Chapter 2 - Meeting Mr. Sungit

11 1 0
                                    

Another day. Another BORING day. Hay.

Sana katulad na lang ako nung iba kong mga kaklase na exciting ang buhay kahit papaano. tsk.

Wala pa ang mga kaibigan ko kaya naman magisa akong pumunta sa tambayan.

Pero bago pa ako makapunta sa tambayan, nakita ko na may bagong post sa bulletin board kaya naman lumapit ako dun sa lalaki para itanong kung ano yun.

"Uhm... excuse me kuya. Ano yan?"

"Wala ka bang mata ha?! Di mo kayang magbasa?! Try mo kayang basahin noh!" inirapan ako nung lalaki tsaka umalis.

"Ang sungit mo kuya! Nagtatanong ako ng matino eh!"

Sinigawan ko nga. Ang sungit sungit eh. Daig pa ang may PMS.

Kabadtrip si Kuya. May itsura pa naman. tsk. Makabalik na nga ng classroom!

Pagkabalik ko ng classroom, natulog muna ako. Eh kasi naman ang mga kaklase ko puro naggagawa ng assignments. tsk tsk. Tapos si Marcus naman, pinagtritripan na naman ako. Kaya tinulugan ko na lang. Magsasawa din yun.

Pagkagising ko, lahat ng kaklase kong boys nakatingin sakin. Wala na yung mga girls.

Shet. Anong meron?

Biglang lumapit sakin si Marcus.

"Elli, ngaun ko lang narealize... ang ganda mo pala."

What the-

"Oo nga Elli! Super ganda mo!" sabi nung isa kong kaklase sa dulo.

Hala! Anong nangyayari sa mga ito?

"Elli! Can you be my girl?" sabi naman nung isang basketball varsity sa likuran ko.

OhMayGhad. Alam ko namang maganda ako pero yung ganto? A-a! (cheret! XD)

Biglang may nagstrum...

It took

One look

And forever's laid out in front of me

One smile

Then I died

Only to be revived by you

There I was

Thought I had everything figured out

Except the fact that I am yours

Like the way life

Played out

I take one step away

Then I find myself coming back

To you

My One and Only

One and Only

You...

WHAT THE HELL?! SI MR. SUNGIT???!

The Right Guy For Elli Fuentes : The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon