Chapter 3

18 3 0
                                    

Nasapo ko ang mukha ko, LORD! HELP ME PLEASE... Ano na gagawin ko? Huhuhu...

Hindi! Akif, kaya mo yan! Think positive lang! Okay! Fighting!

Hindi ako mapakali, kakaisip, anong dapat ko bang gagawin.?

Ang tanga ko kasi, hindi ko man lang naalam na anak pala yung gagong lalaki na yun sa amo ni tatay.

Kung hindi lang talaga sya apo, siguro masapak ko na talaga yun! Ang angas kasi eh, kala mo sino, gwapo nga sana ngunit walang puso naman! Hindi man lang inintindi feelings ng ibang tao! Isa syang hangad! Heartless gu--

" Akif, anak." tawag ni nanay sa akin

" Nay!" gulat kong tanong.

" Totoo ba sabi ate mo sa akin na nakaaway mo daw apo ni Madame Karia Yu?"-nay

" O-oho nay. Pero nay,hindi ko naman talaga kasalan yun eh, sya yung hindi patingin tingin sa dinadaanan tas ako pa sisihin ng pag--" sumbong ko kay nanay

" Akif! Hindi mo ba alam na kapag magsumbong yun si Sir Bruce, baka masisanti yang tatay mo! Gusto mo bang mangyari yan sa atin ha, Akira Faith Dela Rosa!" putol na sabi sa akin ni nanay

" Hindi naman po sa ganon nay, ang saakin lang po, dapat naman rin po pakingan nyo muna side ko, hindi nyo po kasi naiintindihan sitwasyon ko eh, nasasaktan din naman po ako nay! Kaya sana naman po pakingan nyo muna ako." tanggol ko sa sarili ko

Huli na speech ko! Peste,nilayasan ba naman ako sa gitna ng explanation ko! Pinaghirapan ko yun ah! Hahay! Mahabol nga.

" Nay! Sige nga ano bang gusto nyong gawin ko para lang mapatawad nyo ako sa nagawa kong mali na hindi naman talaga ako ang may kasalanan." paamo na sabi ko kay nanay

" Nay! Sumagot naman kayo oh! Baka ba naman tawagin pa ako nitong baliw. Nagsasalita ng hindi sina---"

" Humingi ka nang paumanhin kay, Sir Bruce."

" Na--na-nay? A--ano pong sabi nyo?"

" Ang gusto ko lang, Akif humingi ka nang paumanhin kay sir, at ipaliwanag mo ang lahat." sabi ni nanay sabay takip sa aking balikat at umalis na.





Ano na gagawin ko?! Dapat ko ba talagang humingi ng paumanhin sa gagong yun na sya naman talaga ang may kasalanan?


Oh, no! Ano na gagawin ko!

Smitten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon