Apology

20 3 0
                                    

"Vampire?" pagtataka nito.

"Oo.. sa kulay mong yan. Sigurado ako," inabot ko ang kamay nya at dinama ito. "Malamig.. parang patay sa lamig."

Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko, "Are you nuts?" kunot noong tanong nya.

Binitawan ko agad ang kamay nya. "Teka.. Sino ka ba? Bat mo ko kilala?"

"Dahil kay Rick," maikling sagot nya.

"Rick? Sinong Rick?" nagsalubong ang kilay ko.

"Yung nakabunggo mo sa corridor. Anyway, hindi na importante yun. He's just the one who makes a big deal out of it."

Tinitigan ko lang sya. Ano bang pinagsasasabi ng isang to?

"By the way, I'm Angelo Cox. Isa ako sa H4. You can call me Anj," sabay kindat.

Napailing ako at p-in-unch na lang yung bibilhin nyang drinks. Isa pala sya sa Hito4. Pero inaamin ko ha, pogi sya. Kyaaah!

-×-×-×-×-×-×-

Bumangon ako at tinignan ang oras sa phone ko, "8:30?" Nag-unat ako at umupo, "8:30? 8:30!"

Nun ko lang napagtanto, 30 minutes na lang, magsisimula na ang klase ko!

Agad akong tumakbo sa banyo at naligo. Isang sakay lang naman ako papuntang school. Ang kaso, isang oras ang byahe ko.

Paglabas ko ng banyo ay nadulas ako sa medyas na nakakalat sa daan. "URRRGH! Nakalimutan kong maglinis ng kwarto!!!"

Pero isa lang ang alam ko, LATE NA AKO!

9:12am --- Nagtatatakbo ako papasok ng campus. In every class, meron silang binibigay na grace period na 15 minutes.

"Yes! Hindi ako late!" bulong ko ng makarating ako sa pinto ng classroom.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Dahan-dahan...

Dahan-dahan...

Dahan-dahan...

At boom! Walang tao!

"Nasaan na sila?!" para akong isang batang nawawala sa mall.

"Hey weirdo.." isang boses ang narinig ko sa loob ng classroom. "May nakakalimutan ka ata.."

"Sino ka? Show yourself!" sigaw ko na tipong nasa horror movie ako.

"Don't have to know weirdo... ang kailangan mong gawin, ay mag-sorry sa akin."

"I.. what?!" pagtataka ko.

Biglang may lumabas na isang pigura sa pinakalikod na parte ng room. "Binunggo mo ko.. you have to apologize. Hindi ka ba tinuruan ng manners?" unti-unting lumalapit sakin yung lalaking nagsasalita.

Nang maaninagan ko, ay sya nga! Yung lalaking mukhang hito! "Excuse me? But who are you?" (Wow! Litanya ni Harry to ah! Di ko alam na magagamit ko pala.)

"Richard Garcia.. or should I say Rick," diin nya.

"Ah! Ikaw yung hitong sinasabi ni Anj.."

"Anj?! Close kayo?!"

"He said I can call him Anj. I just did. Any problem with that?!" (Ohoooy! Umi-english!)

"Close ba kayo para tawagin mo syang Anj?!" kunot noong tanong nito.

"Hindi! Kakameet nga lang namin kagabi, close agad?! OA mo!"

Suminghal ito, "Ahh. Now I get it. Iniisip mo.. dahil pinansin ka ni Anj, magiging sikat ka na dito sa campus?!"

Aba! At san naman napulot ng isang to ang mga pinagsasasabi nya?! "Excuse me ha! Hindi ko attention-seeker na tulad nyo! At ikaw!" turo ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito, "What?!"

"STORYTELLER ka! Pwede ka ng writer sa wattpad! Pambihira!" kamot ulong sigaw ko.

Tumawa ito ng pagkalakas-lakas na tipong wala ng bukas. "Nakakatuwa pa lang makipag-usap sa weird no?! Or should I say.. PSYCHO!"

BOOM! Sumabog ata ang eardrums ko sa narinig ko. Biglang nanikip ang dibdib ko. Matagal-tagal rin ng huli ko tong maramdaman.

"W-w-what?! Ps-psycho?! Naririnig mo ba ang sarili mo?"

Tumango sya at nag-smirk. Lalong sumikip ang dibdib ko at unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Th-that's.." pilit kong iwinawasto ang paghinga ko. "Below the line."

"Ahuh?" tinaas nito muli ang isa nyang kilay. "Anong ineexpect mo? Pupurihin kita? Sa lakas ng pagbunggo mo sakin that day? Ineexpect mo bang kagigiliwan kita?! You're really out of your mind!"

"Para kang bata.." huminga ako ng malalim. "Maliit na bagay pilit na pinapalaki! Daig mo pa batang inagawan ng candy sa pagmamaktol! And excuse me mister! Ikaw ang bumunggo sakin!" patuloy pa rin ang paninikip ng dibdib ko. Pero di ko na lang inalintana dahil sa lecheng hito na to.

Tumawa sya, "Grabe! Pwede kang comedian no?! Sobrang napapatawa mo ko eh!" lumakad pa ito papalapit sakin.

I just glared at him. Kung makakapatay lang talaga ang tingin. Malamang kanina pa sya naghihingalo.

Paglapit nito sakin ay hinila nya ang collar ng damit ko.

"Ano ba?!" bulyaw ko.

Hindi nya ko binibitawan kahit na hinahampas ko na ang kamay nya.

"Pumapatol sa babae! Bakla!"

Bigla nitong inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Mga two inches lang siguro ang pagitan. Lalong nanikip ang dibdib ko. Nag ha-hyperventilate na ko.

Inhale.. exhale.. Paulit-ulit kong sinasabe sa isip ko. Jusko! Ayokong atakihin dito! Wag po sa harap ng hitong to!

"Repeat it or I'll.."

"Napanuod ko na y-yan." putol ko sa kanya. "Pwede ba tigilan mo na ko. Kung sorry hinihingi mo ibibigay ko."

"Too late." bulong nya sa tenga ko.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. (Please! Release me, let me goooo! Nakuha ko pang magbiro sa moment na to OTL)

Humigpit ang pagkakahawak nya sa collar ko. Halatang pikon na ang isang to.

"P-p-please.." hinawakan ko yung kamay nya sa leeg ko. "I can't breathe."

"Hindi mo ko madadaan sa mga drama mo!" He banged me on the wall.

Napaupo ako sa sahig at tumulo na ang kanina ko pang pinipigilan na luha. Tuloy ang pagsikip ng dibdib ko. Nakakaramdam na ko ng pagkahilo. Tinitigan ko sya.

"Tumayo ka! Pakita mo yang tapang mo!"

Lumuhod ako at inalalayan ko ang sarili ko sa pagtayo.

"Isa kang..." bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nawalan na ako ng malay.

My Weird Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon