanted to order you?"

"Opo, sir. Kahit ano gagawin ko po."

"Well then. I want you to work at my company  as my personal assistant or slave for 5 months." He said.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Smitten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon