Rhaina's Pov
Nilinaw ko na sa boss ko'ng pogi yung schedule ko bago ako umalis sa kompanya.
Alangan naman kasi na hindi na ako mag-aaral para lang makapasok sa trabaho, kaya nga ako nagt-trabaho para maka pag-aral eh. Hayst.
Pagkatapos ng klase ko tuwing umaga ay sa kompanya naman ang diretso ko. Tuwing weekend's naman ay whole day ako dito.
Hindi na nga ata uso 'yung salitang pahinga sa akin eh.
"Good morning hija!" bati sa akin ni Aling Belen pagka labas ko ng bahay. "Good morning po." tugon ko dito bago ngumiti.
Nagtanong pa ito tungkol sa paga-apply ko sa kompanya na pina pasukan niya. Sinabi ko naman na tanggap ako at pwede na akong mag simula mamaya.
"Rhaina!" rinig ko'ng tawag sa akin ng pamilyar na boses. Lumingon ako dito at nakita ko ang isang lalaki na palapit sa akin, pawisan ito habang hawak pa ang bola ng basketball.
"Aldous." tawag ko sa pangalan nito at ngumiti.
"Kumusta si mama?" tanong nito sa akin bago ako niyaya para pumunta sa canteen."Okay naman, miss na miss ka na niya." sagot ko bago kami umupo sa bakanteng upuan.
Malalim na buntong hininga lang ang isinukli niya sa akin.
"Gusto ko ng umuwi!" sigaw niya dahilan para pag tinginan kami ng tao.
Hahampasin ko na sana siya dahil sa lakas ng boses nito, kaso ang cute niya. I can't blame him, kahit naman siguro ako ganon din ang gagawin.
Isa kasi si Aldous sa mga scholar ng school, parehas kami. Nang magka sakit kasi ang nanay niyang si Aling Belen ay siya ang nag-alaga. Halos hindi na siya maka pasok kaya bumaba ang marka niya.
Kaya ngayon, halos salihan na niya lahat ng sports club at ibang school activities para lang hindi mawala ang scholarship niya.
Dito na rin siya sa dorm ng school pansamantalang tumira para sa training nila ng basketball.
Nagpaalam na ako dito dahil mayroon pa akong susunod na klase. Bago pa man ako makaalis ay marami na itong ibinilin para kay Aling Belen, daig pa nito ang magulang sa sobrang dami ng paalala.
Dumating ako sa klase, sampung minuto bago mag alas nueve. Umupo nalang ako sa bakanteng upuan para hintayin ang guro at pakinggan ang ingay ng mga kaklase ko.
May nag-uusap tungkol sa graduation, ang iba naman ay gumagawa ng assignment at naghahanap ng makokopyahan. Natigil ang pagmamasid ko sa paligid ng lumapit sa akin si Jasmine, isa sa mga tahimik na kaklase ko sa subject na ito.
"H-hi Rhaina," Utal na bati nito sa akin at nag aalinlangan kung titingin ba ng diretso sa mata ko o hindi. Ngumiti lang ako dito at hinitay ang susunod nitong sasabihin.
"T-tungkol 'don sa thesis natin k-kay Sir Mendoza. Nasabi niya sa akin kahapon na t-tayong dalawa ang m-magkasama doon sa gagawin na dissertation." saad nito bago nagbigay ng pilit na ngiti sa akin. "Tayong dalawa lang?" takhang tanong ko dito.
Parang ang hirap naman kung kaming dalawa lang ang tatapos ng thesis na 'yon. Baka hindi pa namin mapasa 'yon sa due date.
"A-ah hindi! K-kasama sina Liam, M-matt tsaka si Pia." sagot nito sa akin. "Talaga? Mas okay 'yon! Mas madali nating matatapos yung dissertation." natutuwang saad ko dito. " O-oo nga! S-sige pag-usapan nalang n-natin mamaya 'yong gagawin." sabi nito bago mabilis na bumalik sa upuan niya. Sakto naman ang pagdating ng professor namin sa science.
May katandaan na din ito at kita na ang kanyang wrinkles sa ibat ibang parte ng mukha. Palaging naka kunot ang noo at nanlilisik ang mata.
