Papunta ako ngayon sa classroom at lahat ng madaan ko, nakatitig sakin.
Pano ba namang hindi?! Eh hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa napanaginipan ko! Ikaw ba namang managinip na kinakantahan ka ng isang masungit na lalaki, makakatulog ka pa kaya?! Hindi diba? Edi eto tuloy ang inabot ko,
Eyebags. -___-"
Ugh. Sa lahat lahat ba naman kasi ng pwedeng mapanaginipan, bakit ganung klaseng panaginip pa?! Kinabahan kaya ako sa panaginip kong yun!
Pagkapasok ko sa room, nilapitan agad ako ni Marcus.
"Ganda natin ngayon Elli ha. Hahahaha!" sabi ni Marcus sabay upo sa chair sa harap ko.
"Hay nako Marcus, wala ako sa mood makipaglokohan." sabi ko sabay ubob. Inaantok pa kasi ako.
"Fine..." sabi ni Marcus sabay tayo. Napatingin ako bigla sa kanya. Si Marcus ba to? Nag-'Fine'? Infareness, may tinatagong kabaitan din pala to.
"... Ms. Zombie. Hahaha!" Dagdag niya sabay takbo.
Binabawi ko na pala yung sinabi kong may tinatago siyang kabaitan kasi hindi yun totoo! Nakakarumi talaga ang Marcus na yun. Okay na sana eh tinawag nga lang akong Ms. Zombie! Tss.
Sinamaan ko siya ng tingin at umobob ulit. Hay. Inaantok pa ako eh.
Nakakatulog-tulog na ako nang biglang tumunog ang P.A. Pag minamalas ka nga naman oh!
Super antok na antok talaga ako kaya naman habang naglulupang hinirang, prayer at alma mater song eh akoy napapapikit. Ugggh. Bakit kasi may mga ganito pang ka-echosan.
Marcus' P.O.V.
Kakatapos lang naming kumanta ng Alma Mater kaya naman nakaupo na kami ngayon.
Napatingin ako sa left side ko at nakita ko na naman si Elli na nagheheadbang. HAHAHAHA! Pano ba naman kasi, puyat edi yan tuloy ang napala. Hindi naman siya makaubob kasi kapag nakita siya, siguradong lagot siya.
Nagsimula na si Miss sa kanyang usual morning talk at binaling ko na lang ang attention ko kay Elli. Nakakatawa talaga yung babaeng yun. Ang sarap asarin tapos kahit hindi siya nagpapatawa, nakakatawa siya. Katulad ngayon, daig pa niya ang Rockstar sa pagheheadbang eh. HAHAHAHA.
"According to the-"
Napatigil si Miss sa pagsasalita nang may kumatok sa pintuan at inexcuse siya.
"I'll continue this later." sabi niya sabay labas.
Pagkalabas labas pa lang ni Miss, nagingayan na agad ang buong klase. Hahaha. Ganyan tayo eh. Mabait lang pag may kaharap na teacher. XD
Napatingin na naman ako kay Elli. At ayun, sinamantala na niya ang pagkakataon na wala si Miss kaya naman umubob na. Nako, siguraduhin mo lang na magigising ka pagbalik niya kundi lagot ka!
After seven minutes biglang sumigaw yung look out namin.
"Padating na si Miss!"
Agad kaming nagayusan ng upo at tumahimik. Napatingin ulit ako kay Elli. Nako, nakatulog na nga ata ng tuluyan. Patay tayo jan!
Mabuti na lang one seat away lang ako sa kanya kaya naman kumuha ako agad ng mga scratch paper at binilog yon. Nako, sana naman magising siya neto.
Elli's P.O.V.
*Boink*
*Boink*
*Boink*
Nakakasura ha. Kanina pa nila ako binabato. Kita namang natutulog yung tao eh.
Inayos ko na lang ang upo ko at umubob ulit. Atleast nakikisama ang mga kaklase ko at mga tahimik.
*Boink*
*Boink*
Argh!!!!
Lumingon ako para hanapin kung sino ang bumabato sa akin ng biglang pumasok si Miss. Tss. Pasalamat ka kung sino ka man kundi nako, ipapakain ko sayo ang mga papel na to!!!
Bad trip eh! Sarap na ng tulog ko.
Umayos na ako ng upo at tumingin sa harapan. Aba, good mood ata si Miss ngayon ah at nakasmile.
"Class, you have a new classmate. Let us welcome him..."
Binuksan ni Miss ang pinto at pinapasok yung new student.
Tss. New student. Kalagitnaan na ng First quarter eh.
Kinuha ko na lang ang notebook ko at nagdrawing. Hay nako. Nawala na ang antok ko. Panirang new student yan.
"Hi. I am Juan Kristoff Padilla but I preffered to be called Uno. I transferred from Lourdes School. Hope we can be friends."
Napatingin ako sa new student. Uno? What a name. Hahaha! Pasosyal pa etong si Koya eh.
Kumindat si Uno at biglang nagiritan ang mga kakalase kong babae. Pssh. Porket may itsura lang siya, may pakindat kindat pa siyang nalalaman. Teka, parang kilala ko to ah...
Nagkatitigan kami ni Uno at ngumisi siya.
NO WAY!
BINABASA MO ANG
The Right Guy For Elli Fuentes : The Beginning
Teen FictionNapakapeaceful ng buhay ni Elli Fuentes kaso nung nakilala niya si Uno Padilla, nagbago ang buhay niya. Ang dating tahimik at mahinhin na si Elli ay natutong lumaban lalo na pag dating sa love. Kaso... Does Uno likes her the same way she likes him? ...