Habulan - part 1

1.2K 35 10
                                    

(*banyerang pang paliguan = bathtub)

"Oh my GAWD!" sigaw ko sa isip ko, totoo ba itong nababasa ko sa school bulletin board? muli kong binasa at di nga ako namamalik mata "Join the Paranormal Dectectives Club"

San ka pa makakakita ng eskwelahan na may ganitong club? Di ko alam kung nasapian ba ang principal pero sasamantalahin ko ang pagkakataong ito. Ang tagal ko nang pinapangarap na makasama sa isang paranormal investigating group.

Pumasok ako sa loob at kinausap ang kanilang babaeng secretary.

"Simple lang po ang requirement, gumawa lang po kayo ng paranormal documentary. Pu pwedeng written work pero para sure na makakapasok kayo, mas okay po kung video. Marami pong gustong pumasok at konti na lang ang natitirang position, first come first serve po kayat hurry up!"

- - -

Agad akong umuwi at pumasok sa kwarto. Di ko na naisip kahit saglit ang mga assignment at projects ko. Ang ginawa ko lang ay mag brainstorm! kung papaano ako makakagawa ng paranormal dokyu. Pero wala naman akong alam na haunted place dito dahil bagong lipat pa lang kami rito.

"Written work nalang kaya, magiimbento na lang ako, tutal amateur writer naman ng horror at paranormal stories sa Wattpad at madami na rin akong nababasang ghost stories doon. Dun na lang ako kukuha ng ideya."

Hinalungkat ko ang aking malaking cabinet, nahihirapan pa akong i organize ang mga gamit ko, di ko naman kasi ito cabinet, nandito na ito mula nang lumipat kami dito mga ilang linggo pa lang ang nakakaraan bago mag pasukan.

Habang hinahanap ko ang pinaglagyan ko ng laptop, may nakita akong kapiraso ng nakatuping papel. Di ko pa kasi nalilinis itong cabinet e. Inakala kong basura lang kayat kinuha ko at itatapon ko na sana sa trash bin nang may nakasulat pala sa loob.

Akalo ko'y love letter ng dating may-ari ng kwarto kayat nagka interes akong basahin.

"The Bath Game" basa ko sa title ng sulat "ano ba to, laro?" pagtataka ko. Pinagpatuloy ko pa ang pagbabasa.

"Gusto mo bang makipaglaro ng taguan sa multo? gawin mo ang bath ritual at palabasin si Daruma sa bathtub."

"Pfffftt! Ang korni naman neto, Daruma mo muka mu!" sabi ko at hinagis na lang sa kung saan ang papel at nagpatuloy sa pag bi brainstorm!"

- - -

Maaga akong gumising kinaumagahan, excited. Pagkadating sa school una kong pununtahan ang Paranormal Dectectives Club dala dala ang mga istoryang inimbento ko. Naka lima ata ako, kumuha rin ako ng ilang sa Horror Stories kay josephine14311

Ibang officer na ang nakita ko sa loob. Isang lalaki na medyu mataba at mukang masungit.

'Sino ka?' aniya.

"Andre Cruz po, gusto ko sanang sumali sa club nyo"

"Ganun ba, edi akin na yan!" masungit nyang sagot na nakaturo sa mga hawak kong papel. Binigay ko sa kanya. Mabilis at paisa isa nyang sinuri ang mga gawa ko.

"Fake!.. fake!.. fake!.. fake! At isa pang fake!!" paulit ulit nyang sinasabi habang isa isang ring sinasaboy ang mga papel sa muka ko.

"Itong isa ay mukang legit pero halata namang hindi sayo to, kayat bagsak ka parin!" aniya, nagtatalsikan na sa muka ko ang mga laway nya sa kakasigaw "bumalik ka na lang dito kapag nakagawa kana ng TOTOONG paranormal documentary."

- - -

Sabado ng gabi. Pagkapasok sa bahay ay agad akong tumungo sa kwarto ko. Tinatawag ako ni Nanay ngunit di ko man lang sya pinansin dahil okupado ng ibang mga bagay ang isip ko.

The Bath GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon