Walang pasok ngayon dahil saturday. Busy akong maglaro sa aking cellphone .naiinis ako ang daming lumalabas na chat heads sa gilid ng phone ko.
Habang naglalaro ako biglang nagring yung phone ko. Si Alan?
"Hello"
"Cath. Pwede ka bang pumunta sa bahay ko. Isama mo si Janna para hindi awkward ah" natutuwang Sabi ni Alan.
Totoo naman na awkward akong kasama kasi wala naman akong alam na topic kung hindi siya tuwing siya ang kasama ko.
"Sige. Bye" naghang-up na ako baka kasi kausapin pa niya ako.
Nagayos na ako at bumaba sa aming hagdan.
"Cath. Saan ka pupunta" tanong sa akin ni Dad.
"Pupuntahan ko lang po si Alan sa kanilang bahay. Don't worry isasama naman si janna"
"Magiingat ka anak" nginitian ko si dad at lumabas na ng bahay.
Matawagan na nga si janna.
"Janna. Pwede ka bang pumunta sa bahay ni-"
"Nandito na ako sa bahay ni Alan. Tinawagan na niya ako kasi baka mamaya mo pa daw ako tatawagan"
"Edi wow" pero totoo naman yon. Ngayon ko pa nga lang siya tinawagan. At least hindi na kami maghihintay ni Alan kay Janna.
Nasa tapat na ako ng bahay nila Alan dahil malapit lang ang bahay ko sa bahay nila ang problema kailangan mo pang tumawid ng kalsada.
Nag doorbell ako para malaman nila na nasa harap na ako ng bahay niya.
"ang bilis naman". Sabi sa akin ni Janna.
"ikaw kaya ang mabilis. Ni Hindi mo nga sinabi na parating ka na. " nagtatampong sabi ko.
"sorry po kung hindi ako nagpaalam kay mommy Cath. "
"hahaha. Nakakatawa" sabi ko pero medyo may pagka sarcastic.
Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Alan. Tiningan ko ang kusina nandoon si Alan nagluluto.
"sanay kang magluto"
"ay hindi kaya nga ako nandito para Hindi magluto. Cath hindi ba obvious"
Wow nahahawa na siya sa pagiging sarcastic ko. No crush hindi bagay sayo masyado kang gwapo.
"Bakit mo ako pinapunta dito. Miss mo na ba ako". Sh*t kung ano-ano ang pinagsasabi ko.
"wag ka ngang assuming." natatawang sinabi niya.
"wala lang gusto ko lang ng kasama. Umalis kasi parents ko. Don't worry wala akong gagawing masama."
"yun lang. Dahil wala kang kasama" naiinis ako. Malay ko kung bakit pero naiinis ako.
Kinain namin ang niluto ni Alan ang sarap. Tinuruan niya din ako magplay ng ukulele. Madali lang pala.
Pagkatapos non umuwi na ako ng bahay. Habang naglalakad pauwi may nakita akong tao nakasandal sa gate nila tapat lang ng bahay namin. Siya naba yung bagong kapitbahay namin.
Biglang kumunot ang noo ko ng nakita ko kung sino siya.
"Bakit ganyan ang mukha mo?". Wow Atlas nag tagalog na din.
"I-ikaw ang bagong k-kapitbahay namin." bakit siya? Bakit yung pinaka-ayaw kong tao ang naging bagong kapitbahay ko.
"Wait saan ba bahay mo?" nagtatakang sinabi ni Nick.
Tinuro ko kung saan. At bigla siyang ngumiti, maslalong kumunot naman ang noo ko.
"well that's great. lets our family meet each other tommorow. So that they will know each other. " pumasok na siya ng gate habang ako nakatayo parin.

YOU ARE READING
Remembering Who I Am
RandomMay isang batang babae na nagka-amnesia. Gusto niyang malaman ang nakaraan niya pero ayaw ng kanyang mga magulang. Will she know her past or just continue to have a life without knowing her past. And to remember her child hood friend.