Sa lahat lahat pa ng pwedeng maging bagong kaklase, bakit siya pa?!
Bakit si JUAN KRISTOFF "UNO" PADILLA pa?!
Nung ngumisi siya sakin, naalala ko yung nangyare nung una kaming nagkita.
••FLASHBACK••
Andito ako ngayon sa Mcdo. Magkikita kasi kami ngayon ni Kuya Axel.
Tinawagan ko muna siya bago pumasok.
"Hello Kuya Axel? Asan ka na? Nasa mcdo na ako."
"Andito na ako sa loob. Hanapin mo na lang ako. Naka-bonnet akong blue, shades at jacket."
"Sige sige."
Inend Call ko na at pumasok na ako.
Bonnet at jacket na blue tapos shades....
Ayun!
Linapitan ko na si Kuya Axel. Nakatungo lang siya habang naglalaro sa ipod niya tapos may suot din siyang ear phones.
"So ano Kuya? Ganito na lang tayo maghapon?"
Hindi siya sumagot kaya naman kinuha ko na lang yung cellphone ko at nagsoundtrip tapos tumingin ako sa labas.
Nakakailang song na rin ako pero busy pa din si Kuya Axel sa paglalaro kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagsasoundtrip at tumingin na lang ulit ako sa labas.
May nakita akong lalaki na lumabas na may blue bonnet, jacket tapos naka-shades. Teka... Si Kuya Axel yun ah. Eh sino ( Dahan dahan akong tumingin sa lalaki sa harap ko) to?
Nakatingin siya dun sa babae sa side niya at mukhang galit na galit yung girl.
"Kala ko ba ako yung date mo ngayon?! Eh sino siya?!"
Tinanggal ko na yung headset ko dahil balak ko sanang magpaliwanag kaso di pa man ako nakakapagsalita, ininterrupt na niya agad ako.
"Don't even think about explaining!" sigaw niya sakin sabay alis.
Napatungo na lang ako sabay face palm. Ano ba tong pinasukan kong to? Mommy! Huhuhu.
Tumingin ako sa lalake na napagkamalan kong si Kuya Axel at nagsmile sabay peace sign.
"Hehehe... Kala ko kasi ikaw yung pinsan ko. hehehe."
Hindi siya ngumiti or anything basta sinamaan lang ako ng tingin kaya naman napatungo na lang ako.
"Pag hindi niya ako pinatawad dahil dito sa ginawa mo —." pagsisimula niya pero bago pa siya matapos, inunahan ko na siya.
"I'll do anything. Promise! Sorry talaga. Sorry." Pag mamakaawa ko. Mukha kasing matapobre at mayaman. Baka kasi kung ano pang gawin sakin neto. Malay niyo, ipapatay ako. NO!!!
"Tatandaan ko yan."
At yun nga, umalis na siya. Phew!
••END OF FLASHBACK••
Its been a month since that happened. Siguro naman nagkaayos sila kasi di naman niya ako binulabog or anything. At siguro naman coincidence lang na magkaklase kami ngayon diba? DIBA?
LORD, PLEASE SAY YES.
"Why did you chose to transfer here?"
Tama ang tanong niyong yan Miss. Bakit nga ba dito ka pa lumipat?!
"Let's just say that I'm here to get my price."
Nakatingin siya sakin habang sinasabi niya yun.
*Gulp*
"Uhh.. okay. Mr Padilla you can sit by..."
Napatingin si Miss sa right side ko at napatingin din ako.
DON'T TELL ME? Naku, wag naman sana.
"... Ms Fuentes." At tinuro nga ako ni Miss.
MISS! Gusto niyo ba akong mamatay ng maaga?! Huhuhu.
Habang naglalakad siya papunta sa chair sa tabi ko, kinompose ko ang sarili ko. Breathe in,Breathe out. Kunwari walang nangyari. Kunwari walang nangyari.
"Hey, Elli Fuentes."
OMayGhad. Pano niya nalaman ang first name ko?! Wag kang lilingon, Elli. Wag kang lilingon.
"Elli."
*Gulp*
Unti-unti na akong lumingon. Nung nakaharap na ako sa kanya, nagsmile ako.
"Hi."
Ngumisi siya.
"It's payback time."
BINABASA MO ANG
The Right Guy For Elli Fuentes : The Beginning
Teen FictionNapakapeaceful ng buhay ni Elli Fuentes kaso nung nakilala niya si Uno Padilla, nagbago ang buhay niya. Ang dating tahimik at mahinhin na si Elli ay natutong lumaban lalo na pag dating sa love. Kaso... Does Uno likes her the same way she likes him? ...