Halos walang kahit anong marinig sa loob ng classroom namin maliban sa tunog ng sapatos na nagmumula kay Ma'am Ducan. Suot na naman nito ang nakakatakot at walang emosyon niyang mukha na lalong nagpa singhap sa mga kaklase ko ng tapunan sila nito ng tingin.
"Good morning." bati nito sa amin habang tuwid na nakatayo sa harap at pinapalibutan kami ng tingin. Sabay sabay naman kaming tumayo at bumati pabalik sa kanya.
Humarap ito sa dala niyang bag at kinuha ang isang bagay na dahilan upang magdasal ang mga kaklase ko. Ang iba ay hindi alam kung saan babaling ng tingin, pinagpapawisan naman ang ilan at hindi magkanda ugaga na hanapin ang kanilang notebook sa bag.
Sinimulan na niyang balasahin...ang mahiwagang index card.
"Vincent Cruz," tawag nito sa pangalan. Tumayo ang lalaking may katangkaran na nag sign of the cross bago humarap kay Ma'am. "What is Darwin's theory of the origin of species?" walang ganang tanong nito bago matiim na tinignan ang binata.
"Darwin? Yung kumanta ng dessert?"
"Akala ko extra lang yun sa mga music video, gumagawa na din pala siya ng theory."
Nakahinga ng maluwag at parang nabunutan ng tinik si Vincent ng mabaling sa iba an atensyon ni Ma'am.
"Good morning Ma'am, sorry I'm late." taas noong saad ng isa sa mga kaklase namin sa asignaturang ito. Bukas pa ang unang butones ng kanyang polo at naka sabit ang isang converse bag sa kanang balikat. Hindi man lang ito natakot sa naka kunot noong mukha ng guro sa harapan. Napataas ang kilay ni Ma'am Ducan dahil sa inasal nito.
"Next time, kapag nahuli ka pa sa klase ko, huwag ka ng pumasok," ma awtoridad na saad ni Ma'am bago bumaling 'uli sa estudyante na hindi man lang naka hanap ng sagot sa nakalipas na segundo. "Let's proceed to your answer, Mr. Cruz."
"Y-yes Ma'am, uhm I d-dont know the answer." walang paligoy ligoy pa na saad nito bago punasan ang namumuong pawis sa kanyang noo. "What a good answer to my question, Mister." iritang anas nito. " Tomorrow, give me a-thousand-word-handwritten dictionary, sit down." saad nito at muling sinipat ang hawak na index card.
Kalmado pero iba ang dating ni Ma'am Ducan. Hindi mo alam kung ano ang balak niyang gawin at ipagawa sa iyo, magugulat ka na lang dahil sa hirap ng mga pinagagawa niya na halos hindi na kayang tapusin ng isang normal na enstudyante. Ang pinagawa niya 'ata kay Vincent ay ang pinaka madaling parusa na pwede niyang ipataw sa amin.
"Ms. Rhaina Calvier," tawag nito sa akin na nagpatutop sa bibig ko at nagpatayo sa akin sa upuan. Mukhang ako na 'ata ang susunod na tatanggap ng parusa. Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang masagot ko ang ibabato na tanong ni Ma'am sa akin. Marami akong gawain at hindi ko na makakaya kung dadagdag pa ang parusa na ibibigay ni Ma'am.
"Did dinosaurs and humans ever exist at the same time?" tanong ni Ma'am sa akin.
Joke ba 'to? Aba! Mukha ba akong ipinanganak noong nakaraang kopong-kopong para malaman ang mga ganyang klaseng bagay? Ano naman ang mapapala ko kung mag research ako tungkol sa dinosaurs na 'yon? Matutulungan ba ako 'non sa pang araw-araw na buhay, katulad ng pagpapalit ko ng napkin kapag may dalaw? Anong koneksyon ng dinosaurs sa buwanang dalaw ko at kailangan ko 'yong malaman?!
Sa dami ng reklamo ko sa isip ay wala man lang akong kahit anong salita na namutawi sa aking bibig.
"Uhm-
"No. Dinosaurs went extinct at the end of the Cretaceous period, 65 million years ago. Modern humans did not appear until around 200,000 years ago." baritonong boses na nagmumula sa lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan. Napunta lahat ang tingin at atensyon namin sa kanya pero nasa akin lang ang mga titig nito bago ngumisi
W-what the fuck?! A-anong ginagawa niya dito?