Habulan - part 2

940 35 4
                                    

Parang may kung anong kumakaluskos sa kwarto ko, sabay bukas ng pintuan sa banyo, parang nakarinig din ako, ng natatapong tubig. Bahagya kong iminulat ang mga mata, una kong kakita ang alarm clock sa tabi ng higaan ko, alas dos ng madaling araw pa lang, pumikit uli ako at natulog

'

'

"Hoy gising na, anong oras na, alas nuwebe na oh!" sigaw ni nanay sa tabi ng kama ko, pumasok nanaman sya sa kwarto ko ng di nagsasabi. Naiinis ako pag ginagawa nya yun!

"Nanay naman, wala namang pasok e!" sabi ko napapakamot sa ulo sa pagkainis

"Porket ba walang pasok tatanghaliin kana ng gising, dapat masanay kang magising ng maaga, baka maabutan ka nya"

"Anong sabi nyo po?" sabi ko nagulat at napabangon nang marinig ang salitang 'baka maabutan ka nya'

"Ang sabi ko, porket ba walang pasok tatanghaliin kana ng gising, dapat masanay kang magising ng maaga, dahil matanda ka na"

Napakamot ako, kung anu ano na ata ang naririnig ko "Okay Nay, liligpit ko lang higaan ko"

Pagkalabas ni Nanay agad akong bumangon, di ko naman niligpit ang higaan ko, sa halip ay naglakad ako papunta sa pinto ng banyo.

Di ko nagawang kunin ang videocam ko kagabi bago lumabas ng banyo, siguradong nag record na yun ng ilang oras at ngayo'y malamang na empty bat na.

Nang hawakan ko ang doorknob ay napahinto ako nang maisip ang nangyari kagabi.

"Tsk! Paranoid ka lang Andre, wala ka namang nakita e, tinakot mo lang ang sarili mo" sabi ko sa sarili at dahan dahang binuksan ang pinto.

Wala naman akong nakitang kakaiba sa loob. Puting sahig, ang shower at ang bathtub parin, malinis.

Tinignan  ko ang faucet at nandoon ang video cam ko, nakapatay. Kinuha ko at lumabas na sa banyo.

Pumunta ako sa study table ko dahil nandoon ang charger ko at ang outlet. Nasa tapat din ng table ko ang bintana, hinawi ko ang kurtina upang makapasok ang liwanag sa kwarto ko

Napaatras ako ng parang may makita akong babae sa labas ng bahay sa gitna ng kalsada.

Ngunit pagka kurap ko ay wala naman. Di ko na lang inintindi

Binuksan ko ang video cam matapos mag charge ito ng kaunti at pinanood kung ano man ang na videohan ko sa loob ng banyo kagabi.

Nakita ko ang sarili ko na pumasok na nakahubad sa banyo. Hanggang sa punuin ng tubig ang bathtub, nang patayin ko ang ilaw ay lumabo ang nakikita ko pero bahagya ko paring nakikita ang aking sarili na nakaupo sa gitna ng bathtub habang nagsasalita ng "Daruma, madulas ka" pinagtawanan ko ang sarili ko, muka talaga akong tanga sa video.

Wala akong nakitang kahit ano, hanggang sa nakita ko ang sariling umaahon na sa banyo, inaabangan ko kung ano ba ang bagay na nasanggi ng paa ko, rubber slipper lang pala ang inakala ko kagabi na paa ng tao

"Hay nako, sabi na nga ba, napaparanoid lang ako e!" sabi ko. Dismayado dahil wala na talaga akong maisusubmit na dokyu sa club, pero at the same time ay para akong nabunutan ng tinik, ano na  lang ang mangyayari sakin kung totoo pala iyon.

'

'

Pagbaba ko'y wala si Nanay pero nasa lamesa na ang inihanda nyang agahan para sakin. Sa tabi nito ay may kapirasong colored paper, isang sticky note na may nakasulat; "mamamalengke lang ako, kumain kana ng agahan" ang nakalagay. Hilig ni nanay ang pagdidikit ng mga ganito para i remind ako.

The Bath GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon