Iisa tao lang ang may POV sa story na toh. So wag kayong magalit sa kin kasi personality ko ang nakapaloob dito.
____________________________________________
Janine's POV
Flashback.....
'Lalalalalalaaaaaaa'
Masaya akong pumasok sa gate ng bagong school ko. Oo,isa akong transferee dito sa Samson's High School. Galing akong probinsya kaya naman expected na maitim ako, wala rin akong masyadong alam sa mga 'gadgets'. Kasi nga po kabababa ko lang ng bundok.
Masayang kong tinungo ang bulletin board kung saan nakapaskil ang mga pangalan ng mga studyante at section nila.
Pagkarating ko sa paroroonan ko ay expected na ang maraming studyanteng naroroon para tignan ang sections nila. Nakipagsisikan ako hanggang sa marating ko ang harap. Hinde naman ako nahirapang hanapin ang roon number at section ko. Umalis na ako don at pumuntang room.
5 minutes
10 minutes
15 minutes
'Aishhhh.....Saang lupalop ng campus ko naman toh hahanapin?!'
Inis kong tinignan muli ang papel. Sinulat ko kasi yung name ng building at section ko ba't ba?!
'QEDP Building Room 223 Section IX.'
Ehhh?!!! Saang building ba toh? Naiinis na ako ah?! Sino pagtatanongan ko? Ayoko maging FC sa paningin nila noh! Aishhhh.......
Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng Campus. Ang ganda talaga dito. Pero kahit na! Yung building ko huhuhu! 7 minutes na lang late nako. Kaunti na lang ang nakikita kong mga studyanteng nasa labas at kasali na ako don. Buwesit naman kasi. Bakit ba walang pangalan ang mga buildings dito? Ayan tuloy naliligaw ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Wala akong pakialam kung saan man akong dalhin ng mga paa ko.
Umakyat ako sa isang hagdan. Pagkarating ko sa taas ay laking gulat ko.
'Nasa Gym ako?!'
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng Gym. Masyado akong namangha sa nakita ko kaya naman ay hinde ko namalayan na may tao na pala sa likod ko.
"Anong section mo?"-masungit na tanong ng isang babaeng medyo may edad na rin.
"P-Po?"-nauutal na sabi ko.
"Anong section mo kako?"
"A-Ahhh....Section IX po. Hinahanap ko po ang 'QEDP Building."
"Transferee?"-mahinahong tanong nya.
"O-Opo."
"Tsk. Deritsohin mo ang Cateen palabas tapos kumanan ka. Pagkanan mo may makikita kang hagdan. Umakyat ko do'n papuntang 3rd Floor. Tapos sa pangatlo mula sa kaliwa, yun ang room mo. Sige pasok na."
"Opo. Thank you po."-nakangiting sabi saka umalis. Tinungo ko ang 'room' ko.
'Palabasa sa Canteen? CHECK!
'Hagdan?CHECK!
'3rd Floor? CHECK!
Then...
*1
*2
*3
Woohh..Nahanap din kita. Tanaw na tanaw ko mula sa labas ang mga bago kung kaklase. Tss....ang ingay naman nila.
Pumasok na ako at umupo sa may dulong upuan.
'Loner'
Huhuhu...ano gagawin ko? Wala akong kausap. Huhuhu
Habang nag-e-emo ako sa dulo, biglang may naramdaman akong humawak sa likod ko. Nilingon ko ito at naggulat ako ng makita kong lalaki pala ang humawak sa likod.
"Dito ka na ba mag-aaral teh?"-tanong nya. Nasaan naman kaya ang COMMON SENSE ng moko'ng toh? Tumango nalang para hinde naman sya mapahiya.
____________________________________________
A/n:#Endofthechapter. Don't forget to VOTE & COMMENT. Thank you