Familiar Faces

28 2 0
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakasisilaw ang liwanag na sumalubong sakin. Teka.. nasa langit na ba ako?

"Osh?" tanong ng mala-anghel na lalaki sa harap ko.

Nagsalubong ang kilay ko, "San Pedro?"

Bigla akong nakarinig ng tawanan. Umupo ako sa higaan ko at tinignan ang kapaligiran ko.

"Sa tingin ko, okay ka naman Osh," lumapit at niyakap ako ni Svan.

Lumapit din si Ace, "Pinakaba mo kami Osh!" maluha-luhang sabi nito.

"Ang OA nyong dalawa ha!" niyakap ko silang dalawa.

"Matagal-tagal din ng umatake yang sakit mo.." dagdag ni Svan.

"Wag na kayong mag-alala dyan. Okay lang talaga ako."

Ngumiti sila. "Mabuti naman kung ganun." si Ace.

"Teka.. Sino sila?" tinuro ko yung lalaking nakaupo sa harap ko at yung dalawang lalaking nakaupo sa sofa ng kwarto.

"Ako si Josh. Di mo ko naaalala? Ako yung umawat kay Rick sa corridor," nakangiting sabi nung lalaking nasa harap ko. "Yun naman si Anj at si Mark. Sa pagkakaalam ko, nameet mo na sila," dagdag nya.

Tumango ako, "Oo nameet ko na yang lalaking bampira sa store. At yan namang si Mark? Mark ba? Kaklase ko pala yan."

Napangiti naman si Anj sa sinabi ko. Si Mark medyo seryoso ang itchura, pero ang pogi nya talaga. Ganyan mga tipo ko eh. Matangkad, maputi, singkit, tahimik.. at teka nga? Bat ba pinagpapantasyahan ko ang isa sa mga hito?!

"Ano pa lang agenda nyo dito?" cold na tanong ko sa leader nila.

"Sinisigurado lang namin na okay ka. Dahil kung hindi, uupakan naman si Rick!" pagkatapos nyang sabihin yan ay sabay sabay silang tatlong nagsitawanan.

Ang weird naman ng mga to ≧◇≦

Nasaan nga pala yung mokong na yun?! Di man lang marunong magsorry, hindi ba sya tinuruan ng manners?! Buset na hito yun! Kung di dahil sa kanya hindi babalik tong sakit ko.

"Wag na wag nyong maipakita sakin ang mukha ng isang yun! Bakla!"

Napatitig silang lahat sakin. Napatakip ako ng bibig, napalakas ata ang iniisip ko. Anak ng tinapa namaaaan. Baka itong tatlo naman ang mambwiset saken =_=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Weird Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon