Obliviate

38 4 0
                                    

Akala ko pa naman isang linggong suspendido ang klase. Nagkamali pala ako. Ano pa nga bang ineexpect ko? Eh waterproof nga ang kolehiyo! Scratch that. Isda pala! Ayy teka, mas maganda kung SIRENA! (Umiral na naman kaweirduhan ko -_-^ Sareeh okay, sareeeh?!)

Hindi ko rin alam pero walang nakakaintindi sa trip ko. Swerte ako at nandyan si Svan at si Ace na kayang itolerate ang kabaliwan ko.

Too bad. Pag nandito sa campus, tuwing break time ko lang sila nakakasama. Magkakaiba kasi kami ng course eh. Si Svan, IT. Si Ace, Tourism, classmate ko sya sa ibang subjects pero mga tatlo lang siguro yun.

Naglalakad ako sa corridor ng biglang may makabunggo sakin (O dabaaa?! Di nawawala ang bungguan moments? Gusto ni author yan eh!)

Napaupo ako sa sahig at nalaglag yung dalawang librong hawak ko. Dinampot ko yun at binigyan ng isang matalas na tingin yung nakabunggo sakin.

"Bulag ka ba?!" bulyaw ko habang tumatayo.

"Hindi. Mukha ba akong bulag sa paningin mo?" sarkastikong sagot nya. (Aba't nakuha pa nitong mamilosopo -_-*) "Yung palda mo nakataas." dagdag nya.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malamim.

Pinikit ko ang mata ko. "Obliviate.." bulong ko.

May hawak pa kong ballpen na feeling ko ay isang magical wand yun. Dinilat ko ang mata ko at nakitang ang daming nanunuod samin. Tumingin ako dun sa pilosopong nakabunggo ko.

"Anong pinagbububulong mo dyan?! Weirdo!"

Anak ng--- Kalalaking tao naghahanap ng away. At ang matindi sa babae pa!

Hindi na ko masyadong nasasaktan pag sinasabihan nila akong weirdo. Pero paminsan-minsan, nag-iinit pa rin ang punong tenga ko. Sino ba sila para tawagin akong weirdo?!

Nabubuset na ko dito sa lalaking mukhang hito na to ah!

Nagtatawanan ang mga nanunuod samin. Nagsimula rin silang magbulungan.

"Anong sinasabi nya?" bulong ng isa.

"Sa Harry Potter ata yun," sagot nung isa.

"Feeling may powers ganun?" sabay tawa yung isa.

"Ipatapon nyo na sa Hogwarts yan!" kumento ng lalaking hito na lalong nagpalakas ng tawanan ng mga usisero/usisera.

Hindi na ko kumibo pa at nanatiling nakatayo sa gitna ng corridor.

"Tama na yan Rick," bawal nung isang knight-in-shining-armor na dumating.

Tumawa lang yung mukhang hitong lalaki at sumama dun sa bumawal sa kanya.

"Osh!" napalingon ako sa isang pamilyar na boses.

"Bakit ngayon ka lang Svan?! Para kang parak sa palabas! Huli na kung dumating!" hinampas ko ang braso nya.

"Aray ha! Pero balita ko isa sa H4 ang nakabunggo mo ah!"

"H4? Anong kalokohan naman yan?!" pagtataka ko.

"JuiceColored! For your 3 years of existence dito sa univ, hindi mo kilala ang H4?!"

Buset na Svan to. Tinanong ko na nga sya kung sino yun kasi hindi ko nga alam diba?! HINDI KO NGA ALAM! LANGYA!

"Sila ang flower boys dito sa campus! 3rd year students din sila," pag eexplain nya.

"Edi dapat F4! Mga shungaers naman pala yang mga yan! Saang department? Wala talaga akong alam. Baka wala silang sense. Tsaka yung nakabunggo ko mukhang hito!"

Tinapik nya ang braso ko, "Ingat ka sa pananalita, baka marinig ka ng fan girls nila. Hindi ka makakalabas ng campus na may buhok!" pagbabanta nya.

Napalunok ako, "Ang korni naman!"

My Weird Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon