Dear UtakKo,
It's February 13, 2018 and its 10:05 pm right now.
Okay ka pa ba? Nga pala si Puso ito.
Ang layo natin sa isa't isa, alam mo yun?
Nga pala UtakKo napapagod na siya. Kasi nga daw sobrang sakit na. Hindi na niya kasi maintindahan lahat.
----------------------------------------------------------------
Puso, Utak? Tapos naba talaga ako? Kasi bakit feeling ko hindi pa?
Ang daming tanong, alam mo yun. Pero ang masaklap lang walang pwedeng sumagot lahat nun. Sana ganun lang yun kadali eh no? yung kakalimutan mo yung taong minahal mo nang lubos, yung parang kaya mo na sana talagang ibigay lahat sa kanya.
Ang unfair nang buhay ko. Hindi yata kami close ni destiny kasi parang ayaw niyang ibigay sa akin yung taong mamahalin talaga ako at hindi iiwan. Baka din siguro wala talagang nakalaan para sa akin.
Paano yun?
Paano ko malalaman na wala palang para sa akin? Paasahin ba talaga ako nang napakatagal na panahon?
Pero nga diba hopeless romantic nga ako.. Naniniwala naman ako sa love, sa soulmate, sa destiny... pero bakit parang ayaw nila sa akin.
Hindi ako mapili, alam mo yun. Basta't bang alam ko lang talaga na mahal niya ako.
Yes, every girl has an ideal man. I also had one but not every time that you will be given a chance to have it also, kasi iba parin talaga yung feeling na kontento kana sa kanya at masaya ka na kahit anung mali sa kanya tanggap mo parin. Kasi nga diba mahal mo.
Tanggap ko naman siya ah, pero bakit okay lang sa kanya na wala naku. Yun ba talaga yun? Para akong sinampal nang katotohanan na talaga namang wala talaga siyang pagmamahal sa akin. Bakit ang dali sa kanyang ibaliwala ang mga panahon nang pagsasama naming.
Ang tagal na, pero bakit ang sakit parin?
Ang sakit, sakit sa puso ko at sa isip ko. Alam mo bang hindi ko alam kung paano mag move-on? Hindi ko alam kung paano. Wala akong maisip na paraan. Para akong sanggol na bagong pinanganak at kailangan pang turuan at alalayan sa lahat nang hakbang sa buhay ko.
Ayoko nang ganun. Parang pinatay mo ko sa ginawa mo. Buhay nga ako ngayun pero parang wala nang buhay talaga at gumigising nalang para sa ibang tao hindi para sa sarili ko. Tumatawa sa labas pero umiiyak naman sa loob.
Ayokong maging hadlang sa mga taong nasa paligid ko kaya kailangan kung maging okay para sa kanila. Yun na nga, maging okay lang. Yes, okay ako, ngunit hindi naku buo gaya nang dati. Nakalimutang ko kung paano maging masaya nang lubos.
Nakakulong ako ngayon sa isang selda nang nakaraan. May susi, oo meron pero hindi ko alam kung saan na o kung meron ba talaga nun. Kasi parang ang selda na ito ang nagbibigay nang kapayapaan nang puso ko na hindi na muling masaktan pa. Parang ayoko nang magpahanap pa, okay naku dito kahit ganito lang.
Oo, malungkot nga paminsan minsan, pero parang ito yung nakatadhan kahit na ayaw ko. Kasi wala akong magawa eh. Hindi ko alam kung paano itigil yung sakit na ito.
PusoKo