Chapter 4 - New Friends

121 3 0
                                    

Kohaku POV

Kasalukuyan akong nasa cafeteria kasama sila Shero at Margarette at kumakain. Nagbubulungan pa nga ang dalawa eh. Nakapagtataka.Parang matagal na silang magkakilala. Pero base sa usapan nila kanina sa room, parang hindi naman. "Ah, Shero, samahan mo naman ako sa may salad bat. Gusto ko kasing bumili nung Fruit Salad nila." sabi ni Margarette. "Ah eh, oo sige. Wait lang," pagpayag naman ni Shero. Napakunot ang noo ko dun ah. Siguro napaka friendly lang talaga nya sa ibang tao. Kasi napansin ko din kanina sa room na bawat may bumabati sa kanya nginingitian nya at bumabati sya pabalik. Para tuloy syang madaling magtiwala sa ibang tao. Aba... Teka lang... Bat ko nga ba iniisip itong mga ganito? Hmm, siguro kasi, kahit papaano ay magkaibigan na kami? Ewan ko. Ayoko naman i-approach si Shero eh. Baka naman isipin nyang desperado akong magkaroon ng kaibigan. Ayoko naman ng ganun. Nang nakabalik na sila ay nagulat sila sa table namin, bumili na kasi ako ng lunch para sa kanilang dalawa. "Woah! Ikaw ba bumili ng mga to? Teka ha?" sabi ni Margarette sabay kuha ng pera sa kanyang wallet. "Naku, oo nga. Sandali lang ha? Nag abala ka pa" sabi naman ni Shero sabay bunot ng wallet nito. "Eto oh!" sabay nilang sabi habang inaabot ang tig-200 nilang dalawa. "Naku! Ano ba kayo, wag nyo na kong bayaran. It's my treat naman eh. And magkakaibigan na din naman tayo diba?" sabi ko sa kanila. "Ay, no! Kunin mo to," sabi ni Margarette "dahil ginastusan mo kami" pagdugtong nito habang kinukuha ang kamay ko at inilagay dito yung kabayaran dapat nya. "Oo nga. Eto rin ang bayad ko oh." sabat naman ni Shero at ipinapatong ang bayad nya sa bayad ni Margarette. Napanganga naman ako. "Ah, eh. No! No! I insist. Sa inyo na itong pera nyo. Treat ko na nga diba?" sabi ko sabay balik ng mga pera nila. I was trying to prove a point. At mukha namang medyo nai-pilit ko na sa kanila yung point ko. "Hmm, sige. Pero this is the last ha? Kohaku?" sabi ni Shero. "Eh? I can't promise that. Pero, try ko. Hehe" sabi ko sabay kamot sa batok. Ganun kasi talaga ako, lalo na sa mga new friends ko. Wala naman kasi akong madaming kaibigan talaga. Tatlo nga lang sila eh. Pero ngayon, lima na kasi friends ko na sila Shero at Margarette. "Ah, ano pala. Tawagin nyo na lang akong Marge, kasi masyadong mahaba yung Margarette eh. Pati, katunog kasi ng Margarine. Haha." pagsabat ni Marga--Marge habang kumakain kami. "Sure, Marge!" sabi ni Shero. "Eh, kayo? Anong pede kong itawag sa inyo na unique?" sabi naman nya. "Shi nalang," sabi ni Shero. Shi. Parang familiar yung tunog nun ah? "Ah. Oh sige. Shi. Eh ikaw? Anong pwede naming itawag sayo Kohaku?" sabay baling nya saken. Hmm, ano nga ba? Yung tawag nalang saken ni Mommy nung bata ako. "Ah, Koko na lang. Para alam kong kayo yung tumatawag saken. Hehe" sabi ko habang kumakamot sa batok ko. Nakita ko naman na parang napatigil ng pagkain si Sher--Shishi. "Wow naman. Talagang unique na unique ah," sabi ni Marge. "Oh? Shi, bat di ka na kumakain jan?" tanong nito, marahil ay napansin din nya ang pagtigil ng kain nito. "A-ah, e-eh, w-wala wala. K-kumaen na lang tayo. B-baka m-mag bell na. Hehe" sabi nya habang naka-ngiti ng pilit.

~~

*KRIIIIIIING*
Hay salamat! Uwian na rin. Hmm, ano kayang pwedeng gawin bago umuwi? Ah! Mag-arcade nalang muna ako.

~~

*Sa Arcade House*

"Uy, pre! Ang galing nung babae kaninang kumanta sa KTV noh? Nakaka inlove yung boses" rinig kong sabi nung palabas na tao, ka-akbay nya yung kausap nya. "Oo nga pre, kaso flat eh." sabi naman nung kausap nya. Aish. Bat ko ba pinapakinggan yun. Pumunta na ako sa counter at binigay ko na yung Elite Card ko. "Ate, 5,000 credits po." sabi ko din sa cashier. "Right away, sir" sabi nito nang nakatingin ng malagkit sakin. Ew. Ang tanda na kaya nya. May tinype syang ilang bagay dun sa machine, medyo nanlaki pa yung mata nya, marahil dun sa laman nung Elite Card ko sa Arcade House na yun. Eh paano, 200,000 credits kaya ang naka-save dun. "Here's your card, sir" sabi nya sabay abot nung card ko. Kinuha ko naman yun at naghanap ng pwedeng laruin sa Arcade House nila. Uy! May bago. "Project X-32: Zombie Killer" pagbasa ko dito. Hmm, mukhang masaya ah. Firing game kasi sya, tapos may 3D glasses. Ayos! Pumasok na ko dun sa may booth at swerte namang walang nasa loob. Oo nga pala. For Elite Card Holders Only. Pag Elite Card Holder kasi, ikae yung parang Tester nila na magde-deliberate nung new machines, kaya 1month na naka-reserve yung mga bagong machines para sa mga Elite Holders. Siguro mga 30minutes akong naglaro dun bago ako na-bore. Ang cool naman kasi talaga nung game.

Pag labas ko, nagulat ako. May parang familiar na mukha sa may loob nung KTV room sa kabilang dulo ng kinatatayuan ko. "Eurika," bulong ko.

~~~
[A.N: New character in the house! Sino kaya si Eurika? Di ko rin alam kung sino sya eh. Hahaha. May sariling isip kasi ang mga characters ko. Sorry naman XD

P.S: Hope you enjoyed my update sorry, short pa din XD ^_^

P.P.S: This Chapter is dedicated to MarkAllenMorillo for being the first one to add this up on his Reading List. Thanks a lot <3]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When First Love Ends [boyxboy] (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon