"Meanne!" mula sa likod ay naramdaman kong may kumalabit sa akin kasunod ng pag-upo niya sa tabi ko. "Busy ah."
"Clein naman!" sabay hampas ko sa kanya na tinawanan lang niya. "Finals kase." sabi ko sabay sulyap ulit sa kanya.
He smiled at me. The sweet smile that makes my heart beats fast. He opened his bottled water and drinks it. Damn! The way his adams apple moved as he drinks the water is one of a hell!
"What?" he said while looking at me. Tapos na pala siyang uminom at nakita niya ang paninitig ko dito. "Want some?" dagdag niya sabay pakita sa nainuman niyang bottled water. Napalunok ako at wala sa sariling tumango.
Binuksan niya ulit iyon at iniabot sa akin. Kinuha ko iyon. Tinitigan ko ng saglit ang bote at pagkatapos ay uminom. Pinunasan ko ang aking bibig at ibinalik sa kanya ang bote.
Sa totoo lang ay normal na para sa akin ito. Madalas kaming ganito. Sometimes, he's giving me some chocolates na dala ng mama niya galing abroad.
"Salamat." sabi ko at ngumiti.
"Anong subject ba yan? Baka makatulong ako." sabi niya sabay tingin sa librong binabasa ko. "English?" tanong niya.
Bumaling ulit ako sa librong hawak ko at tumango.
"Asan na. Tulungan na kita." sabi niya sabay kuha sa librong hawak ko.
"Teka, diba exam niyo din ngayon?" usal ko.
"Nakapag-review na. Kagabi pa." sabi niya. Why is this guy taking all the good side that a man can have?! The looks, he has. The brain also he has. I didn't find a man that is already exactly like him. The one that I know is, when a guy has the looks, maybe he's a bad boy and a trouble maker. Am I right?
Naging ganoon ang set-up namin, magtatanong siya about sa isang topic at sasagutin ko naman iyon. When it comes in terms, he'll just say the word and I'll give its meaning.
He's one of the Dean's Lister kaya naman isa ako sa humahanga sa kanya. Dahil bukod sa kanyang itsura, ay may ibubuga din siya sa katalinuhan.
Ng tumunog ang bell ay sabay na kaming tumayo at nagpaalam sa isa't isa. He's a year older than me. Grade 11 ako samantalang Grade 12 naman siya.
My mom is a friend of his mom. That's the explanation why we're into each other. Since we're kids, magkasama na kami.
"Please bring out a piece of paper and a pen." sabi ni Mr. Gazpar, isa sa mga itinuturing na terror teacher, habang idini-distribute ang mga test papers. "Ms. Dela Vega, can you please repeat what I've just said?" sabi niya ng makitang dalawa ang papel ng nasa tabi ko. I'm seated at the front, 4rth row.
"B-Bring out a-a piece o-of paper and a p-pen, s-sir." utal na sabi ng katabi ko.
"Then why do you have an extra sheet?" taning nito sakanya.
"S-Sorry sir." napayuko nalang ang katabi ko at ibinalik sa bag ang isang piraso ng papel.
Ng matapos niyang i-distribute ang mga test papers ay tumayo siya sa harapan.
"Any forms of erasures will consider as wrong. Clear?" matigas na ingles na sabi niya.
"Yes, sir!" sabay sabay naman kaming nagsalita.
Everytime na may quiz or exam kami sa kanya ay ganyan palagi ang rules niya.
"Grabe talaga si sir! Ang dami kong bura!" dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko ng matapos ang exam at umalis na ito.
"Oo nga! Tapos, identification pa lahat! Walang choices!" saad pa ng isa.
Pagkatapos ng exam ay kinuha ko na agad ang libro ko sa bag para magbasa-basa. Nakapagreview na ako kagabi kaya konting basa nalang ang kailangan ko.
"Kumusta?" tanong ni Clein ng makita akong naglalakad papalabas ng campus. "Oh, heto." sabi niya sabay bigay ng isang bottled water.
Tinanggap ko iyon at ininom bago siya hinarap.
"Ayos naman. Nasagutan ko naman lahat." nakangiti kong sabi sa kanya at nag okay sign pa. "Ikaw ba? Kumusta yung exam?"
"Ako pa ba?" tanong niya habang tinataas-taas ang dalawang kilay at sabay pingot sa ilong ko.
Oo nga naman. Bakit pa ako nagtanong? Dean's Lister yan eh!
"Aray ko naman!" sabay tampal ko sa kamay niya.
Tinawanan niya lang ako habang ako ay nakabusangot na.
YOU ARE READING
My Bestfriend Owned My Heart
RandomHe was my bestfriend. The one who makes my heart beats fast.