Kabanata 26

1.4K 76 4
                                    

Jun 8: Happy birthday, Ma! Love you! ;*

KABANATA 26

Sa kalagitnaan ng mapayapang lawa, marahang pag-ihip ng hangin, at huni ng mga insekto sa gabi, bilanggo ako nitong pares na nagsusumamong berde. Nalilito man sa kanilang pinapakitang lungkot ngunit nagpapakalunod pa rin sa lambing nito.

Hindi natinag ang kanyang titig kahit na isa-isang nagsisihulog ang mga butil ng tubig mula sa basang buhok nito papunta sa kanyang noo, sa mga pisngi, sa tungki ng ilong, sa mga labi...

Napalunok ako nang saglit na napadako roon ang aking paningin. Only to have my heartbeat doubled when I realized that with our proximity, he probably saw what I just did. I moved a little as I tried to get away from him, guilty for doing something that, I felt, was illegal. Pero lalo lang humigpit ang hawak nito sa akin. Kumunot ang kanyang noo sa aking tinangkang gawin.

I bit my lip in search of a topic but then regretted it at once when I saw his emeralds swiftly glanced at them again only to return to my eyes a little more frustrated than they were a moment ago.

"Ren..."

I saw him sharply took in air at my call. His jaw clenched as he renewed his hold on me but his touch remained gentle. His pupils dilated as his brow creased in pain. Iyon ang hindi ko maintindihan. What was the pain for?

Magsasalita na sana ako nang may narinig sa hindi kalayuan. Sabay kaming napalingon at nakita ang isang kumakaway na bulto.

"Aya-chan?!"

Naningkit ang mga mata ko habang sinisikap na makita ang pagkakakilanlan ng dumating.

"Kou?"

Isang maingay na singhap ang sunod naming narinig.

"Si Aya-chan nga! Bilisan mo Kai! Aya-chan!"

Mabilis na kumalat sa sistema ko ang ginhawa nang makita ang magkapatid. Nakatayo si Kou at masiglang kumakaway sa amin habang mag-isang sinasagwan ng kanyang kakambal ang sinasakyan nilang bangka. Napangisi ako at agad na tumayo ngunit hindi agaran ding bumalik sa dating pwesto nang pigilan ako ng aking kasama.

Aangal pa sana ako nang maramdaman ang malamig na telang mabilis nitong itinakip sa aking harapan. It was his leather jacket from a while ago. Nakalimutan ko ang lamig dahil sa nangyari kanina.

Magpapasalamat sana ako nang bigla niya na lang akong inangat sa aking pagkakaupo, his dominant arm went under my legs and carried my weight while the other supported my back. Halos mapatili ako sa kanyang ginawa at agad na napakapit sa kanyang balikat. Even through his wet shirt, I could feel his muscles tensing and un-tensing to his every move.

This is embarrassing! I thought as I tried to veer my thoughts away from his clenching jaw and manly scent.

Sinubukan kong kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Lalo lang lumalim ang simangot nito sa aking ginawa. He muttered something under his breath.

"Ano?" I asked but he dismissed it and walked towards the docks instead.

"Aya-chan, we were so worried—"

Tinig sana ng aking kaibigang kaagad na sinapawan ng hari.

"Akin na iyang suot mo," utos nito habang marahan akong ibinaba at pinaupo sa loob ng bangka.

"Ha?"

Mariing binalingan ng hari ang aking nalilitong kaibigan.

"Akin na," pag-uulit nito habang nakaunat ang isang kamay.

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon