THE RITUAL STEPS

763 34 53
                                    

Unang Hakbang; sa gabi, bago ka matulog ay alisin mo ang iyong damit at pumunta sa banyerang pang paliguan

Ikalawa, punuin ng tubig ang banyera at patayin ang ilaw

Ikatlo, umupo sa gitna ng banyera na nakatapat sa gripo nito sabay ipikit ang mga mata

"Ikaapat, hugasan ang buhok habang paulit ulit na binabanggit ang mga katagang 'Daruma Madulas ka! Daruma madulas ka!

Ikalima, habang hinuhugasan ang buhok, sa isip ay makikita mo ang isang pangyayari, isang babaeng nakatayo sa banyera habang hinuhugasan ang kanyang buhok. Nadulas ito at tumama ang muka sa gripo na syang ikinamatay nito

Ikaanim, patuloy lang na sabihin ang mgasalitang; 'Daruma madulas ka!'. Mararamdaman mo at maririnig ang mahinang paggalaw ng tubig sa banyera, pero wag mong imumulat ang iyong mga mata, at wag kang sisilip. Sapagkat nandyan na sya

Sya ay lalabas sa ilalim ng tubig sa iyong likuran. Mararamdaman mo ang presensya nya habang nakatitig sya sa iyo, ang kanyang ulo ay nasa itaas lang ng iyong balikat. Magulo at buhol buhol ang buhok, punit punit ang damit at nabubulok na, isa lang ang kanyang mata, pagkat ang kabila ay butas at kadiliman na lang ang makikita rito habang tumatagas mula sa butas ang kanyang dugo.

Ikapito, kapag naramdaman mo na ang presensya nya ay isigaw ng malakas ang mga katagang; 'Daruma, Bakit ka Nadulas!'

Ikawalo, panatilihing nakapikit ang mga mata, tumayo ka at dahan dahang umalis sa banyera, magiingat na huwag madulas o mapatid. Umalis sa banyo at isara ang pinto. Ngayon ay ligtas nang idilat ang mga mata. Buong gabing iwan ang ang tubig sa bathtub at matulog na.

Kinabukasan ay magsisimula na ang laro, susundan ka ng multong babae kahit saan ka magpunta. Sa tuwing mapapalingon ka, sya ay mawawala. Sa buong maghapon tuwing ikaw ay lilingon sa likuran ay bahagya mo syang masusulyapan bago sya maglaho.

"Sa paglipas ng mga oras, sya unti unting makakalapit sa iyo, WAG MONG HAHAYAANG MAHULI KA NYA!"

"Kapag ikaw ay lumingon at nakitang sya ay napakalapit na sayo, isigaw mo ang katagang, "Tigil" pagkatapos ay tumakbo sa pinaka malayong mararating mo, upang magkaroon muli ng distansya sa pagitan ninyong dalawa."

Para matapos ang laro, kaylangan mong mahuli syang sumusunod sa yo at sabihin ang mga katagang "Pinapalaya na kita" habang nakaunat sa kanya ang isa mong braso at dahan dahang ibinababa ito na parang may pinutol ka.

Kaylangang magawa mo ito bago mag hating gabi kung hindi ay susundan ka ni Daruma sa iyong panaginip at doon ka niya papatayin sa kahindik hindik na paraan.

Mga patakaran:

"Wag bubuksan ang mata sa unang pagkakataon na magpakita ang multo"

Wag hayaang mapatid ka ng multo habang ikaw ay papalabas ng banyo

Wag babalik sa banyo matapos lumabas dito.

Wag itatapon ang tubig sa banyo habang di pa sumasapit ang umaga.

Huwag hahayaan ang may isang matang multo na maabutan ka!

'

'

'

Ano pang hinihintay mo... gawin mo na... nakangiti sya sayo ngayon, hinihintay ka nya, gusto nya nang makipaglaro sayo, ng habulan....

The Bath GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon