"Dad aalis na po ako" hinalikan ko siya sa pisngi at naglakad papunta sa kanto para maghintay ng Jeep.Saglit lang naman akong naghintay dahil may pumara agad na jeep. Hindi naman kalayuan ang aking pinapasukan na eskuwelaha. Hindi Naman ako male-late nang ganon- Ganon lang diba.
"Para po" halos lumagpas na yung jeep sa aking bababaan.ano ba naman yan?
Ang nakakainis tuwing sumasakay ka ng jeep ay yung sasabihin mo na nga kung saan ka hihinto pero kailangan mo paring pumara.
Wala pa ang aming guro sa classroom kaya hindi pa ako late.
"Cath, pwede mo ba akong samahan sa mall. Bibili lang ako ng mga gamit para sa school supplies."Sabi sa akin ni Janna.
"Libre mo ko" natutuwang sabi ko.
"Sige na nga. Basta sasamahan mo ko" makulit niyang sinabi.
Siya si Johanna Sophia Samuel. Ang haba ng pangalan niya nakakainggit. Sa akin kasi dawala lang Catherine
at Venus lang. First name and surname ko iyon.
-----------------------------------------------------------Nasa book store kami ni Janna. Ang dami niyang binili may sanda mak-mak na colored papers at oslo. Nasa cashier na si Janna habang ako naman ay naglilibot.
"Sorry po".ano ba yan nakabangga pa ako.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." Naiinis na sinabi ng taong nabangga ko.
Nakakainis normal lang naman na makabangga ng tao. Sorry tao lang ako.
"Nag sorry na nga ako" naiirita kong sinabi sa aking isip.
Umalis na yung nabangga ko. He looks familiar. Pupunta na dapat ako Kay Janna ng lumapit siya sa akin.
"Meant to be" kinikilig niyang sinabi.
"Hoy! Hindi ah! Madalas kaya akong makabangga ng tao. Libre mo na nga ako ng pagkain" pagiiba ko ng usapan.
"Oo nga pala. Baka layasan ka ng mga alaga mo sa tiyan." Pabiro niyang sinabi.
"Hahaha. Talaga" sarcastic kong sinabi.
Kahit kaylan talaga Hindi mo alam kung kaylan siya aatake ng kalokohan.
"Anong gusto mong i-order" tanong sa akin ni Janna.
"Um...chicken burger sandwich Lang and coke float na din." Walang gana kong sinabi.
"Yon lang" sabi niya sa akin.
"Gusto mo bang maubos pera mo" naiinis kong sinabi sa kanya.
Mabilis akong mainis. In other words pikon. Alam kong alam niya na pikon ako pero iniinis niya parin ako. Malay ko ba sa kanya.
Pagkatapos kong maghintay kay Janna ay lumapit na siya sa table. Bakit biglang wala siya sa mood.
"Hoy. May nangyari ba? Bakit wala ka bigla sa mood".nagtataka kong sinabi sa kanya.
"You don't want to hear it. And I'm sure of it" huh? Ano bang meron.
"Ano nga?!" Hindi ko siya pipigilan habang hindi niya ako sasagutin.
"Basta"
"Ano bang meron" gusto ko talagang malaman.
"Fine". Naiirita niyang sinabi.
Ang bilis niyang matalo sa usapan. Hehehehe.
"Si Nick. Nakauwi na" Sabi niya sa akin.
Wait What?!. Si Nicholas Garcia, Nick for short. Madalas niya akong pinapahiya sa klase. Nagpasalamat nga ako yung umalis siya sa pilipinas, parang nakawala ako sa impyerno. Isang taon na siyang nasa Amerika Pero ngayon bumalik nananaman siya.
Medyo nawala na din ako sa mood. Buti nalang konti lang ang aking ini-order.
Nagpaalam na ako Kay Janna at umuwi na sa bahay. Nakakainis bakit ba siya bumalik sa pilipinas.

YOU ARE READING
Remembering Who I Am
RandomMay isang batang babae na nagka-amnesia. Gusto niyang malaman ang nakaraan niya pero ayaw ng kanyang mga magulang. Will she know her past or just continue to have a life without knowing her past. And to remember her child hood friend.