chapter 3

6 2 1
                                        


Friday na ngayon at wala ng pasok bukas. Yey😒.

Nasa gym kami kasi may i-aanounce daw yung student council president.
May tumayo sa harap ng stage. Mukha siyang familiar para sa akin. Wait mag re-recall lang ako. Hmm siya pala yung nabangga ko sa mall ng nasa book store kami ni Janna. Kaya pala siya pamilyar sa akin noong nabangga ko siya.

"I want all of you to cooperate for this project of donating what you have" nakangisi niyang sinabi.

Ang gwapo niya pero hindi ko type. Medyo dark brown buhok niya at matangkad,medyo may pagka brown din ang kanyang mata. At ang pangalan niya ay si Matthew Flores.

"This was a request from the principal. he is not here for he is busy. I want everyone of you to donate the most valuable things in your life. Are we clear?" Nakangisi parin siya.

"I said are we clear"

"Yes!" Sigaw ng mga estudyante.

Gwapo pero strict.

Most valuable thing in my life.hmmm ano kaya?. Bakit kasi valuable naiinis Naman ako. Yung teddy bear kong pillow na iniregalo daw sa akin ng mama ko sabi ni dad yun yung most valuable thing in my life and I can't give that up.

-----------------------------------------------------------

"Janna, anong most valuable thing mo?". Tanong ko sa kanya.

"Um. Yung wallet na ibinigay sa akin ng crush ko noong bata pa ako."Nahihiyang sinabi niya.

Buti pa siya natatandaan yung kabataan niya ako yung grade 5 lang ako at nakalimutan ko na din koonti yung mga nangyari noong grade 5 pa ako.

Nilagay na namin ang most valuable things sa isang kahon.huhuhu I don't want to let you go Mr. Teddy.

Inilagay ko na si Mr. Teddy sa kahon.
Si Janna naman Hindi din sure kung ilalagay niya ba o hindi yung sa kanya.

Natapos na kaming lahat sa paglagay ng aming most valuable things sa amin. Yung mukha ng iba kong ka-klase naiinis dahil inilagay nila yung gamit na hinding-hindi mawawala sa kanila.

"Janna, sabay tayong kumain mamaya?" Sabi ko sa kanya. Baka makasabay ko nananamam si Alan.

"Geh. Pero Mauna ka ng pumunta sa cafeteria"

At the cafeteria:

May naalala nga pala ako tungkol sa bagong kapitbahay namin mamaya na lipat nila. Sino kaya ang lilipat.

Ang tagal naman ni Janna. Nasaan na kaya siya.

"Nakapag order ka na ng makakain" sabi ni janna.

Nagulat ako sa kanya .bigla nalang sumusulpot kung saan-saan

Tinitigan ko lang kumain si Janna ng bigla akong tumayo.

"Um.. Janna mauna na ako" bakit parang napapalayo na ako sa kanya. Ang tahimik niya at minsan hindi ko na siya kasama.

Tumango lang siya at naglakad na ako papalabas ng cafeteria. Dinala ako ng aking mga paa sa tahimik ng lugar. Umupo ako sa tabi ng pintuan ng may nadinig akong kumakanta na lalaki. Nakinig muna ako. Ang ganda ng kanyang boses. Matagal akong nakinig ng biglang bumukas ang pintong nasa tabi ko.

"What are you doing here?"

Tumango ako. Hindi totoo yan. Si Nick yung kumakanta kanina. Okay babawiin ko lahat ng sinabi ko tungkol sa kanyang boses.

"Bakit bawal bang pumunta dito. Hindi mo naman pagmamay-ari ah?.
Bwisit" patuloy-tuloy kong sinabi.

"Woah. I'm just curious why you're here in this place. I thought you don't like quiet places."

Ikaw ba talaga si Nick bakit iba ugali. Alam ko tuwing makikita mo ako kukulitin mo ako.

"Ikaw ba talaga si Nick" nagtataka kong tinanong sa kanya.

"Ugh. Don't ask." Okay titigil na ako baka bumalik siya sa kanyang ka demonyohan.

Remembering Who I AmWhere stories live. Discover now