Isang itim na rosas ang kanina ko pa tinitignan sa aking harapan. Nakalagay ito sa aking lamesa kasama ang iba ko pang mga gamit. Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti. The smell of the rose is very surreal that I remembered some things in the past.
Nandito ako ngayon sa dormitory at sa tingin ko'y ilang oras na lang ay magaala−sais na.
Magdidilim na naman ang kalangitan kagaya nitong hawak kong isang itim na rosas. Napakamisteryoso at napakalalim.
Hindi ko inaasahan na makakatagal pa ko sa unibersidad na ito. Dahil sa bali-balita na mayroon daw nagbabalik at maghihiganti raw ito sa amin, sa klase namin.
I don't want to believe to those rumors or such pero nitong mga nakaraang araw, parang may sumusunod sa akin. Tuwing umaga, break time o kahit hanggang dito sa dorm na tinutuluyan ko.
Pero hindi naman sa takot ako o ano pero nandyan ang taong laging umaagapay at tumutulong sa akin. Ang nag-iisang taong laging handa at kadamay ko sa buhay.
He is the world for me. I always believe in him. Kahit pa maraming nagsasabi na hindi kami bagay o dahil sa estado ng aming buhay.
Totoo siya sa akin at gagawin ko ang lahat para magkasama kami sa lahat kahit pa mayroong mga taong sumusira sa amin.
Napagpasyahan ko munang lumabas muna saglit at damhin ang hangin sa labas. Tinignan ko ang paligid, ang mga taong nagsasaya at nagtatawanan. Kumukonti at bilang na lamang ang mga estudyanteng nasa labas. Tila nagmamadali ang lahat at parang napakaimportante ng oras sa kanila.
Kung hindi ko lang alam na dahil ito sa bali-balita na iyon. Hindi sila nagmamadali sa pag-uwi.
Nalala ko ang sinabi niya sa akin noong isang araw na malapit na raw magbago ang lahat. Anong klaseng pagbabago naman iyon? Hindi ko muna inisip pa iyon at umupo muna ako sa bench na lagi kong pinagtatambayan sa tuwing kasama ko siya na matatagpuan sa pinakadulong parte ng unibersidad na ito.
Huminga muna ako ng malalim at dinama ang paligid ngunit parang may mali. Siguradong hindi ako nag-iisa rito ngayon. May isang itim na rosas akong nakita malapit sa baba nitong bench na kinauupuan ko.
Ngunit nang kukunin ko na ito ay may nagtakip ng panyo sa aking bibig. At parang hindi ako makahinga ng maayos. Isa lang ang sigurado ako habang hirap sa nangyayari.
Isang taong naka-pulang maskara, pulang kapa, at napakaraming pulang dugo sa sahig ang may gawa nito sa akin.
Nasisigurado ako na siya na iyon. Ang Revil.
Damang-dama ko parin ang lamig dulot ng ihip ng hangin.
Hindi na halos ako makahinga at parang nagdidilim ang paligid. Ngunit noong nagsalita siya ay nagsitayuan ang mga balahibo ko, hindi dahil sa boses niyang napakalalim at napakamisteryoso kundi sa sinabi niya.
"Patayin mo sila upang hindi ka nila mapatay, unahin ang dapat sa hindi. Tayong tatlo hanggang sa dulo, siya na lang ang kulang, Celest."
YOU ARE READING
Flyare University
Misterio / SuspensoA school wherein secrets, betrayals and killings are the only way to escape death. How can they stop the fire that they created? The fire that will eventually kill and bring their ashes to the ground. From innocent faces up to their darkest secrets...
