Chapter 3 - We're WHAT?

74 2 1
                                    

Shero POV

Nakakainis! Hindi pa ata ako makakapasok ngayon ah! Eh, paano? Nung binalikan ko yung pinagtumbahan ko kanina sa may hallway sa baba, wala naman dun yung ID card at report slip ko. Peste! Siguro nahulog yun sa jeep kanina, or di kaya ay dun sa way ko papuntang sakayan ng jeep. Nakakainis naman talaga! Magbabayad pa tuloy ulit ako para sa ID card ko, hihingi nalang ako ulit ng report slip sa Registrar Office mamaya after ng homeroom. Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig at nakatungko. Nakakains talaga! Bakit ba kasi ngayon pa ko-- "Uhm, I believe you're Shero, and I think these are yours?" naputol yung pag iisip ko nang biglang may naglahad nung ID Card at report slip ko sa may harapan ko. "Naku salamat po! Pasensya na po at--" naputol na naman ang sasabihin ko. Pano ba naman, si Kuyang Blue-hair pala yun. "A-ah, a-ano po, s-salamat po s-sa p-pagbalik ne't-to." utal kong sabi sa kanya. "Haha. Ano ka ba, okay lang. Dyan din naman ang room ko." sabi nya nang ngiting ngiti pa at tumuturo sa may likod ko. Lalo tuloy syang pumogi. "A-ah, m-magka k-klase p-po tayo?" utal ko ulit sabay lunok. WATDAPAK! Nahihiya na talaga ako! Nyeta! "Uy! Natulala ka na jan. Sabi ko, halika na, sabay na tayong pumasok." sabi ulit ni kuyang pogi habang medyo niyuyugyog ako. Tumango na lang ako at sabay pasok sa room. Medyo nangunot pa nga yung teacher na nasa harap, yun siguro yung class adviser. "May I ask who you two are?" mataray nyang sabi. Hmm, parang malansa si Sir. Agad ko namang inabot yung report slip at ID card ko sa kanya. "So, you are Shero Megushima, last year's first honor." sabi nya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa ulo. Putek! Kung di lang teacher to eh, sasabunutan ko yang kulot nyang buhok eh. Hehe, syempre joke lang. Good boy ata ako diba? Diba? [a.n: Oo na ikaw na mabait. -_-] Stop Author, kwento ko diba? Wag kang epal, at tandaan mo, mana lang ako sa'yo. [a.n: Buti alam mo. Pero, bat di mo namana kagandahan ko?] Ha? San banda Author? HAHAHA. [a.n: Sapak you want? Magkwento ka na nga lang. Baka birahin ko tonsils mo jan eh!] Wag ka kasing umepal. HAHAHA. So, yun nga, tiningnan ako ni Sir ng mula taas,pababa, tapos pataas ulit. Tumango na lang ako. Baka pag initan pa lalo eh. "Hmm, brief introduction about yourself please?" sabi nito. "Uhm, hello. I'm Shero Megushima, 17. Out and proud. Yun lang po, thanks." sabi ko sabay tingin kay Sir na nakataas lang ang kilay sa akin. "Okay, you may sit wherever you want for now. We still don't have our proper sitting arrangement." sabi nito. Kaya naman dali-dali akong humanap ng upuang bakante. Sakto namang walang nakaupo sa may malapit sa bintana, dun na lang ako uupo. Favorite spot ko yun sa buong classroom eh, kahit saang classroom ako ipwesto, dun at dun ako umuupo. Narinig ko namang kinausap ni Sir Di-ko-pa-alam-ang-pangalan si Kuyang Blue-hair."Oh, who are you? Do you belong here too? Don't you know, unnaturally colored ha--" naputol naman yung sasabihin ni Sir nang sinupalpal sa kanya ni kuyang blue-hair yung hawak nitong papel. Actually, di naman literal na sinupalpal. Casually lang na inabot kay Sir yung papel. Ewan ko ba sa kanila kung ano yun. "Okay, brief introduction about yourself too." sabi ni Sir nang ibinalik na sa kanya yung kung ano mang papel yun. "The name's Kohaku Nakahara, 17. And, yes. My hair isn't dyed blue. Natural na kulay nya yan." pagkasabi nya yun ay tumingin sya sakin at--WAIT FOR IT--kumindat?! EMEGESH! "KYAAAAH! Kinindatan nya ako! OMG!" sabay na sabi nung dalawang girls sa unahan ko. Ay shemay! Sila pala. -__- Assuming ko naman kasi eh no? Hala. Biglang nagka asaran naman yung girls. Nung dumaan naman sa may isle nila si kuyang Kohaku, nagtititili na naman. Akala ko dederetcho ito sa may upuan sa likuran ko, pero hindi. Bigla itong tumabi sakin sabay kalabit sa balikat ko. "Hi Shero" Naka-ngiti nyang bati sa akin. Yung dalawang girls naman ay nagpapacute sa AMIN?! Di ba nila narinig yung sinabi ko kanina na OUT AND PROUD? "Hi Shero/Hi Kohaku" sabay nilang bati. Nginitian ko na lang yung isa na katapat ko, sya kasi yung bumati sa akin. Si Kohaku naman, tinugunan yung isa na katabi nung bumati sakin. "Hello!" medyo poker face na nyang bati dun sa girl. Bipolar ata ito ah! Kanina ang sigla sigla, ngayon naman ang seryoso ng mukha. "Ah, Shero, may kasabay ka ba mamayang lunch?" tanong ulit ni-- "Ah, I'm Margarette nga pala." sabi ulit nya. Ah, Margarette pala name nya. "Ah, wala naman Margarette, oh, by the way. Nice name. It suits you" sabi ko sabay ngiti sa kanya. "KYAAAAAAAAH!! Talaga? Pwedeng sabay na lang tayo? Thank you nga pala!" sabi nya. Ano ba tong babaeng to. Ang ligalig. Napansin ko lang na nakatungo na si Kohaku dun sa lamesa nya habang yung isang babae naman naka harap na sa board. Wala naman si Sir kaya siguro okay lang na makipag usap. "Sure." sabi ko sabay ngiti ulit sa kanya. "KYAAAAAAH!! Angbait mo pala talaga Shero, totoo pala yung sinasabi ni Giovanna." sabi nya. OMG! Kilala nya si Vanny? "Teka lang ah, kakilala mo si Giovanna?" taka kong tanong sa kanya. "Ah, oo, classmate ko sya last year, at the same time ay best girl buddy na din." sabi nya. Napa O naman yung bibig ko at tumango tango. Bigla namang may sumabat sa usapan namin ni Margarette. "Sa akin ka sumabay mamaya Shero" sabi ni Kohaku. Nung pagtingin ko dito, naka ngiti na naman. Bipolar nga. "Ah, eh, s-sige. S-sama na l-lang k-kami ni Margarette sayo K-kohaku." Bat ba nauutal ako pag kausap ko tong lalaking to? "Good. Hehe" tatawa-tawa nyang sagot. "Yiiiiiiie!! Shero, I'll tell you something later." sabi ni Margarette sabay lingon sa board. Nakapagtataka naman. Ano kaya yung isasabi ni Margarette at kelangan pang mamaya pa?

[A.N: Ayuuun! Haha. Baka medyo madalang na akong mag UD ngayon, start na ng pasok bukas eh. Ahehehe. Uhm, sensya na po, 1000 words lang UD ko. Medyo inaantok na din kasi ako eh XD bye fo LabbLats <3]

#TeamSherHaku

When First Love Ends [boyxboy] (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon