Huli ka!

841 30 21
                                    

Basang basa na ko sa ulan pero wala akong pakialam,  basta't makalayo lang sa kanya, dala dala ko parin ang mga school supplies na nasa plastic folder kayat di ito nababasa. Kaya ko lang naman to hindi naiwan ay dahil naninigas ang mga braso ko kayat di ko man lang nagawang bitawan.

Kung saan saan nanaman ako nakatingin, kayat di pa ko nakakalayo sa bahay ay bumangga ako sa kung sino, si Jeff pala na nakapayong at pauwi na sa kanila.

"Andre! bat ka nagpapabasa sa ulan?" tanong nya.

"Ka- kasi.." bago pa ko makasagot ay may nakita ako sa salaming bintana ng bahay sa tapat namin, si Daruma, nasa likod ko, kulang kulang dalawang metro na lang ang pagitan namin, nakakalapit nanaman sya!

Mabilis kong nilingon ang likuran, parang nasulyapan ko pa ang puti nyang damit ngunit nawala syang agad.

"Sino bang tinatakbuhan mo?" tanong ni Jeff, tumitingin sa paligid pero mukang wala naman syang nakikita, walang nakakakita kay Daruma, maliban sakin!

Walang sabi sabi ay tumayo ako at agad tumakbo palayo. Tinatawag ako ni Jeff pero di ko sya pinansin.

Lahat ng makintab na bagay na madadaan ko ay tinitignan ko sapagkat yung lang ang tanging paraan para makita ko ang kaluluwang sumusunod sakin.

Sa kalaunan ay napagod na talaga ako at kahit gusto ko pang tumakbo ng malayo ay di ko na talaga kaya. Binitawan ko na ang hawak kong gamit at sumandal sa pader. Palingon lingon lang ako sa paligid, di ko sya makita pero nararamdaman kong malapit lang sya.

"Dyusko Andre! ano bang nagawa mo, tinawag mo si Daruma!" paninisi sa saril at binatukan ang sarili ko. "Kalma, kalma lang Andre, mag isip ka" sabi ko sa sarili ko, inisip ko ang nabasa at napanood kong horror films, kadalasan ay unang namamatay ang mga tauhang natataranta o nagpa panic.

Huminga ako ng malalim at inisip ko ang mga nabasa sa papel na pwedeng makatulong sakin.

("Para matapos ang laro, kaylangan mong mahuli syang sumusunod sayo at sabihin ang mga katagang "Pinapalaya na kita" habang nakaunat sa kanya ang isa mong braso at dahan dahang ibinababa ito na parang may pinutol ka.")

("Kaylangang magawa mo ito bago mag hating gabi kung hindi ay susundan ka ni Daruma sa iyong panaginip at doon ka niya papatayin sa kahindik hindik na paraan.")

Tama, kaylangan ko syang mahuling sumusunod sakin at masabi ang mga katagang 'pinapalaya na kita'. pero pano ko gagawin yon e hindi ko naman sya mahuli, sa repleksyon ko lang sya nakikita.

Nag isip pa ako, nag bi brainstorm, lahat ng alam ko tungkol sa mga espiritu. Dahil isa akong amateur writer ng horror at paranormal genre ay marami narin akong nabasang may kinalaman sa mga kaluluwang nilalang.

Mga katangian, behavior, itsura, pagtawag, pakikipag usap, paghuli....

Paghuli! Tama, yon nga! Para makita ko syang sumusunod sakin, kaylanagn ko syang mahuli, sa paano may ma kulong ko sya, kahit sa sandaling panahon lamang.

Sumulyap pa ako sa paligid, pinulot ang dala ko at muling tumakbo. Kinakabahan at natatakot parin ako ngunit hindi na ako natataranta, alam ko na ang dapat kong gawin.

Minsan ko nang nabasa ko kung paano manghuhuli ng kaluluwa at tamang tama at hawak ko na ang ilan sa mga kaylangan ko para magawa iyon.

Alas nuwebe na ng gabi, pumunta ako sa grocery at bumili ng malaki at matabang pulang kandila. habang nakapila sa counter ay nag se serach na ako sa internet.

"Pwede na siguro ito" sabi ko, di nownload ang isang larawan sa phone ko.

Isang bagay pa ang kaylangan ko, at iyon ay nasa aming bahay.

The Bath GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon