Nicole's POV
Ang akala ko ay maililigtas ko ang aking sarili mula sa kanya. Ngunit hindi pala. Sa mga oras na ito bilang na lamang ang natitirang oras o kaya ay minuto sa akin. Kahit pa ginawa ko naman, namin ang iniuutos niya.
Ang pahirapan si Erin Gonzales sa Flyare University.
Sino ba ang babaeng iyon? Ni hindi ko nga siya kilala eh.
Sinabi niya na umpisa pa lamang ay dapat pahirapan na kaagad si Erin. Napakainosente niya kung titignan. Tila walang alam sa tunay na nangyayari sa eskwelahan na ito.
Pati ang paglalagay ng sarili naming dugo sa pangalan ng eskwelahan. Muli kong naalala ang gabi na iyon.
Akala ko ay wala na siya, dapat ay patay na siya.
"O, bakit parang naputulan ka ng buntot, Nicole?" iritado niyang sinabi at dali-dali naman niya akong sinakal noong gabi na iyon. Hindi na halos ako makahinga.
Tinignan ko rin ang katabi niya. Isang nakapulang maskara at kapa ang sa tingin ko ay tumutulong sa kanila. Siguro siya na ang Revil.
Ang Revil.
Hinawakan ko ang leeg ko noong halos hindi na ako makahinga. Pilit akong kumakawala mula sa pagkakasakal niya sa akin. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Nagising na lamang ako ng nasa tinutuluyan kong apartment. At mula sa lamesa ay nakita ko ang isang itim na rosas.
Simula na nang klase kaya pumunta na kaagad ako sa aming classroom. Kakaunti pa lamang ang mga estudyanteng naroon dahil simula pa lamang. Dahil hindi pa naman nagsisimula ay pumunta na muna ako sa labas.
Muli kong inalala noong nakaraang school year. Kung saan ako pa ang nasusunod sa aming klase.
"Tandaan ninyo na ako lang ang masusunod dito!"
"Lahat ng humaharang ay dapat mawala!"
"Ako ang class president kaya dapat lang na ako ang masunod dito!"
Tila lahat sila ay sunud-sunuran lamang sa akin. Ako lagi ang nangunguna sa aming klase. Sa lahat ng napagdaanan ko ay itong school year na ito ang pinakamalala. Napakaraming sikreto ang nagsisilabasan at lalong lalo na siya. Ang Revil na iyon.
Lintik lang ang walang ganti para sa kanya. Sabi ng mga pulis ay isa siyang serial killer mapa loob man ng eskwelahan pati sa labas. Walang awa kung pumaslang.
Tingin ko ay isa siyang estudyante rito sa eskwelahan. Haka-haka naman ng iba ay multo o di kaya ay halimaw. Pero totoo siya. Narinig ko rin ang boses niya.
Naalala ko ulit ang nalaman ko noong gabi na iyon. Alam ko ang pinaplano nila mula pa noon. Ang maghiganti sa mga tao sa paligid nila. Ngunit alam kong mayroon pa silang ibang hinahangad. Yun ay---
Hindi ko na naituloy dahil habang naglalakad mag-isa sa hallway ay may biglang humigit sa akin. Tinignan ko siya. Alam kong mahihirapan ako sa isang ito. Lalo na dahil nasa third floor kami at wala ng ibang tao ang naririto. Lahat sila ay nasa kani-kanilang klase na nila.
May inilabas siyang isang syringe at mabilisang itinutok sa akin.
Halos mapasigaw ako ng inilapat niya ito sa aking braso. Mahapdi at parang nasusunog ang aking balat. Halos hindi rin ako makahinga ng maayos sa nangyayari. Parang umiikot ang mundo ko ngayon.
Mabilis ang pangyayari at parang tinanggap ko na lamang ito. Na katapusan ko na. Alam kong aabot din sa puntong karma na mismo ang lalapit sa akin.
Alam kong mali ang mga pinag-gagagawa ko noon sa aming klase pero hindi ako nagsisi.
At ang huli ko na lamang nagawa ay gumapang papunta sa aming room hindi kalaunan. Dahil iisa lang rin naman ang room na ginagamit sa third floor. Ang aming room.
Hanggang sa naitulak ko ang pintuan at bumungad ako sa aking mga kaklase. Gulat na gulat sila sa kanilang nakita. Parang hindi makapaniwala.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang hindi ko aakalin na magiging kasama nila.
Ngumiti siya sa akin.
At pagkatapos noon ay nakarinig ako ng mga sigawan mula sa kanila. Kasabay din noon ang pagpikit ng mga mata ko.
YOU ARE READING
Flyare University
Misteri / ThrillerA school wherein secrets, betrayals and killings are the only way to escape death. How can they stop the fire that they created? The fire that will eventually kill and bring their ashes to the ground. From innocent faces up to their darkest secrets...
