Chapter 2

13 3 1
                                        


"Patricia. Gusto mo ng ice cream". Sabi ng batang lalaki sa batang babae.

"Libre ba?".Sabi ng batang babae

"Yes" natutuwang sinabi ng batang lalaki.

"Gusto ko strawberry" makulit na sinabi ng batang babae.

-----------------------------------------------------------

"Cath!"

Ang ingay naman.

"Cath! Bumagon ka na" Sino ba yon.

Babangon na nga ako. Na kita ko ang aking ate ko sa harapan ko na nakakunot ang noo. Ang aga-aga sumisigaw na siya.

"Bumangon ka na 7:20am na. 8:00am ang pasok mo" naiinis niyang sinabi

Wait! 7:20am na 40 minutes na lang meron ako.

Pumunta na ako kaagad sa banyo para maligo. Saglit Lang ako naligo
At nagayos na ako ng gamit. Tumingin ako sa orasan 7:45am na.

Hindi na muna ako kakain ng agahan.

"Si Dad" tanong ko kay Ate Alice.

"Tulog pa" walang gana niyang sagot.

"Sige. Papasok na ako"

Nakasakay na ako ng Jeep. Habang nasa biyahe natandaan ko yung napaniginipan ko.

Ang weird hindi ko masyadong nakita yung mukha ng batang lalaki at babae. Ang sweet ng batang lalaki. Yung batang babe naman kaugali ko mahilig magpalibre.

"Kuya sa tabi lang po" pagpara ko sa driver ng jeep. Muntikan ko nananaman makalimutan.

Pagkapunta ko sa classroom wala pa naman yung aming guro. Yes, salamat Hindi pa ako late.

"Pst. Cath ,bakit mas nauna ako sayo ngayon" pabulong niyang sinabi.

"Siguro kinakabahan ka kay Nick noh" nang iinis niyang sinabi

Oo nga pala. Nakalimutan kong nandito na pala si Nick. Medyo kinakabahan ako ng matandaan ko siya. Baka kung ano-anong kahihiyan ang ibigay niya sa akin.

"Hoy! Ano na?". Sabi say akin ni janna .

Tapos napala Ang klase isang oras akong tulala.

Papunta na kami sa cafeteria ng may bumangga ng aking balikat. Si Nick?! 0_0

"Watch where your going" ang lamig ng kanyang pagkakabigkas non.

"Di k-ko sinsadya" nauutal kong sinabi.

Umalis na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Si Nick ba talaga yon?! Bakit parang may mali. Dati pagka nakita niya ako bi-bwisitin niya ako.

Matagal na akong nakatayo hanggang sa matauhan ako.

May pumatong na kamay sa aking balikat.

"Cath. Bakit hindi mo ako pinapansin kanina sa klase" Sabi sa akin ni Alan.

Si Alan Salidad. Ang crush ko noong grade 5 pa ako pero feeling ko hindi pa nawawala ang feelings ko sa kanya pero naging kaibigan ko naman siya noong grade 6.

"May iniisip lang ako" sabi ko sa kanya.

"Sinong iniisip mo. Siya ba o ako?" Biro niyang sinabi.

"H-huh? Anong pinagsasabi mo". Nahihiyang tanong ko sa kanya. Kinikilig ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga.

"Ikaw naman hindi mabiro" natatawa niyang sinabi.

"Assuming" pabulong ko ng sinabi.

"Ano?"

"Wala" naiinis na talaga ako sa kanya masyadong assuming. Kaya gusto ko siya dahil medyo makulit siya.

"Gutom na ako" sabi niya sa akin.

"Pake ko"

"Kain tayo" nag-aaya niyang sinabi sa akin. Nag pout pa siya. Stop that kinikilig ako huwag ka ngang magpacute.

Kumain ako kasama si Alan. Nasaan na kaya si Janna dapat sabay kaming kumain ngayon.

Remembering Who I AmWhere stories live. Discover now