Chapter 2

104 2 1
                                    

Kohaku POV

"HOY! KOHAKU! Ikaw na bata ka! Anong oras na oh? Papasok ka ba? Unang araw ng pasukan nagtatamad-tamaran ka jan! Tumayo ka na!" bulyaw ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Kaya naman napabalikwas na ko ng tayo at nagtungo sa pinto, in-unlock ko na ito sabay derecho sa banyo ko na nandito sa kwarto. Wala na din bumbulyaw sa labas ng pinto ko. Siguro bumaba na si mommy. Agad kong tinignan ang aking repleksyon sa salamin. Blue hair, ocean blue eyes, medyo pale na kutis. Para akong isang freak. Paano ba naman eh, natural hair color ko na itong blue hair ko. Kaya tuloy kadalasan, kapag unang araw ng pagpasok eh, pinagagalitan ako ng mga guro. Akala nila ay nagpapakulay ako ng buhok. Kaya lagi na lang akong may dalang certificate na totoo yung kulay ng buhok ko. Ang hassle kaya. Naligo na ako at nagbihis. Maya-maya pa, bumaba na ako at kumain. Nagpaalam na din ako kay Mommy upang pumunta na ng school. "Maaga pa ah! Bakit pupunta ka na ng school?" sabi nya. Napakunot naman ako ng noo. "Eh diba sabi nyo tanghali na?" sabi ko sa kanya. "HAHAHA. Ikaw talaga anak, tingnan mo yung orasan." sabi nya. Tinignan ko naman yung orasan malapit sa akin. PUNYEMAS-- "6AM PA LANG?" ang lakas talaga ng trip netong nanay ko oh! "Dibale na nga, pipinta na lang akong school, nang mahanap ko din agad yung room ko." sabi ko dito ng naka-blank face. "Haha. Sige anak, anjan sa ibabaw ng ref yung baon mo. Dinagdagan na rin yn ng Daddy mo kanina bago sya umalis." sabi naman ng mommy ko. Kaya inabot ko na lang yung ibabaw ng ref. Pagtingin ko sa wallet ko, 15,500 ayos! Pumasok na ko sa kotse ko at pinaharurot papuntang school. Ako nga pala si Kohaku Nakahara. 17 years old. Isa ang pamilya namin sa mga kung tawagin ay Elite Families. Isa kami sa mga pinaka mayamang angkan sa buong Asia. Kaya naman low profile lang akong mamuhay. HIndi ako masyadong nagpopoporma ng magara. Mamaya malaman pa ilang Nakahara ako, may kumidnap sakin, edi nahirapan pa ko, diba? Nang nakarating na ako sa school, agad akong bumaba at hinanap ang room ko. Hindi naman nagtagal ay nahanap ko na ito, room 424. Nang ma-realize kong wala sa bulsa ko yun  wallet at cellphone ko, hinanap ko kaagad ito sa bag ko. Pero wala! Ah, baka nasa kotse. Kaya naman agad akong bumaba pabalik sa kotse ko. Habang naglalakad ako ay may nabangga ako. "Ow! Sorry po kuya." sabi nya habang pinupulot yung mga nahulog kong gamit, yellow hair? So, hindi lang pala ako ang ganto ang color ng hair. Mukhang natural yung kulay ng buhok nya eh. Bigla syang tumingin pataas. Blue-green yung mata nya, pero parang hindi naman naka contact lens. Hmm, ang cute. Medyo mahaba nga lang yung buhok nya. Napansin ko din na medyo maliit sya. Siguro first year toh. Nawala sya bigla. Nakita ko naman yung ID card at report slip sa baba. Shero Megushima, Half-japanese, Male, 17. So, 17 na din sya. Ibig sabihin, 5th year din sya. Tinignan ko naman yung report slip. Homeroom: 424. Ayos toh! Mukhang may makaka-close na kong iba na katulad ko ah. Nung paglingon ko, andun sya, ambilis naman maglakad nun. "Teka lang! Hoy bata! Yung--" naputol yung pagsigaw ko nung bigla syang lumingon sa may stairs. Hay, pano sya papapasukin nung teacher nyan? Di bale na nga! Ibibigay ko nalang sa labas ng room mamaya. Dali dali naman akong pumunta sa kotse ko at kinuha ang phone at wallet ko. Okay, aaminin ko, medyo spoiled brat ako, gawa nga ng nag-iisang anak ako. Pero, my mom came to it na kelangan marunong din ako sa mga basics ng buhay. House chores, kumbaga. Kaya marunong din naman akong magluto kahit paano. At hindi ko ipapa-alam yun kahit kanino. Kumbaga, eto yung secret talent ko na tanging yung mamahalin ko lang yung makaka-alam. Actually, kahit si Mommy at Daddy, hindi alam na magaling na talaga akong magluto. Ang alam lang kasi nila ay kaya ko lang magprito at magsaing. So ngayon, paakyat na ulit ako sa taas. At pagliko ko naman ng hall andun yung cute na lalaki na napagkamalan kong bata kanina. "Uhm, I believe you're Shero, and I think these are yours?" sabi ko ng nakangiti ng malapad. Nakita ko naman syang tumingin sa akin at namula ng bahagya. Ang cute nya pala. Sabi ng isip ko. Teka, cute? Shit! Hindi ako bakla! "A-ah, o-oo, sa akin n-nga i-ito. S-salamat." sabi nya ng nakangiti, namumula pa din sya.

[A..N: Short Update ulit. Sorry po. Kinukuha na kasi yung PC eh, nagmamaktol na yung kapatid ko. Ciao.]

When First Love Ends [boyxboy] (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon