Chapter 1

44 13 1
                                    

Rhaina's Pov

"Nene!" rinig kong tawag sa akin mula sa labas na may kasamang katok sa pinto.

Napatayo na lang ako sa pagkakaupo at lumapit sa pintuan.

"Ano po 'yon Aling Belen?" tanong ko dito habang papalabas ako sa bahay na inuupahan ko.

Isa si Aling Belen sa mga nangungupahan dito sa apartment na tinitirhan ko kasama ang anak niyang si Aldous. Sila ang una ko'ng nakilala ng lumipat ako dito kaya halos nanay na rin ang turing ko sa kanya.

"Naghahanap kasi ng bagong sekretarya 'yung kompanya na pinagt-trabahuhan ko, ba'ka gustong mo'ng mag-apply." saad nito sa akin at napangiti naman ako ng pagkalaki-laki.

Sa wakas! May trabaho rin!

"Maraming salamat po, maasahan po talaga kayo." sabi ko dito. "Kailan po pwedeng pumunta?" patuloy kong tanong. "Pwede ka ng pumunta bukas, sasamahan na lang kita."

Masaya akong gumising kaninang umaga at ngayon ay hinihintay ko na lang na matapos ang klase ko bago ako pumunta sa kompanya na sinasabi ni Aling Belen.

"Ms. Calvier! Are you with us?" natuliro ako ng marinig ko ang sigaw ng prof. namin sa harap.

Wahhhh! Ganon na lang ba ang pag-iisip ko para sa interview mamaya?

"Y-yes Sir." sagot ko dito bago umayos ng upo.

Halos naka tingin sa akin lahat ng kaklase ko pag lingon ko sa kanila. Ganda ko talaga hihi.

Isa sa mga iniingatan ko ay ang aking pag-aaral. Mahal ang tuition fee kaya kailangan ko'ng sulitin 'yung binabayad ko dito hehe.

Graduating student kasi ako kaya konting tiis na lang talaga! Konting tiis na lang, mabibili ko na lahat ng gusto ko, makakapag trabaho rin ako ng maayos.

Bago pa man ako pumunta sa kompanya na sinasabi ni Aling Belen ay nag bihis na muna ako at nag-ayos ng kaunti bago dumiretso dito.

Wow! Just wow! Ang laki ng building na ito!

AF Company. T-teka! AF? Meaning, As Fuck? Humayghad! Erase erase!

"Good morning po." bati ko sa guard. "Maga-apply po sa na ako as secretary."

"Sige po, sa 58th floor po ang CEO's office." sagot sa akin nito bago ako pumasok sa loob.

58th floor!? Juiceko naman! Ano ba'ng trip nila at nagpagawa-gawa pa sila ng ganitong ka taas na building-

"Fuck! Watch your step miss tsk." sabi sa akin ng lalaki na naka-tungo ngayon at pina-pagpag ang polo niyang natapunan ng hawak niyang kape.

Naka-tupi ang polo niya ng three-fourth at bukas ang unang butones nito.

Pero teka! Ako ba 'yong sinasabihan niya-- Syempre! Ako lang naman yung nasa harap niya eh tsk.

"Hoy mister! Ikaw 'yung bumangga sa akin tapos ako 'yung sisisihin mo?" sigaw na tanong ko sa kanya. "Really huh?" saad nito bago iniangat ang ulo para makipag sukatan ng tingin sa akin.

Humayghad! Pogi bes- mali! Galit pala ako sa kanya. Pero kung ganyan naman siya ka gwapo uhmmm madadaan naman ako sa sorry hihi.

"O-oo! K-kahit itanong mo pa sa k-kanila!" sabi ko bago itinuro ang mga empleyado na naka tingin sa amin.

Ganon na lang ang pagkagulat ko ng mag si iwas ng tingin ang mga ito at ang iba ay kumaripas ng takbo ng tignan sila ng lalaki sa harap ko.

Luh? A-anong problema 'nun? S-saan sila pupunta?

"You're new. What are you doing here?" tanong nito sa akin na may ngisi na sa labi na nakapag pataas ng mga balahibo ko sa katawan.

"W-wala kang pake! Balakadyan. A-alis na ako." saad ko dito at mabilis na tumakbo papuntang elevator ng building.

Hayst! Sino kaya 'yon? Tsk kung sino man iyon bwiset siya! Kakainis!

"Ms. Calvier?" tawag ng babae na nakasilip sa labas ng pinto ng CEO.

Sa wakas! Natawag rin, halos maduling na ako kakatitig sa semento sa sobrang daming nag a-apply eh.

"Ako po!" sabi ko dito bago lumapit sa kanya. "It's your turn." aniya bago ako iginiya papasok sa loob.

Napaka manly naman ng kwartong ito. Pagkapasok ko pa lang ay naamoy ko na agad ang pamilyar na pabango. Nakita ko rin ang pamilyar na bulto ng lalaki na naka talikod at may kausap sa telepono.

Pag-kaharap nito ay siyang paninigas ko sa kina uupuan ko. Kita ko pa ang mantsa sa puti niyang polo, para akong binuhusan ng malamig na tubig kasabay ng panginginig ng kamay ko.

Wahhhhh! Sabi ko na eh! Dapat talaga nanay ko ang nagt-trabaho at nag papaaral sa akin! Hindi na ako uulit! Ayaw ko na! Hindi pa ako natatanggap, alam ko ng tanggal ako agad.

"Oh! Pffft! Hello, Ms. Ikaw-yung-bumangga-sa akin-tapos-ako-yung-sisisihin-mo. What a small world. Can we start now?" tanong nito habang mayroong maka hulugang ngiti sa kanyang labi.

Hindi ako sumagot at muli lang akong tumitig sa sahig. Kung may pakiramdam lang 'tong sahig na 'to, na in-love na siguro 'to sa 'kin.

Napa dako ang tingin ko dito bago siya umupo sa swivel chair at buksan ang resume ko.

"So you are Ms. Rhaina Calvier?"

Ay hindi! Ako talaga si Ms. Ikaw-yung-bumangga-sa akin-tapos-ako-yung-sisisihin-mo!    Hindi niya ba nababasa doon? Buseeeet.

"Yes sir." sagot ko dito bago umayos ng upo. "Do you have any experience-

"No! Wala po sir! Virgin pa ako!" agarang tutol ko dito at napa diretso ng upo bago siya tinignan.

Ang sama naman dito! Kailangan pa ba'ng alamin yung mga ganong klaseng bagay!?

"The heck. What I mean is, do you have any experience working on companies like this?" aniya at binigyan na naman ako ng signature smirk niya.

Nag-iinit naman 'yung mukha ko ng ma realize kung anong sinabi ko sa kanya. Ayaw kasing ayusin eh!

"Eh kasi naman! Nababasa mo naman dyan eh nagtatanong ka pa!" singhal ko sa kanya bago tumungo at sinara ang bibig dahil sa mga kahihiyang ginawa ko.

Humayghad! Ayaw ko na talaga! Uuwi na ako! Help!

"Pffft! You can start tomorrow. It is nice meeting you Ms. Calvier, by the way, I am Ashton. Ashton Gray Flanagan." saad nito bago itinaas ang dalawang paa sa table.

Tatayo na sana ako ng mag sink-in sa utak ko 'yung sinabi niya.

"TANGGAP AKO!?"

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon