Kabanata 18

1.2K 66 10
                                    

KABANATA 18

"...Ryu Sana—"

"Bullshit!" Biglang asik ng isang pamilyar na boses mula sa direksyon ng mga panauhin.

Parang alon na nagsilingunan ang lahat para hanapin ang nangahas.

"Who said that?" Tanong ni Master Daiki.

Pawang nagbulungan at nagtinginan lamang ang mga tao, hindi matukoy kung saan nanggaling iyon.

Unti-unting namuo ang kaba sa dibdib ko habang mabilis na kinalap mula sa dagat ng mga mukha ng mga panauhin ang mga natatanging pares ng matang kilang-kilala ko. Sinisigurong hindi ang taong iyon ang nakita kanina. Sinisigurong hindi nga siya iyong sumigaw.

Hindi ba't kasama nga niya iyong girlfriend niya kanina? Nagmamadali pa nga sila sa kanilang pupuntahan, hindi ba? Kaya imposibleng—

Tahimik akong napasinghap nang mahagip ng aking paningin ang berdeng pares ng mga matang bahagyang nakatago sa may bandang likuran ng gym, kasalukuyang nakatitig sa harapan at nagliliyab sa inis. Sa tabi niya ay ang parehong babaeng kasama kanina na pilit siyang inaalis doon pero hindi magawa.

"Whoever among you here said that, please step on the side so we can talk about what happened and why you reacted the way you did," tugon ni Shishou nang wala pa ring sumagot at kinakabahang sinisilip si Daiki sa gilid ng kanyang mata.

Trumiple ang kaba sa dibdib ko nang magtama ang paningin namin ng taong iyon. Kahit sa aking kinatatayuan, ramdam ko ang matinding inis nito sa pangyayari at sa akin. Bahagyang nalaglag ang aking panga nang makita itong marahas na hinila pabalik ang braso para makagalaw, binabalak na makalapit.

Kikilos na sana ako para pagtakpan ang kanyang pagsulong nang may bigla na lang nagtaas ng kamay mula sa kabilang direksyon ng totoong salarin. Nakuha noon ang atensiyon ng mga tao, pati na rin ng aming Shishou. Naningkit ang mga mata ko nang makilala ang taong iyon.

"Yazaki-san?"

Sandaling nagtama ang paningin namin ni Kai. Sa titig nito, alam ko na agad ang gusto nitong ipahiwatig. Mabilis kong nilingon ang kabilang direksyon at agad na nanlaki ang aking mga mata nang makitang puwersahang hinihila palabas ni Kou ang haring gustong kumawala. Nang makalabas na sila, tsaka ko ibinalik sa naiwang kambal, nangangamba para sa kapakanan nito. I could only imagine what the Masters would do to him for his rude intrusion.

Ilang sandali pa itong nakipagtitigan sa akin. Bahagya akong umiling para pigilan ito sa binabalak na gawin. Lumala ang takot ko nang makitang nagbuntong ito ng hininga bago padalang na tumayo. Mabilis namang nagsi-usog ang mga tao para bigyan siya ng espasyo.

"I'm sorry, Sensei," he said before I could stop him. He, then, turned towards the Grand Beta and slightly bowed his head, "Master Daiki," he raised his eyes again and continued, "I was playing a game on my phone when the character I was using got beaten by an opponent and died. I was frustrated about it that I forgot where I was and just blurted out a bad expression. Please forgive my rudeness," he said as he bowed his head again, a little deeper this time.

"G-ganoon ba, Yazaki-san?" Isang beses na tumikhim si Shishou habang manaka-nakang sinisilip ang Grand Beta na tila prinoproseso pa ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Kai, "Still, you have to watch for your words, especially if you're out in the public where people can hear you."

"Wakarimashita," Kai politely answered as he gave another bow.

"Well then, let's—"

"Yazaki Kai-san," boomed the Grand Beta's voice, cutting off Shishou's statement, and Kai's posture straightened a bit more.

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon