Chapter 3: First Day of Hell

6 0 0
                                        

Erin's POV

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng kotse. This is my first day of school and I know that this is going to be a tough one. Kagaya na lamang ng nangyari kahapon.

Noong nakita ko si Dellan halos hindi ko na naramdaman ang pagkakasabunot sa akin. Parang tumigil ang oras at tanging siya na lamang ang nakikita ko. I don't know what I'm feeling at that moment.

Siguro dahil sa tagal ko na siyang hindi nakikita. Tinulungan niya ako kahapon at ang pinagtataka ko ay hinigit niya ang kamay noong sumabunot sa akin. At pagkatapos ay hindi ko na sila nakita pa.

Dali-dali na akong lumabas sa eskwelahan na iyon at umuwi na sa tinutuluyan kong apartment. Dito muna ako tumutuloy sa apartment dahil ayaw kong abalahin pa ang mga magulang ko.

Lucky for me that they both agreed to have my own car back. Dati kasi ay hindi sila pumapayag na magmaneho ako ng mag-isa na walang kasamang driver. Pero dahil naging mabuti naman ako ay napapayag din sila.

Nang makarating malapit sa gate ng eskwelahan ay pinagmasdan ko ang pangalan na naroon.

Flyare University Welcomes Freshmen and Transferees!

Bakit parang nag-iba ang kulay na nakaukit rito? Lalo na sa pangalan ng unibersidad na ito. Kahapon kasi ay kulay asul ito at medyo maayos pa. Hindi gaya ngayon na medyo may kulay pula sa paligid nito. At kung titignang mabuti ay parang sinadya ito ng kung sino man.

Hindi ko na masyadong inisip pa iyon. At nag-park na lamang malapit sa may ilalim ng puno kung nasaan ang iba pang mga sasakyan. May mas importanteng bagay pa akong gagawin ngayon sa loob ng unibersidad na ito.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang paglingon sa paligid dahil sa mga taong nagbubulungan.

"Is that the girl who pushed Silver?"

"Yea, I hate her!"

"Go to Hell, bitch"

Alam kong ako ang pinag-uusapan nila at hindi ko naman tinulak si Silver. Dali-dali naman akong naglakad palayo roon pero mas mabilis sila sa akin.

"Hey bitch, don't you ever mess up with Silver or else--"

"Or else what?" A beautiful and angel-like girl said.

Laking pasasalamat ko dahil dumating siya. It's like I'm going to have a heart attack dahil sa mga nangyayari ngayon. Ayoko sa lahat ay yung nakakakuha ng atensyon mula sa ibang tao. Gusto ko lang naman maging matahimik na ang buhay namin. Malayo sa gulo na laging nakadikit sa akin. How ironic.

"Stop on whatever you are doing little shits! Just get all lost!" parang kulog naman sa lakas ang pagkakasabi niya na siya naman nagpatigil sa mga nandoon.

Umalis din sila at parang hindi makapaniwala sa nangyari. Medyo nagtataka rin ako dahil bakit niya ako tinulungan hindi naman sa hindi ko ito gusto.

"Are you okay? Ganyan talaga sila kapag tungkol kay Silver." she said. Napakainosente niya at parang anghel kung magsalita.

"Uh thank you" halos hindi pa rin makapaniwala dahil tinulungan nga niya ako.

"Well, Good luck on your first day, Erin"

At pagkatapos noon ay bigla na lamang siyang umalis nang napakabilis at nawala ng parang bula. Hindi ko alam kung bakit alam niya ang pangalan ko. Mas binigyan niya rin ng diin ang pagkakasabi ng pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit.

Basta ang alam ko kailangan kong mag-ingat sa kanya, sa mga taong nandito sa unibersidad. Kahit sino pwedeng maging kaaway. Kahit ang mga taong tumutulong sa iyo.

Dahil hindi lahat ng kaibigan ay nagiging kakampi at hindi lahat ng kakampi ay nagiging kaibigan.

Muli kong naalala si Dellan, ano na nga kaya ang nangyari sa kanila simula kahapon? Bakit hindi niya ako nakilala? At bakit hindi na siya nagpaparamdam o 'di kaya ay nagpapakita sa akin simula pa noon?

Kailangan ko nang pumasok sa classroom ngayon dahil siguradong late na ako sa unang araw ng klase. Habang naglalakad ay muling pumasok sa isip ko si Celest, ganito kaya ang buhay niya rito? O iba? Malayo sa kapahamakan?

Huli man sa pagpasok sa classroom ay mas huli pa rin ang prof, siguro dahil umpisa pa lamang ng klase. Parang ang tatahimik naman nila at tila walang gustong magsalita ni isa. At kung titignang mabuti ay halos kalahati lang ng klase ang nagsipasok. Maybe because it's just the first day of school, nothing flashy but I have a gut feeling that something's going to happen today or tomorrow.

Dahil wala namang masyadong ginagawa ngayon ay nagpaalam muna akong lumabas. And while searching for the comfort room, I saw Dellan in the corner of the stairs talking to a girl or I must say talking to the angel-like girl. The one who saved me early this morning. They seem like fighting but I don't care.

What matters the most is that he looks dangerously staring at me.

And in a snap they both disappeared again. Nakapagtataka. Bakit hindi niya ako kausapin man lang? Nakalimutan niya na kaya ako? Pero imposible naman ata iyon.

After that I decided to go to the classroom. Pero hindi pa man nakakalapit ay napakaraming estudyante na ang nakapaligid sa aming room.

Iilang mga professors din namin ang nandoon at mga estudyanteng taga ibang-strand ang nakiki-usisa sa room.

Kung kanina ay kokonti lamang ang mga estudyanteng naroon, ngayon naman ay halos magtulakan na ang iba para makita kung ano ang nasa loob.

Nagkukumpulan ang iba at ang iba naman ay nagsisi-iyakan. Ano naman kaya ang nagyayari ngayon? Ang iba naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Huli na ng pinagtuturo ako ng aking mga kaklase.

"That bitch! "

"Siya ang pumatay kay Nicole!"

Flyare UniversityWhere stories live. Discover now