Vampire

20 3 0
                                    

Buti na lang mabilis na lumipas ang mga araw. Sunday! --- Walang pasok! Malamang. Almost lahat naman ata walang pasok tuwing Sunday diba? (--*)

Papasok ako ngayon sa part time job ko. Kailangan kong mag-ipon para mabili yung libro ng Harry Potter. Puro DVDs pa lang kasi ang meron ako nun.

2pm to 10pm ang shift ko ngayon. Sana next week pang umaga naman ako para makapanuod muna ako ng movies bago pumasok sa school. Parang natitipuhan kong panuorin yung The Hobbit eh.

Time check 11am. Walking distance lang naman ang store kaya di ko kailangang magkumahog sa pagpasok.

Nagbasa na lang muna ako ng libro, Twilight. Medyo feel ko ang vampires today. In-alarm ko na rin yung phone ko baka mag enjoy ako masyado hindi ko mamalayan ang oras.

Nang mag alarm ang phone ko ay dali-dali kong kinuha ang bag ko at nilagay dun ang librong binabasa ko, phone ko, wallet ko, at... yun lang!

-×-×-×-×-×-×-

"Ate Marj! I'm here!" bati ko dun sa papalitan kong cashier.

"Aga mo yata?" nakangiting tanong nya.

"Hindi naman. Nagbabasa pa nga ako bago pumasok eh. Ako na dyan ng makauwi ka na sa baby mo!"

"O sige.. Mag ingat ha!" then lumabas na sya para umuwi.

Pakiramdam ko napakabagal ng oras pag ganito ang shift ko. Pero wala akong magagawa, tinext ako kanina ng manager namin. Kapapanganak nga lang daw ni Ate Marj kaya sya daw muna sa morning shift sabi ni Boss. (HUEHUEHUE! ANG JEJE!) (--*)

Alas-syete pa lang ng gabi pero sa dilim ng kalangitan eh parang malalim na ang gabi. Tanging si kuya guard lang ang kasama ko dito tapos di pa ko kinakausap. (Weird nya no?) Sakin pa ba nanggaling yun? XD

Kinuha ko ang libro ko sa bag para naman malibang ako. Tutal paisa-isa kung dumating ang mga customer. Gustong-gusto ko yung scene dito sa forest. Yung pinapasabi ni Edward ng malakas kung ano sya. Kahit napanuod ko na to, iba pa rin pag binabasa mo. Kasi ikaw mismo ang nag iimagine ng scenes na yun sa isip mo.

Biglang may pumasok na customer at mabilis kong tinago yung binabasa ko.

"Welcome po!" bati ko.

Dire-diretcho yung lalaki, hindi man lang lumingon. Nakasuot sya ng black pants at black hoodie (Ano? Nilalamig lang?!)

Nasilip ko ang mukha nya at namumutla ito. Parang na-drain ang dugo nya sa putla (Okay, exaggerated lang ako! :p)

Maya-maya pa'y dumiretso sya sa ref at kumuha ng inumin. Hindi maalis ang paningin ko sa kanya.

Nilapag nya yung inumin sa counter. Katahimikan.

"Kanina mo pa ko tinitignan," seryosong tono nya.

"Ah.. Eh.. Sir.." wala akong masabi.

Ibinaba nya ang hoodie nya. Anak ni Gollum naman! Nakakasilaw ang kagwapuhan ng isang to. Parang si Edward Cullen lang (O///O)

"Kilala mo ba ako? Kasi ako, kilala kita."

Nangatog ang mga tuhod ko sa sinabi nya. Pano nya ko nakilala? Parang yung scene lang to sa Twilight. Hindi ko alam na may totoong vampires pala. Please!! Wag mo muna akong kakagatin (>///<)

"Kilala mo ba ako?" tanong ulit nya.

Lumunok muna ako bago magsalita, "Hindi kita kilala. Pero alam ko kung ano ka."

Napataas ang isang kilay nito at tila bang hinihintay nya ang susunod ko pang sasabihin.

"Isa kang... VAMPIRE!"

My Weird Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon