Chapter 1

176 4 2
                                    

Shero POV

"Shero? Shero? Gising na anak, baka ika'y mahuli sa iyong klase. Unang araw mo pa naman ngayon sa iyong paaralan." Pag gising ni Mama Lucia sa akin, sya ang aking yaya since I was three, ang sabi ni Mommy, mama daw ang itawag ko sa kanya dahil basically ay sya na ang aking naging pangalawang ina. "Yes ma, gising na po ako. I was about to go to the bathroom para maligo." nakangiti kong tugon dito nang buksan ko ang pintuan ng aking kwarto. Ngumiti naman ito sabay pasok sa kwarto ko. "Maayos na po ang kama ko Mama Lu, ayoko po kasi kayong napapagod." sabi ko sa kanya nang nakangiti. "Hay naku, ikaw talagang bata ka, hindi mo na sa akin ipinapagawa ang mga dapat kong gawin." sabi nya. "Eh, diba po ay dapat kung ano ang kaya mong gawin ngayon ay huwag mo nang ipagpabukas pa." sabi ko, na sinabayan nya. Yun kasi ang pangaral nya sa akin, at alam din naman ito ni Mommy at pumayag naman ito na turuan ako ni Mama Lu nga mga iba't ibang gawaing bahay, para naman daw eh, kung sakaling magbubukod ako ng tirahan ay marunong akong alagaan ang sarili ko. Nagtataka na siguro kayo kung sino ako. Ako nga pala si Shero Megushima. Half-japanese ako, pero dito na ako lumaki sa Pilipinas, kaya naman medyo di pa ko marunong mag Nihongo. Konti lang ang alam ko actually. I'm 17, out and proud ako. Pero hindi mo naman talaga mahahalata or malalaman if hindi mo ako kilala. Meron akong yellow hair na maintained ang haba upang magkaroon ako ng bangs na hinahawi ko naman sa gitna at ang natitira naman ay itinatali ko patalikod. May blue-green eyes din ako. Medyo maliit din ako kumpara sa ibang mga 17 years old na kabataan, paano 5'flat lang. "Oh sya, maligo ka na muna roon, i-reready ko na lamang ang mga kailangan mo dito sa kwarto." sabi ni Mama Lu. Agad naman akong nagtungo sa banyo, katapat lang naman yun ng pintuan ng kwarto ko eh. Mga dalawang dipa lang ang layo sa pintuan ng kwarto ko. Naligo na ako ng madali at saka lumabas ng bathroom. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakalatag na sa kama ko yung mga isusuot ko. Napailing na lang ako at ngumiti. Hay, si Mama Lu talaga. Nagbihis na ako at bumaba na para kumain. "Ohayo Onii-chan!" bati sa akin ng aking little sister na si Sherina. "Good Morning, Princess." sabi ko sabay kurot sa pisngi nito. Ang cute cute talaga ng batang to. "Eh, kuya. Eat na po oh? Mama Lu is the best cook ever!" masaya nyang sabi. "Really? Is it true? Let me try." sabi ko sabay kuha ng pagkain sa lamesa at kumain. "Mmmm, Mama Lu is a great cook! You're right Princess." sabi ko sa kanya ng nakangiti. "Hay naku, kayong dalawang bata talaga kayo, binola nyo na naman ako." sabi naman ni Mama Lucia na nasa likuran lang namin. "No Mama, masarap naman talaga luto mo eh. Hehe" sabi ko ng nakangiti ng malapad. "Sige na, Shero, kumain ka na jan at baka mahuli ka pa." sabi lang nya. Kumuha naman ako ng pagkain at itinuloy ko na ang pagkain nito. "Ma, si Mommy po?" sabi ko nang mapansing wala si Mommy sa hapag. "Ah, may business meeting daw sya sa Hongkong anak. Baka daw magtagal sya ng 2 months doon kaya si Berto daw muna ang maghahatid at susundo sa iyo." sagot ni Mama Lu. "Naku, kahit wag na po, marunong naman ako mag commute eh," sagot ko lamang sa kanya. "Sige po Ma, mauna na po ako. Princess, be good with Mama Lu okay?" sabi ko sabay bilin kay Sherina. Tumango lang naman sya sabay baling ulit sa pagkain nya, halatang ninanamnam ang bawat isinusubo sa bibig nya.

~~

Nakapasok na ko sa University at hahanapin na lang ang aking room. Kasalukuyan akong tumitingin tingin sa mga pintuan nang may bigla akong nabunggo. "Ow! Sorry po kuya." sabi ko ng nakayuko habang pinupulot yung mga gamit nung nabangga ko. "It's okay, di mo naman kasalanan." sabi nung kuyang nabangga ko. Weird. Bat blue yung hair nya? Pero bumagay sa kanya ha. At ocean blue ang eyes nya. Ang cute. Sabi ng isip ko. Hala! Naglumandi na naman sya! Jusko! Makaalis na nga dito. "A-ah! S-sige po m-mauna na ako." sabi sabay lakad palayo sa kanya. "Teka lang! Hoy bata! Yung--" hindi ko na lang sya pinansin at tuloy tuloy na ko sa pag lakad-takbo. Mga ilang minuto din ng paghahanap ay nakita ko din ang room 424. Yun kasi yung room ko. Kinapa ko naman sa bulsa ko yung ID card ko para maipakita sa teacher sa loob kasama nung report slip ko na nagsasabing dito ang homeroom ko. Pero... Teka... NASAAN YUNG ID CARD KO PATI YUNG REPORT SLIP?

[A.N: Dear Readers, (if there are any) yung mga pangyayari po dito sa mga following first chapters ay taken from the past (so basically, it's kind of a flashback thingy) to help you sort out what happened to Shero and this mystery guy who will be revealed in the next chapter. Actually, I already gave a little description about him. And also, if there are any works na may name na "Shero" as a lead Character, please let me know right away para po ma-edit ko agad. Yun lang po and thank you :*]

P.S: Short update. Sorry. Wala kasi ako sa PC kaya di ko tantya yung haba nya ^__^

When First Love Ends [boyxboy] (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon